27

113 13 0
                                    

Dalawang araw ang nakalipas mula ng magkausap kami ni Elisse at hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin ako sa mga nalaman ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakakausap, hindi ko alam kung saan at kung paano ko siya tatawagan.

Sinabi ko na rin kay kuya ang tungkol sa mga nalaman ko pero konti lang din ang nalalaman niya kaya mas lalo akong naguluhan.

Napukaw ang atensyon ko ng marinig ko ang malakas na pagsigaw ni Jason.

"Welcome to Tagaytay, Architect!"

Napatingin ako sa gawi ni Jason nang bigla siyang sumigaw pagdating namin sa site. Halos napatingin sa'min lahat ng trabahador pati na rin sila Chase.

"Traffic?" Salubong na tanong ni Chase sa'kin ng makalapit siya. Nakita kong naglakad na palayo sa'min si Jason kasama si Abby kaya kaming dalawa lang ang naiwan.

"I'm really sorry for the delay, marami pa akong tinapos bago mag byahe kaya medyo natagalan ako." paghingi ko ng tawad sa kanya pero nananatili lang siyang nakangiti.

"Why are you smiling like that?" Nagtataka kong tanong sa kanya.   "Nothing, it's just like your enjoyimg your job right now." nakangiti niyang sagot sa'kin.

"Who says that I'm enjoying this, I'm just doing my job for my dad because that's what he wants me to do for our company." Mataray na sagot ko sa kanya at iniwan siyang nakatayo.

Naglakad ako papunta sa site habang si Chase ay nakasunod lang sa'kin. Pagdating ko ay sinalubong ako ng mga trabahador at isa-isa silang bumati at nagpakilala sa'kin. Matapos iyon ay nagsipag balikan na sila sa mga trabaho nila at ngayon ay nandito ako sa loob ng tent at nagpapahinga.

"Have you eaten already?" Bungad na tanong ni Chase pagpasok niya sa loob ng tent.  "Not yet, dito ako dumiretso kaya hindi na ako nakadaan para kumain kasi nagmamadali na rin ako."

"We will having a lunch, come, join us." pagyaya niya sa'kin.   "No, mamaya nalang ako kakain, may kailangan pa akong tapusin, nagpapahinga lang ako saglit." malumanay kong sagot sa kanya.

"May mamaya pa naman para sa gagawin mo, your health is more important more than your paper works."

"I'm fin-" naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong buhatin.

"Hey!!! What are you doing!? Put me down!" Pagsigaw ko sa kanya habang nagpupumiglas.

"Ano ba!? Ibaba mo nga ako! Baka may makakita pa sa'tin dito." mahinang bulong ko sa kanya.

Maingat niya akong binaba paglabas namin sa tent at buti nalang walang masyadong tao at walang nakakita.

"We're married, what's the problem if they saw that." nakangisi niyang sagot sa'kin.

"Yes we're married but we didn't love each other." mataray kong sagot sa kanya.

Nakita kong nagbago ang ekspresyon sa mukha niya, biglang napalitan 'yon ng pagiging seryoso habang nakatingin sa'kin. Maglalakad na sana ako palayo pero hinila niya bigla ang kamay ko at sinandal ako sa pader habang nakakulong ako sa magkabilang braso niya.

"What did you say? We're married but we didn't love each other?" Pag-ulit niya sa sinabi ko habang seryosong nakatingin sa'kin.   "Really huh?" Dagdag niya habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now