04

301 96 0
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas ng makilala ko si Chase. Ngayon ay nandito ako sa isang resto kung saan kami magkikita. Ang sabi niya 8:00 am daw kami magkikita pero 9:30 na wala pa rin siya. Kanina pa ako naiinip at nagugutom kaya nag order na ako ng pagkain ko. Hindi pa ako nakakasubo ng may biglang umupo sa harap ko at napa-angat ako ng tingin at nakita ko si Chase na pawis na pawis.

"Ang sabi mo 8:00 am sharp pero anong oras na. Masyado ka naman atang Pilipino time." inis na panimula ko sa kanya.

"Palibhasa hindi mo alam ang hassle ng pagiging boss." pabalik na tugon niya sa'kin.

"Bakit ba gusto mong makipag-kita sa'kin?" Dagdag niyang tanong.

Tinigil ko ang pagkain ko at tinignan siya ng mabuti.

"Look we both know that we don't want this fake marriage to happen so please cooperate to my plan." panimula kong ani.

Nakita ko kung paano nagbago sa ekspresyon sa mukha niya at tila ba nag hihintay ng susunod kong sasabihin.

"I don't want to marry you. You're not my ideal man."

"Who says that you are my ideal woman and who says that I want to marry you and spend my whole life with you?" Nakangisi niyang tanong sa'kin.

"And who says I want to spend my life with you too?" Pabalik kong tanong sa kanya.

"Kung may sasabihin ka sa'kin pwede ba sabihin mo na. I'm a busy person and you're wasting my time."

Dahil sa sinabi niya ay mas lalo akong nainis kaya sinimulan ko ng ipaliwanag sa kanya ang lahat. Habang nagsasalita ako ay nakikita ko kung paano magbago ang ekspresyon ng mukha niya pero hindi ko yun pinansin at patuloy pa rin ako sa pagsasalita. Isang buntong hininga lang ang nagawa ko ng matapos kong ipaliwanag sa kanya lahat.

Nakita kong nakasandal lang siya sa upuan at nakatitig sa akin na para bang naghihintay pa na may sabihin ako pero sinenyasan ko lang siya na okay na at pwede na siyang magsalita pero hanggang ngayon ay nakatitig pa rin siya sa'kin kaya ako na ang naunang nagsalita.

"Sa dinami-dami ng sinabi ko sayo may naintindihan ka ba?" Inis kong tanong sa kanya dahil base sa mga tingin niya sa'kin ngayon ay para bang hindi niya pinakinggan lahat yun.

"Ganyan ka ba talaga ka-desperada para hindi ka magpakasal sa'kin?" Seryosong tanong niya.

What? Desperada? Did he called me desperate?

"What are you implying here, you think I am desperate?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya.

"Yes," maikli niyang tugon.

Dahil sa narinig ko ay agad nag-init ang ulo ko at tinignan siya ng masama.

"Akala ko ba ayaw mo rin sa kasal na 'to? Bakit ngayon sasabihin mo sa'kin na desperada ako?"

"I don't think kasal lang ang ayaw mo dito Miss Architect."

"Look I'm not a businessman like you. I don't have any knowledge about businesses and I don't have any interest to be a CEO. I graduated Architecture with a degree so now tell me how can I survive being a CEO huh?" Masungit kong tugon sa kanya.

"I know that you graduated Architecture as you say pero pwede ka naman matuto kung gusto mo."

"I'm not interested." maikli kung tugon.

"Once na magretire ang daddy mo at kapag walang pumalit sa kanya malulugi ang kompanya niyo at maghihirap kayo. Gusto mo bang maghirap ang pamilya mo?"

"That's why you need to help me to find another Architectural company para hindi ako pilitin ng tatay ko."

"No." maikling ani niya.

"Seriously!?"

"Stop fooling around me Ms. Athena." Huling ani niya bago tuluyang tumayo.

"I won't help you about finding another Architectural company. If you want to make a job in another company then do it by yourself."

---

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now