40

29 0 0
                                    

"Kanina ka pa lakad ng lakad dyan, ano ba kasing problema?" iritang pagtanong sa'kin ni Elisse.

"What if nandun nga talaga siya sa office ni Chase?" pabalik kong tanong sa kanya.

Nakita kong napasandal siya sa sofa at napahilot aa sentido niya.

"Alam mo kaysa mag isip ka ng mag isip dyan, bakit hindi mo kasi inantay lumabas sa parking lot kung nakita mo naman pala yung kotse niya dun." naiiritang sagot sa'kin ni Elisse.

"Baka naman kasi maling akala lang ako.."

"Ewan ko sayo, babalik na ako sa trabaho ko. Wag mo na isipin yun, malalaman mo din yung katotohanan tungkol sa bagay na yan."

Nagpaalam na siya ulit at tuluyan ng lumabas sa opisina ko, habang ako ay hindi mapakali sa kakaisip.

Napatigil ako sa ginagawa ko ng biglang may kumatok at nagbukas ng pinto.

"Madam, tumatawag daw po sa inyo si Sir Chase, hindi niyo daw po sinasagot."

Mabilis kong tinignan ang cellphone ko at dun ko nakita na may 10 missed calls na pala siya sa'kin.

"Sige tatawagan ko nalang siya, salamat."

Tumango lang siya bilang sagot at bumalik na sa lamesa niya.

Agad kong tinawagan si Chase at hindi nagtagal ay sinagot niya agad.

"I'm sorry, hindi ko agad narinig na tumatawa-" mabilis na naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang sumingit sa kabilang linya.

{Nasaan ka?} agad na tanong niya sa'kin.

"I'm here at my office, why?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Mabilis niyang pinatay ang tawag kaya naman sinubukan ko ulit siyang tawagan pero hindi na siya sumasagot.

"Ano na naman problema nun?" nagtataka kong tanong sa sarili ko.

Nagkibit balikat nalang ako at sinimulan na ang mga trabahong hindi ko pa natatapos.

Abala ako sa mga pinipirmahan kong papeles ng bigla akong makarinig ng mga boses sa labas na para bang may nag - aaway. Hindi ko nalang pinansin ang mga narinig ko dahil hindi ko rin marinig ng malinaw.

Napatigil ako sa ginagawa ko ng biglang may nagbukas ng pinto sa opisina ko at sumalubong sa'kin si Chase na nakatayo habang nasa likuran niya si Danica.

"What do you need? I was in your office a while ago, why didn't you tell me something?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Ma'am, pasensya na po hindi ko po napigilan si Sir. Sinabi ko naman pong marami kayong ginagawa at ayaw niyo pong magpa istorbo." nakayukong bungad ni Danica.

"It's okay, you can leave us for a while. You can go back to your work." tumango lang siya sa'kin at lumabas na ng opisina ko.

"What's that?" pagturo ko sa envelope na hawak niya.

"Pinaglalaruan mo ba ako?" Galit na tanong niya sa'kin.

Napasandal ako sa upuan ko at tinignan siya,  "Ano na naman 'yang mga sinasabi mo?" Naiirita kong tanong.

Pabagsak niyang nilapag ang envelope na hawak niya sa table ko.

"See it for yourself." walang emosyong sagot niya sa'kin.

Kinuha ko ang envelope at binuksan ito, bumungad sa'kin ang napaka daming papel kaya isa - isa kong kinuha yun pero unang bumungad sa'kin ang isang papel.

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now