02

395 111 0
                                    

"I'm gonna miss you."

Ngayon ang flight ni Kuya papuntang US at ngayon ay nandito pa siya sa bahay habang yakap-yakap ako.

"May video call naman Athena," natatawa niyang ani. Dahil sa sinabi niya ay mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

"Athena, I need to go baka maiwan pa ako ng eroplano."

Labag man sa loob ko pero bumitaw na ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Ayoko man siyang umalis pero kailangan dahil may iba siyang trabaho at alam ko na yun talaga ang gusto niyang gawin.

"Take care of yourself. Yung napag-usapan natin pag isipan mong mabuti. Wag kang ma-pressure okay?" Nakangiti niyang ani.

Tumango lang ako bilang sagot sa kanya at yumakap ulit. Nagpaalam na siya sa mga kasambahay at kay Mommy. Wala na dito si Daddy dahil maaga siyang umalis dahil may meeting daw siya kaya kami nalang ang naiwan dito.

Nang makaalis na si Kuya papuntang airport ay muli akong bumalik sa kwarto ko at inayos ang mga gamit na nagkalat. Habang nagliligpit ako ay biglang pumasok sa loob si Mommy dahilan para mapatigil ako sa ginagawa ko.

"Do you need anything,Mom?" Nakita ko lang siyang nakatayo malapit sa pinto at nakatitig sa akin bago lumapit.

Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko at pinaupo sa kama ko bago magsalita.

"Anak, sigurado ka ba talagang ayaw mong maging parte ng kompanya?" Seryosong tanong niya.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Pipilitin na naman niya ako sa gusto ni Dad na ako ang pumalit sa kanya.

"Mom, I want to be an Architect. Paano ko matutupad yung mga pangarap ko kung patuloy niyong ipipilit sa'kin yung mga bagay na ayaw kong gawin. Wala akong kaalam-alam sa business lalo na sa pagpapatakbo ng kompanya baka dahil sa'kin mas lalo lang malugi ang kompanya. Ano pang silbi nung tinapos ko at pinaghirapan ko sa college kung ganito lang din naman ang mangyayari." Malumanay kong ani. Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya kaya muli akong nagsalita.

"Mom, I don't want to disappoint you. I'm just saying my side I hope you will understand that."

"I know that since you were a child. I know you want to be an Architect pero ngayon na kailangan ng magretire ng Daddy mo ikaw nalang ang tanging pag-asa niya na papalit sa pwesto niya. Nasa US na ang kuya mo at hindi natin siya pwedeng pabalikin dito dahil nandun ang trabaho niya. Yun ang gusto niya." Malumanay niyang ani.

"Bakit kailangan ako? I mean bakit hindi niyo nagawa kay Kuya ang ganitong bagay? Bakit hinayaan niyo siyang umalis tapos sa'kin niyo ipagpipilitan ang lahat? May sarili din akong buhay. Paano ko naman magagawa yung mga gusto ko kung pati sa pagtatrabaho ko kokontrolin niyo."

Hindi na siya sumagot pa at tumango-tango nalang sa'kin bilang sagot. Binigyan niya lang ako ng isang halik sa pisngi bago lumabas sa kwarto ko. Nang makalabas siya ay bigla akong natulala sa kawalan at nagsisisi sa mga bagay na nasabi ko pero wala naman sigurong mali dun. Atleast nasabi ko sa kanya ang totoo kong nararamdaman.

Nagising ako dahil sa malakas na hampas sa'kin ni Mia. Kunot noo ko siyang tinitigan habang nakatayo sa harap ko.

"Ano ba naman yan Mia, ang sakit ng hampas mo." pagrereklamo ko.

"Madam, kanina pa kayo ginigising ng mommy mo pero hindi ka niya magising kaya sabi ko ako nalang ang gigising sayo. Bumangon kana diyan madam dahil kanina ka pa hinahanap ng daddy mo."

