Prologue

788 120 0
                                    

I'm not yet ready.

Binalik ko ang tingin sa pagkain na nasa harapan ko at patuloy ko itong tinititigan.

"Kailan ka magiging handa? Kapag malapit ng malugi ang kompanya?"

Muli kong binitawan ang mga kobyertos na hawak ko at muling tumingin sa gawi kung saan nakaupo si Daddy.

"Paulit-ulit kong sinasabi sa'yo na ayaw kong pumalit sa pwesto mo bilang CEO. Hindi ito ang gusto ko sa buhay." Malumanay na pagtugon ko. Lahat kami ay nagulat nang marinig namin na pabagsak niyang binaba ang mga kobyertos at tumayo mula sa kanyang kina-uupuan.

"Sa ayaw man o sa gusto mo ikaw pa din ang papalit sa pwesto ko, Athena." Huli niyang ani bago tuluyang magpunta sa taas.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at napahilot sa aking sentido. Naramdaman ko ang paghaplos ni Mommy sa likuran ko kaya agad akong napalingon sa kanya.

"Pagpasensyahan mo na ang daddy mo,Athena. Gusto lang niya na ikaw ang magpatuloy ng mga nasimulan niya. Ikaw nalang ang maaasahan niya dahil ang kuya mo ay nasa America na ikaw nalang ang natatanging may karapatan na magpatuloy sa lahat." Malumanay na ani ni Mommy.

Dahil sa sinabi niya mas lalo akong napabuntong hininga ng malalim.

"Magpahinga ka muna sa ngayon. Bukas nalang tayo ulit mag-usap tungkol dito." Nakangiti niyang ani.

Sinunod ko ang sinabi niya at tuluyan na akong nagpunta sa kwarto ko. Pagpasok ko palang ay dali-dali akong tumakbo sa kama ko at kinuha ang cellphone ko sa side table. Mabilis kong tinawagan si Kuya at buti nalang sinagot niya ito agad.

{Hey my lil sis, what's up?} Bungad niya sa kabilang linya.

"Kuya, please come back here. Masyado na akong nape-pressure dahil paulit-ulit nalang nila akong kinukulit tungkol sa kompanya." Pagrereklamo ko ngunit isang buntong hininga lang ang narinig ko bago siya muling tumugon.

{Athena, you can do it. I trust you and I swear you can do better more than me so please accept their offer.} Malumanay niyang ani.

Dahil sa sinabi niya mas lalo akong nahirapan magdesisyon. Mas lalo akong nahirapan sa pag-iisip. Hindi ko na siya sinagot pa at tuluyan kong binaba ang tawag. Napahilamos nalang ako sa aking mukha.

"Ano bang dapat kong gawin?" Pagtatanong ko sa sarili ko.

Sa sobrang kakaisip ko hindi ko na namalayan ang oras at unti-unti na akong nakatulog.

Nagising ako sa isang malakas na katok sa pinto ng kwarto ko. Kahit na antok na antok pa ako ay pinilit kong tumayo para buksan ito at agad bumungad sa akin ang mukha ni Mia na para bang takot na takot.

"Madam, buti naman gising ka na. Kailangan mong mag-ayos at bumaba dahil kanina ka pa hinahanap ng daddy mo." Halos pabulong niyang ani.

Hindi na ako tumugon pa sa kanya at sinara ko ang pinto at dumiretso sa banyo ko para mag-ayos.

Nang makalabas ako ng kwarto ko ay agad akong nagtungo sa hapag-kainan at doon ko naabutan sila mommy at daddy na nag uusap. Hindi ko sila pinansin at dire-diretso akong umupo at nilagyan ng pagkain ang plato ko.

"Athena, magbihis ka dahil may importante tayong pupuntahan ngayong araw." Seryosong ani ni Daddy dahilan para mapatigil ako sa pagkain ko.

Agad ko siyang nilingon na may halong pagtataka sa mukha ko kaya muli siyang nagsalita.

"Ipapakilala kita sa mapapangasawa mo." Pagtuloy niya sa sinasabi niya.

Dahil sa sinabi niya ay nabitawan ko ang kobyertos na hawak ko at napatayo sa kina-uupuan ko.

"Are you really serious to do that fake marriage of mine with someone who I really don't know? Really dad? Is this your another trap again? Nung una gusto mo na ako ang pumalit sa pwesto mo bilang CEO and then now you're telling me that you will gonna introduce me to my soon to be husband. This is insane!" Pagsigaw ko sa kanya.

Dahil sa ginawa ko isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko dahilan para mapatayo si mommy at magulat ang mga kasambahay.

"How dare you to shout at me like that!?" Pagalit na tugon ni Daddy.

"Bakit ba lagi mo nalang kinokontrol ang buhay ko? Ikaw nalang lagi ang gumagawa ng desisyon sa buhay ko at sa future ko. For pete sake dad I'm already 23 years old. I have my own life, I have my own decisions and I have my own passion so stop pursuing me to the things that you like because that is not what I want. Stop controlling me. I'm your daughter not your robot." Pagluhang ani ko.

Matapos kong sabihin sa kanya ang mga katagang iyon ay patakbo akong nagtungo sa loob ng kwarto ko. Alam kong susundan ako ni Mommy kaya agad kong ni-lock ang pinto at padapang humiga sa kama ko. Ilang sandali palang ang nakakalipas ng marinig kong tumunog ang telepono ko. Hindi na ako nag-abalang tignan kung sino ang caller at basta nalang ito sinagot.

"Hello?" Pagtatanong ko sa kabilang linya.

{It seems that you already know about your marriage.}  Rinig kong tugon nang nasa kabilang linya.

{Nicholas Chase Dela Vega, your one and only soon to be groom my dear friend. Now go fix yourself and do some research about him.} Dagdag niyang ani. Muli akong natigilan dahil sa sinabi niya.

"Research? Fix my self? Why do I need to fix myself?" Pagtatakang pagtatanong ko. Narinig kong humalinghing pa siya bago niya ako sinagot.

{Because your soon to be groom is on his way there at your house.} Huling sagot niya at binaba ang tawag.

Sandali pa akong tumitig sa telepono ko at dali-dali akong napatakbo sa banyo ko nang ma-realize ko ang sinabi ni Abby. Nagsuot lang ako pants at shirt. Sakto ang pagtapos ko sa pag-aayos ko sa sarili ko nang may biglang kumatok. Tumingin pa ako muli sa salamin bago buksan ang pinto. Agad bumungad sa'kin si Mia na para bang hindi alam ang sasabihin.

"Madam, hinahanap ka nang daddy mo. May bisita kayong pogi." Halos pabulong niyang ani.

Sumama ako pababa sa kanya at pagbaba ko ay agad akong sinalubong ni Daddy na nakangiti.

"My daughter is here. Come here Athena." Magiliw na pagsalubong ni Daddy sa'kin.

"Athena, I'd like you to meet Mr and Mrs. Dela Vega and their children this is Chelsea Dela Vega, the eldest and this is Nicholas Chase Dela Vega, the youngest." Pagpapakilala niya.

Labag man sa loob ko ngunit pilit ko parin silang binigyan ng matamis na ngiti at bumeso sa kanila. Huling bumeso sa akin ay ang isang lalaki. Ito siguro si Nicholas na tinutukoy sa'kin ni Abby kanina.

Pilit ko siyang nginitian ngunit agad ding nawala ang ngiti sa mga labi ko nang marinig ko ang bulong niya sa'kin.

"It wasn't nice meeting you Ms. Ramirez."

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now