47

8 0 0
                                    

"Where are you going?"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses niya.

Bakit ba kasi siya yung sumundo sa'kin? Nasaan na naman kaya 'tong si Abby.

Dahan dahan akong humarap sa kanya at nakita kong nakasandal siya sa kotse niya habang nakapamulsa at nakatingin sa'kin.

Umayos siya ng pagkakatayo at binuksan niya ang pinto ng passenger seat.

"Get in," maikling sambit niya

Nanatili akong nakatayo malayo sa kanya at umiwas ako ng tingin.

"Do you want me to carry you?" Nagtatakang tanong niya

Where's Abby?" Pag iiba ko ng topic

"She's in the hospital," maikling sagot niya

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

Hospital? Bakit siya nandun? Kaya ba hindi siya nagrereply sa'kin...

Patakbo akong sumakay sa kotse ni Chase at iniwan ko ang bagahe sa kanya. Narinig kong bumuntong hininga pa siya at binuhat ang mga bagahe ko sa likod ng kotse niya.

"Let's go to the hospital." Bungad na sabi ko pagsakay niya

Hindi na siya umimik pa at nagmaneho na siya agad.

Tahimik lang ako buong byahe, iniisip kung anong nangyari kay Abby. Okay lang ba siya, ano bang ganap sa kanya.

"She's fine, you don't need to worry that much." Rinig kong sambit ni Chase

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tinanong ko na sa kanya kung anong nangyari.

"What happened to her? Bakit siya nasa hospital? Kelan pa siya nandun?" Sunod sunod na tanong ko

"James told me that she fell down the stairs because its slippery. Kagabi lang nangyari yun kaya kagabi lang din siya dinala sa hospital." Pagpapaliwanag niya

Jusko! Buti nalang ayun lang ang nangyari sa kanya, atleast kahit papano lumuwag ang dibdib ko at nawala ang kaba ko.

Pagdating namin sa hospital ay pinauna na niya akong bumaba habang siya ay magpapark ng sasakyan. Sinabi na rin niya ang room number ni Abby.

Pagdating ko sa kwarto niya ay kumatok muna ako at binuksan ang pinto. Bumungad sa'kin si James na nagliligpit habang si Abby ay kumakain.

"Oh, you're here already." Nakangiti niyang bungad

Lumapit ako sa kanya at hinampas siya sa braso.

"Hoy ikaw! Pinag alala mo ako, nung sinabi ni Chase na nandito ka sa hospital alam mo bang nag overthink ako na baka kung anong nangyari sayo. Buti nalang sinabi niga yung nangyari kaya medyo nawala yung kaba ko." Pagalit na tonong sabi ko sa kanya

"Ang OA mo girl, daig mo pa nanay ko sa pag aalala ha." Natatawang sagot niya

Natigil ang pag uusap namin ng pumasok si Chase sa kwarto niya.

"Thank you for doing me a favor. It means a lot to me." Bungad na sambit niya kay Chase.

"No worries," nakangiting sagot sa kanya ni Chase.

"Pabor paba sa kanya na sunduin niya 'yang asawa niya, hindi naman tol diba." Natatawang sabat ni James.

"Shut up," walang emosyon na sagot niya kay James.

Hindi ko na sila pinansin pa dahil patuloy sila sa pang aasar sa isa't isa kaya ako nalang muna ang nag asikaso kay Abby.

"How is she? is she doing well?" Bungad na tanong ni Abby

Pledges Of PredilectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon