16

160 31 0
                                    

"Hanggang ngayon wala pa rin akong nakukuhang information tungkol kay Athena, Chase." bungad na sabi sa'kin ni James.

"Masyadong hidden ang mga informations niya." pagsagot ko sa kanya.

"Bakit ba kasi inaalam mo pa yan? Mukhang okay naman na sa kanya ang pwesto niya sa kompanya nila." pagsagot sa'kin ni James.

"Naalala ko yung sinabi sa'kin ni Manang nung nakaraan." bigla kong pag-alala.

"Ano naman yun?" Biglang pagtatanong ni Chase.

"Ang sabi niya kahit daw anong malaman ko tungkol kay Athena ay sana wag ko daw siyang iwan kaya sigurado akong matindi ang mga nakaraan niya and that is what I need to know." pagpapaliwanag ko kay James.

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya habang nakasandal sa sofa ng opisina ko at nakatingin sa'kin ng seryoso at humugot ng buntong hininga.

"Bro, hindi naman sa sinasabi kong pakialamero ka ah pero parang ganun kasi ang lumalabas dito eh,sobrang interested ka tungkol sa nangyari sa past ng fiancee mo pero siya parang wala namang pakialam sa nakaraan mo. I advice to you na itigil mo na ang paghahanap ng mga informations about sa kanya dahil privacy niya yun. Hayaan mo nalang na siya mismo ang magkwento sa'yo." Mahabang sagot ni James.

"You think?" Maikli kong tanong sa kanya.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nagsimula ulit magsalita habang naglalakad lakad sa harap ko.

"Bro,that's her privacy. Choice niyang sabihin sa'yo o hindi. Besides hindi pa naman kayo kasal kaya malay mo after ng kasal niyo sasabihin niya lahat sa'yo ng gusto mong malaman from her past. Wag mo siyang pangunahan." mahabang sagot ni James.

Magsasalita na sana siya ng biglang pumasok ang secretary ko.

"Sir, may naghahanap po sa inyo sa labas. Ang sabi ko po ay busy kayo at may importante po kayong kausap pero nagpupumilit po siyang pumasok." bungad sa'kin ng secretary ko.

"Bakit daw?"

"May gusto daw po siyang sabihin sa'yo. Sobrang mahalaga daw po." pagsagot niya sa'kin.

"Sige, papasukin mo siya." maikling sagot ko.

Lumabas ulit siya ng opisina ko at ilang sandali pa ay bumukas ulit ang pinto at may kasama na siyang isang babae.

"You can leave her here." pagsabi ko sa sekretarya ko.

Lalabas na rin sana si James ng biglang magsalita ang babaeng nasa harap namin.

"Stay here." maikli niyang utos kay James.

Dahil sa sinabi niya ay bumalik si James sa pagkakaupo sa upuan na nasa harap ko at sumunod siyang umupo sa kabilang side.

"Do you know my sister?" Bungad na pagtatanong niya.

Agad kaming nag tinginan ni James at binalik sa kanya ang tingin namin habang parehong nakakunot ang mga noo namin.

"Sister? Who is your sister?" Pagtatanong ko sa kanya.

"I heard that you already engaged to my sister." pagsagot niya.

Pledges Of PredilectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon