01

608 122 0
                                    

"It's time for you to wake up Athena!"

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at kinusot-kusot iyon habang umuupo sa kama ko. Napasandal ako sa headboard ng kama ko habang nakikipag-laban sa antok. Ipipikit ko na sana ulit ang mga mata ko ng may marinig ulit akong nagsalita.

"Hey Athena, you're so lazy woman. It's time for you to wake up Architect Ramirez," muling tugon ni Kuya.

Dahil sa sinabi niya ay napabuntong hininga na lang ako at diretsong nakatitig sa kanya.

"Why are you looking at me like that?" Natatawa niyang tanong pero napanguso lang ako sa kanya at sinagot siya.

"Do you need to go there for real? Are you going to leave me here?" Malungkot kong tugon. Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Mula sa nakangiti ay napalitan nang pagiging seryoso.

"Athena, I need to do this not just for my own good but for yours too." mahinahon niyang ani. "Edi isama mo nalang ako." pilosopong pagtugon ko sa kanya pero isang buntong hininga lang ang sinagot niya sa'kin.

"Athena, dalawa lang tayong magkapatid. Malapit ng magretire si Dad sa kompanya at ikaw ang nakikita kong pinaka-the best na taong pwedeng pumalit sa kanya. I have my own work in US. Hindi ko pwedeng tanggihan yung offer sa'kin dun." malumanay na pagpapaliwanag niya.

"Kuya, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala akong balak maging businesswoman. Architecture ang course na kinuha ko nung college ako kaya wala akong alam sa business. Mas marami kang alam dito dahil ito ang natapos mo nung college ka. Kuya, ayokong ma-stock dito habang buhay. Si daddy na naman ang magkokontrol ng bawat kilos ko dito sa bahay na ito." pagmamaktol ko sa kanya habang nakatayo sa harap niya.

Hinila niya ang kamay ko at pinaupo ulit ako sa kama ko habang hawak ang dalawang kamay ko.

"Athena, ako na ang nakikiusap sayo. Please be part of our company as the new CEO." Pakiusap niya sa'kin. "I-i will think about it." Huling kataga na lumabas sa bibig ko.

Dahil dun ay bigla akong niyakap ni Kuya.

"I need to pack my things na pala. Just think about it properly okay? No pressure. I love you my lil sis!" Pagsigaw niya habang palabas nang kwarto ko.

Ilang oras pa ang lumipas pero nananatili pa rin ako dito sa kwarto ko. Umalis sila Mommy at Kuya para mamili pa ng mga kailangan ni Kuya habang si Dad ay nasa kompanya. Lalabas na sana ako sa kwarto ko ng biglang tumunog ang telepono ko kaya mabilis ko itong kinuha mula sa side table ko at nakitang unknown number ang tumatawag.

"Hello?" Malumanay kong bungad.

{Athena, this is Dra. Valencia.}

"Yes Dra how may I help you?" Seryoso kong ani. "How was she?" Dagdag kong ani.

{She's still unconscious. Still no sign.} Seryosong ani niya. Ramdam ko ang bigat sa pakiramdam niya ng sabihin niya iyon.

"Still no sign that she will wake up soon?" Paglilinaw kong tanong. Muli akong nawalan ng pag-asa ng marinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya.

{Sad to say but until now we didn't see any sign.} Malungkot na ani niya. Sasagot na muli sana ako ng muli siyang magsalita.

{I need to go, I have another patient. I will give you some updates as soon as possible and as long as I can.} Pagpapaalam niya bago ibaba ang kabilang linya.

Napatitig ako sa bintana ng kwarto ko at napatingin sa isang picture frame na nasa study table ko. Tumayo ako para kuhanin yun at naupo sa upuan malapit sa study table ko. Maluha luha kong hinaplos ang picture frame na hawak ko at sabay niyakap ng mahigpit.

Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses nila Mommy, Kuya at Daddy. Dali dali akong nagpunas ng luha at maingat na binalik sa dati ang picture frame. Lumabas ako ng kwarto ko at pagbaba ko ay agad akong sinalubong ni Mommy habang may dala-dalang mga paper bag.

"Look at this, Athena binili ko yan para sa'yo. Tingin ko ay bagay sa'yo lahat yan." natutuwa niyang ani. Nakita ko kung paano umiling-iling si Kuya habang binibigay sa'kin lahat ni Mommy ang paper bag na mga hawak niya.

"Mom, akala ko ba mga gamit na kailangan ni Kuya para sa pag-alis niya ang bibilhin niyo. Bakit parang halos lahat para sa'kin?" Natatawa kong pagtatanong ngunit hindi pa nakakasagot si Mommy ng biglang sumabat si Kuya.

"Suhol niya yan para mapapayag kang ikaw ang pumalit sa pwesto ni Dad sa kompanya." nakangising sagot sa'kin ni Kuya.

Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para matawa siya kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

Ilang oras pa ang nakalipas at natapos na din kami sa pagtulong kay kuya na mag impake. Bukas na ang flight niya papuntang US kaya naman siniguro nila na walang maiiwan na gamit si Kuya. Bumalik ako sa kwarto ko pero hindi ko namalayan na nakasunod pala sa'kin si Kuya.

"Bukas na ang flight ko. Sana pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko sayo. Ayokong magdesisyon ka basta-basta tapos sa huli ay pagsisisihan mo lang. Take care of yourself here. Sana mapag-isipan mo nang mabuti Athena," malumanay niyang ani bago ako bigyan ng halik sa noo.

Bago siya tuluyang pumasok sa pinto ng kwarto niya ay bigla siyang tumingin sa'kin at nagsalita.  "Don't worry about her, I can take care of her while I'm there." nakangiti niyang dagdag.

"Goodnight my lil sis. Sleep well." nakangiti niyang ani at tuluyan na akong iniwan sa tapat ng pinto ko habang siya ay nakapasok na sa kwarto niya.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

Do I need to take care of everything now?

Naglakad ako papunta sa kama ko at umupo doon. Napatitig lang ako sa paligid ng kwarto ko at bumuntong hininga muli.

I need to decide as soon as possible.

---

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now