06

225 59 0
                                    

Nagising ako dahil sa lakas ng tunog ng cellphone ko. Narinig kong may tumatawag kaya kinapa ko ito mula sa side table at sinagot ang tawag.

"Hello? Sino ito?" Inaantok na bungad ko sa kabilang linya.

{Are you still sleeping?}

Napamulat ako ng mata ng mabosesan ko ang nasa kabilang linya. Agad kong tinignan kung sino ang caller pero unknown number lang pero nasisiguro kong si Chase ito. Mabilis akong napabangon at napaupo sa kama.

"C-chase?" Utal na tugon ko sa kabilang linya.

{Ngayon ka lang ba nakatanggap ng tawag sa umaga? Bakit nauutal ka? Para naman hindi tayo nagkakausap sa personal.}

"Bakit ka tumawag? Anong kailangan mo? Paano mo nakuha number ko?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

{Hindi na importante kung saan ko nakuha ang number mo. You need to get up on your bed and fix yourself. I'm waiting you here downstairs outside of your goddamn huge house.}

Napabalikwas ako sa pagkakaupo ko kaya nahulog ako sa sahig mabilis akong tumayo at pumunta sa bintana para silipin siya at dun ko siya nakita sa labas habang nakasandal sa kotse niya.

{Pwede bang bilisan mo? Ang init dito kanina pa ako naghihintay. I'm giving you 15 mins to fix yourself. I will wait you inside my car.}  Huling ani niya bago ibaba ang tawag.

15 mins? Mas mabilis pa sa alas-kwatro ang pagkilos ko dali-daling nagtungo sa banyo para maligo. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil natataranta ako dahil 15 mins lang ang time limit na binigay niya sa'kin. Hindi ko na nagawa ang shower routine ko kaya mabilis akong naghanap ng maayos na damit. Matapos kong makapili ay agad akong nagbihis at nag ayos ng sarili.

Nang natapos ako ay mabilis kong kinuha ang heels ko at patakbong bumaba. Nakasalubong ko pa si Mia sa may hagdan at ng lagpasan ko siya ay bigla niya akong tinawag.

"Madam maagang umalis ang parents mo, nagluto si manang ng breakfast ku-" agad kong pinutol ang sasabihin niya ng magpaalam ako sa kanya.

Sinubukan niya pa akong habulin at rinig ko pa ang pag sigaw niya pero hindi ko na yun pinansin at mabilis kong sinuot ang heels ko at patakbong pumunta sa kotse ni Chase. Mabilis akong pumasok at nagsuot ng seat belt bago ko siya lingunin.

"Galing ka ba sa triathlon? Bakit ganyan ka ka-haggard ang aga pa naman?" Seryoso niyang ani.

Isang matalim na tingin lang ang binigay ko sa kanya bago nagsalita.

"Sabi mo meron lang akong 15 mins para mag ayos ng sarili kaya wag mo akong ganyanin dahil kaya ganito ang itsura ko dahil minadali mo ako, tignan mo pati phone ko hindi ko na na-charge kakamadali." inis na tugon ko.

"Sino ba nagsabi sayo na dapat sundin mo yun?"

"Gusto mo bang mamatay ng maaga? As in literal na maaga?" Inis na tugon ko pero sa halip na sagutin niya ako ay nagsimula na siyang magmaneho.

Buong byahe ay tahimik lang ako. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Diretso lang siyang nakatingin sa kalsada habang nagmamaneho habang ako ay nakatingin lang sa bintana.

Napalingon lang ako sa kanya ng may bigla siyang tinanong dahilan para tignan ko siya ng seryoso.

"Do you had a past relationships?" Seryoso niyang tanong habang nakatingin pa rin sa kalsada.

"Why did you ask me about that?" Pagtataka kong tanong.

"Nothing."

Hindi ko na siya pinansin pa at muling natahimik ang loob ng sasakyan niya. Huminto kami sa labas ng kompanya namin at siya ang unang lumabas. Bago ako lumabas ay inayos ko muna ang sarili ko at saktong pinagbuksan niya ako ng pinto.

Nilahad niya ang kamay ko para alalayan ako palabas at binigay niya ang susi sa isang lalaki para dalhin sa parking lot ang kotse niya. Naglakad lang kami papasok sa loob ng kompanya at dumiretso kami sa loob ng conference room at pagpasok namin doon bumungad ang buong board at nakita kong nandun sa loob ang pamilya niya at ang magulang ko.

"We're very sorry that we are late." Hinging paumanhin ni Chase.

Sabay kaming naglakad at inalalayan niya ako paupo bago siya maupo sa tabi ko.

"What is happening?" Bungad na panimula ko.

"As the time goes by I need to decide about my retirement. Since the board is now complete I decided to talk about my retirement right away." Panimula ni Dad.

"As you all know my eldest son Gabriel had a stable job in US as a CEO that's why he needs to stay there for good and as you all know my daughter Athena is the only one who stays here with us so that's why I decided to turn over my position as the CEO to my daughter."

Halos lahat ay nagulat dahil ang alam nila ay hindi ako interesado sa negosyo namin kaya umaasa akong hindi sila papayag sa gusto ni dad.

"As you all know my daughter graduated as an Architect but it doesn't mean that she was not fit for the position. So I would like you to vote if you agreed to my decision. Just raise your hand if you agree that my daughter will be the new CEO of this company and don't raise your hand if you disagree."

Halos nanlalamig ang kamay ko ng may isang nagtaas ng kamay. Hindi ako mapakali dahil mas dumadami pa ang nagtataas ng kamay. Halos manlumo ako sa kinauupuan ko ng nagtaas din ng kamay ang pamilya ni Chase at si Mommy.

"It's majority!" Natutuwang sigaw ni Daddy.

Halos manlumo ako at hindi alam ang gagawin ko ng marinig ko iyon sa kanya.

"Athena, say something." Pagpukaw ni Dad sa atensyon ko.

Dahan dahan akong tumayo at binigyan sila ng pilit na ngiti.

"As you all know I really don't have any interest about business that's why I took an Architectural course. My eldest brother told me that I need to do this for the sake of our family and I'm very thankful to all of you for the trust you're given to me. I will try my best to work hard as your new Architect and CEO of this company. Thank you." pilit ngiti kong ani ko.

Nakita ko ang sabay-sabay nilang palakpakan habang nakangiti sa'kin.

Hindi ko in-expect na ngayon mangyayari ang araw na ito pero mukhang wala na talaga akong choice.

Kailangan kong gawin ito para sa reputasyon ng mga magulang ko.

---

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now