"Ayokong makasabay sila sa dinner kaya sabihin mo busog pa ako."

Babalik na sana ako sa pagkakahiga ng bigla akong pinigilan ni Mia at umupo siya sa tapat ko.

"Hay naku Madam hanggang kailan mo ba sila iiwasan para hindi ka nila pilitin?" May halong inis na sabi niya.

Dahil sa sinabi niya ay napataas ako ng kilay habang nakatingin sa kanya. Sa lahat ng kasambahay na nandito sa bahay bukod kay manang ay si Mia lang ang pinaka malapit sa akin. Since unang pasok niya palang dito ay magaan na ang loob ko sa kanya kaya tinuring na naming magkaibigan ang isa't - isa.

"Hindi mo kasi alam yung pakiramdam na pini-pressure ng magulang. Palibhasa walang nagkokontrol ng buhay mo. Walang pumipigil sayo sa mga bagay na gusto mo talagang gawin." Seryosong sabi ko.

Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon sa mukha niya at halatang naapektuhan sa sinabi ko kaya magsasalita na sana ulit ako para humingi ng sorry pero bigla siyang nagsalita.

"Alam mo bang isa ako sa mga anak ng isang business partner ng daddy mo." Malumanay niyang ani habang nakayuko.

Halos manlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya kaya agad akong umayos ng upo at hinawakan ang mukha niya.

"Hoy ano ba yang sinasabi mo!?" Gulat kong pagtatanong sa kanya.

Inalis niya ang dalawang kamay ko na nakahawak sa mukha niya at binaba ito at pinatong sa mga binti ko. Nakita kong bumuntong hininga siya bago nagsalita.

"Isa ako sa anak ni Mr. Patricio Davidson, ang isa sa may pinaka malaking real estate sa ibang bansa. Kilalang-kilala siya ng daddy mo. Sobrang close sila kaya naging mag business partners sila. Simula palang nung pumasok ako sa medical school para maging doctor una palang ayaw na niya. Ayaw niyang maging doctor ako to the point na kinakausap niya ang mga teachers ko para ibagsak ako sa mga subjects ko. Lahat ng group mates ko sa mga activities and projects tinatakot niya kaya ayaw na nila akong makisali sa grupo. Lahat ng gusto kong gawin ay kontrolado niya. Napag isipan kong maglayas after kong maka graduate ng medicine. Tinulungan ako ng bestfriend ko at maswerte ako na nakilala ko ang daddy mo at in-offer niya sa'kin na maging kasambahay ako dito. Nung una ayaw ko dahil baka isumbong niya ako kay daddy pero nangako siya sa'kin na kahit kailan hindi niya sasabihin sa daddy ko kaya hanggang ngayon hindi nila alam kung nasaan ako." Mahabang pagku-kwento niya.

Dahil sa mga nalaman ko mas lalo akong na-guilty sa nasabi ko sa kanya.

"I'm sorry hindi ko alam." Malungkot na ani ko.

"Atleast ikaw hindi mo naranasan ang maiwan ng mga kaibigan. Malaki ang pasasalamat ko sa magulang mo dahil tinutupad nila ang pangako nila na hindi nila sasabihin sa pamilya ko ang kalagayan ko ngayon." Dagdag niyang ani.

Magsasalita na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko at muling nagsalita.

"Wag mong iwasan ang magulang mo dahil lang sa ayaw mong pilitin ka nila na gawin ang isang bagay na ayaw mo. Mag isip ka, mag desisyon ka ng naaayon sa gusto mo at sa kutob mo. Kausapin mo sila kapag buo na ang desisyon mo dahil hindi habang buhay pwede mong iwasan ang mga taong walang ibang gusto kung hindi bigyan ka ng mas maayos na buhay." Huling ani niya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Dahil sa sinabi niya mas lalo akong naguluhan. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.

Siguro nga tama siya. Hindi habang buhay pwede kong iwasan lahat.

---

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now