03

329 108 1
                                    

Nagising ako dahil sa isang malakas na kalabog sa loob ng kwarto ko kaya dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at bumungad sa'kin ang mukha ni Mia.

"What are you doing here?" Bungad kong tanong sa kanya.

"Hindi ba obvious? Syempre naglilinis." pilosopong sagot niya sa'kin.

"You're cleaning inside my room while I'm here peacefully sleeping." pabalik kong sagot sa kanya.

"Sleeping beauty kasi ang peg mo Madam. Kanina pa kita ginigising pero masyado kang tulog mantika. Muntik ko na ngang basagin lahat ng nandito para magising ka sa ingay kaso masyado akong mabait kaya hindi ko ginawa." nakangiti niyang ani sa'kin.

"Can you please stop calling me Madam. Masyadong nakakatanda yung term mo." inis na sabi ko sa kanya.  

"Siya nga pala wala ka bang balak mag-apply sa mga architectural companies. Sayang naman yung tinapos mong kurso kung tambay lang pala sa bahay ang gagawin mo." natatawang ani niya.

"Naghahanap pa ako ng mga malalaking companies na pwede kong pasukan tsaka syempre yung magandang kompanya."

"Maganda naman yung kompanya niyo bakit hindi ka dun magtrabaho?"

"Ayokong gawing VIP ang sarili ko dun. Ayokong magkaroon ng special treatment dahil lang sa anak ako ng may ari."

"Sino ba nagsabi sayong bibigyan ka ng special treatment at VIP?" Pang aasar niyang tingin sa'kin kaya binato ko siya ng unan. Mabilis niya itong sinalo at tumawa ng malakas habang nakatingin sa'kin.

"Bakit kasi hindi mo subukan? Wala namang mawawala sa'yo kung susubukan mo."

"Kung ako sayo ituloy mo na lang yung paglilinis mo." may halong inis kong tugon.

Papasok na sana ako sa loob ng CR pero napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi niya.

"Balita ko magpapakasal ka."

Dahil sa sinabi niya ay dahan-dahan ko siyang nilingon at nakita kong nagpupunas siya sa study table ko kaya tumakbo ako palapit sa kanya at pinaharap siya sa'kin.

"Hoy! Anong sinasabi mong magpapakasal? Ako? Wala nga akong boyfriend eh. Saan mo nalaman 'yang fake news na yan ha?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Sa parents mo." maikling tugon niya.   "Arrange marriage." dagdag niya.

Dahil sa sinabi niya ay dali-dali akong lumabas ng kwarto. Narinig ko pa ang pagtawag sa'kin ni Mia pero hindi ko siya pinansin at dire-diretso ako sa pagbaba. Pagbaba ko ay nakita kong kumakain na sila mommy at daddy. Nang makita ako ni mommy ay agad niya akong pinaupo para kumain kaya hindi ko na nasabi ang tungkol sa sinabi ni Mia.

Nang makita ko si Mia na pababa ay binigyan niya lang ako ng isang tango sensyales na sundin ko ang sinabi ni mommy.

Agad akong naupo sa upuan na kaharap niya at sinimulang kumain.

Tahimik lang kaming kumakain pero bigla akong napatingin kay Daddy ng bigla siyang magsalita.

"Athena get ready for tomorrow."

"What's the event?" May halong pagtataka kong tugon.

"Magdedesisyon na ang board."

Pledges Of PredilectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon