10

181 45 0
                                    

Ngayon ay nandito ako sa bahay ni Chase. Sinama niya ako dito dahil ang sabi ng mga pulis ay hindi ako pwedeng mag stay sa condo unit ko dahil kailangan pa nilang mag imbestiga ng mabuti.

Nandito ako sa guest room at hanggang ngayon ay hawak-hawak ko pa rin ang papel. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya kung sino at kanino galing ang sulat na ito.

Sister? Did she or he called me sister? Pero ang alam ko ay dalawa lang kami ni kuya. Is it possible that I might have a half sister or half brother.

Natigil lang ako sa pag-iisip ng biglang pumasok si Chase sa loob at nilapitan ako.

"Are you okay here? Are you comfortable?"

"Don't worry about me, sanay naman akong matulog sa ibang bahay kaya lagi akong komportable. Salamat sa pagpapatuloy mo sa'kin dito."

"No worries. If you need anything just ask for manang para mabigay niya agad sayo. I need to sleep right now. You should rest too. Goodnight." nakangiti niyang tugon sa'kin bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.

Dahan-dahan akong humiga at nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto at hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung sino ang nagsulat ng letter na yun. Dahil sa kakaisip ko ay hindi ko na namalayan ang oras at unti-unti na rin akong nakatulog.

Maaga akong nagising dahil may naramdaman akong mabigat na nakadagan sa kama. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa'kin ang mukha ni Chase.

"Did I wake you up?" Pag-aalala niyang tanong kaya agad ko siyang inilingan bilang sagot.

Inalalayan niya ako paupo sa kama at pinasandal sa headboard.

"Tumawag yung mga pulis at hanggang ngayon wala pa rin silang nakukuhang sapat na mga ebidensya o mga bakas ng mga suspek na nanloob sa unit mo kagabi."

"Wala namang nawala hindi ba?"

"Isa pa yun. Mas lalo silang nahihirapan maghanap ng mga ebidensya dahil wala ring nawala sa mga gamit mo. Bumalik sila roon kasama ang care taker mo at lahat ng gamit mo ay kompleto kaya iniisip nila na ikaw talaga ang pakay nila dun kaya lang hindi ka nila naabutan."

"Is it possible that I have a half sibling." bigla kong pagtatanong sa kanya dahilan para mapatingin siya sa'kin.

"Half sibling? Like half sister or half brother? How can you say that?"

Imbis na sagutin ko siya ay kinuha ko ang papel kung saan nakasulat ang letter at inabot sa kanya. Tinignan niya pa ako ulit bago niya buklatin ang naka tuping papel. Sandali pa siyang nakatitig doon at napatingin sa'kin na para bang nagtataka.

"I hope to see you soon my dearest sister?" Pagbasa niya sa nakasulat.

"Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong isipin. Una ay yung pagiging CEO ko sa kompanya, pangalawa yung sapilitang pagpapakasal sa ating dalawa tapos ngayon dumagdag pa yan. Hindi ko na alam ang gagawin ko." tugon ko habang nakayuko.

"Hey, don't stress yourself too much. I'm here, I'm willing to help you."

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya at tinignan siya ng seryoso.

"You have your own problem. You have your own life. Ayoko ng dumagdag pa sa mga iniisip mo."

"You're gonna be part of my life as soon as we got married."

Sasagutin ko na sana siya ng biglang tumunog ang telepono niya. Narinig kong kausap niya ang mommy niya kaya hinayaan ko na muna siya. Saglit pa siyang nawala at bumalik din siya agad.

"Kailangan mong mag-ayos pinapapunta tayo ni mommy sa office. May importante daw silang sasabihin."

Mabilis akong tumayo at nagtungo sa banyo para simulan ang morning routine ko. Mabilis lang akong naligo at naglagay ng konting make-up sa mukha. Saglit ko pang inayos ang sarili ko at muling tumingin sa salamin bago lumabas ng banyo.

Paglabas ko ay maayos na ang kama pati na rin ang mga unan ay nakaligpit na. Nagtungo ako malapit sa isang side table at naupo sa kama para suotin ang heels ko. Matapos kong magbihis ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng kwarto. Dahan-dahan akong bumaba at bumungad sa'kin ang isang matandang babae.

"Good morning iha, halika muna sa hapag kainan kumain ka muna ng almusal. Nasa taas pa si Chase dahil nagbibihis pa." malumanay niyang ani sa'kin habang nakangiti.

Sinundan ko siya hanggang sa makarating sa dining area. Marami akong nakitang nakahandang pagkain kaya naupo na ako sa isang bakanteng upuan habang siya ay naupo sa katabi kong upuan. Habang kumakain ako ay napapansin kong nakatitig lang siya sa'kin kaya tinignan ko rin siya at pinuri ang luto niya.

"Kayo po ba lahat ang naghanda nito?"

Tumango lang siya bilang tugon at tila ba parang kinakabisado ang parte ng mukha ko.

"Masarap ba? Nagustuhan mo ba?" Magiliw niyang pagtatanong sa'kin.

Hindi ko itatanggi na hindi masarap dahil sobrang sarap ng mga pagkaing ito.

"Sobra po, napaka sarap niyo po pala magluto."

"Napaka saya ko na ikaw ang babaeng papakasalan ng alaga ko. Sana lang ay wag mo siyang iwan sa loob ng simbahan." may pag-aalinlangan niyang ani.

Dahil sa sinabi niya ay napatigil ako sa pagsubo at nilingon siya. Magtatanong na sana ako ng biglang dumating si Chase.

"Athena, let's go we need to go. They are waiting for us." Bungad na ani ni Chase.

Mabilis akong tumayo at nagpaalam na kay manang habang siya ay hinalikan niya ito sa noo. Habang naglalakad ako palabas ay nakasunod lang ako sa kanya kaya siya ang unang nakalabas. Agad niya akong pinagbuksan ng pinto ng kotse niya kaya maingat akong pumasok.

Nang maka-upo ako sa passenger seat ay mabilis niyang tinungo ang driver seat at nagsimula na siyang magmaneho habang ako ay tahimik lang at iniisip pa rin ang tungkol sa sinabi ni Manang.

Sana ay wag ko daw siyang iwan sa loob ng simbahan? Bakit? Ikakasal na ba dapat siya noon?

Tahimik lang kaming dalawa buong byahe. Siya ay seryoso sa pagmamaneho at naka focus lang sa daan habang ako ay nakatingin lang sa bintana.

Bumalik lang ako sa reyalidad ng huminto ang sasakyan sa harap ng kompanya nila. Siya ang unang bumaba at inalalayan ako.

Pagpasok namin sa kompanya nila ay agad kaming nagtungo sa conference room. Hindi pa kami nakakapasok pero rinig na rinig na namin ang boses ng mga magulang namin kaya hindi na kami kumatok at dire-diretso na kaming pumasok.

Pagpasok naming dalawa ay sinalubong kami ng nanay niya at pinaupo sa dalawang magkatabing upuan.

"Anong meron mom?"

"May good news kami for the both of you." excited na tugon ng mommy niya.

Nagkatinginan kami at sabay lumingon sa kanila at mas kinagulat naming dalawa ang sunod na sinabi ng mommy niya.

"Your wedding will be held next week."

---

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now