41

13 0 0
                                    

R18. READ AT YOUR OWN RISK.

"Bakit ka kaya niya pinaiwan diyan?" Nagtatakang tanong ni Abby sa kabilang linya.

"Aba malay ko rin, kayo kasi eh sinabi ko nang wag na tayong tumuloy." naiinis kong sagot sa kanya.

"What if gagawa kayo ng milagro?" Pagsabat ni Elisse sa kabilang linya.

"Anong milagrong sinasabi mo dyan?" Halos pabulong kong tanong.

"Sinong kausap mo?" Rinig kong boses sa likuran ko.

Mabilis akong napatayo at pinatay ang tawag at hinagis ang phone ko sa kama.

Nakita ko si Chase na nakatayo habang nakapamulsa at nakasandal sa pader habang tinitignan ako.

"Ano yun? May kailangan ka?" Nagtataka kong tanong.

"Sabi ko sinong kausap mo?" Pag ulit niya sa tanong niya.

"Ah, sila Abby lang tinanong ko kung nakapag check in ba sila sa Hotel."

Dahan - dahan siyang lumapit sa'kin at inabot ang dalawang paper bag.

"Ano 'to?" Nagtataka kong tanong.

"Damit," maikli niyang sagot sa'kin.  "Diba wala kang damit?" Dagdag na tanong niya.

Mabilis kong kinuha ang dalawang paper bag na nasa kamay niya.

"Saan mo 'to kinuha?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Binili ko," simpleng sagot niya.

"B-binili mo?" Gulat kong tanong sa kanya.

"Oo, nakikita mo namang naka paper bag diba? So it means binili ko yan." Walang emosyong sagot niya.

"B-bat ikaw ang bumili?" Nahihiya kong tanong.

"Bakit? Bawal ba?" Nakataas kilay niyang tanong sa'kin.

Umiling lang akong sumagot sa kanya. Akmang aalis na siya ng bigla kong hawakan ang kamay niya.

"S-saan ako matutulog?" Nag - aalangan kong tanong sa kanya.

Dahan - dahan siyang lumapit sa'kin at bumulong. "Dito, sa tabi ko." Maikli niyang sagot.

Nakita kong napangisi siya dahil sa sinabi niya at iniwan ako sa loob ng kwarto.

Pumasok nalang ako sa cr para magpalit ng damit gamit ang mga binili niya pero laking gulat ko sa nakita kong laman ng paper bag.

"Did he buy this for real!?" Gulat na tanong ko sa sarili ko.

Nakita ko ang dalawang pares ng nighties dress, sinubukan kong maghanap pa ng ibang damit pero wala na akong nakita kung hindi yun lang.

Wala na akong choice kung 'di ang suotin yun dahil wala naman na din akong dalang extrang damit.

Matapos kong magbihis ay nagtungo ako sa vanity table at dahan - dahang sinusuklay ang buhok ko. Napatingin ako sa pinto at nakita kong pumasok doon si Chase.

Agad akong nag - iwas ng tingin ng napatingin siya sa mga mata ko. Habang nagsusuklay ako ay kitang kita ko ang ginagawa niya sa likuran ko dahil sa repleksyon niya sa salamin.

Siya lang ang tinitignan ko habang nagsusuklay at bigla niyang napansin ang pagtingin ko sa kanya kaya umiwas agad ako ng tingin.

"Dito nalang ako sa sofa, ikaw nalang diyan sa bed." ani ko dahilan para mapatigil siya sa ginagawa niya.

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now