46

11 0 0
                                    

Abala ako sa pag iimpake ng gamit ko ng biglang pumasok si Abby sa kwarto ko.

"Are you sure na ayaw mong samahan kita?" Nag aalalang tanong niya.

"I'm fine, kailangan ka nila dito," maikling sagot ko habang nag aayos ng gamit ko.

"Wala ka bang balak sabihin sa kanila na aalis ka ng Pilipinas?" Nagtatakang tanong niya

Napatigil ako sa pag iimpake at humarap sa kanya.

"Hindi naman siguro nila ako hahanapin diba?" Pabalik na tanong ko sa kanya

Narinig ko ang buntong hininga ni Abby at hinawakan ang kamay ko.

"Hindi ko alam kung paano mo nakakaya lahat ng ito pero sigurado ako na isa si Natasha sa dahilan kung bakit patuloy ka pa ring lumalaban sa buhay." Nakangiti niyang sagot sa'kin

"May ipapakiusap lang ako sayo, sa inyo ni James." Seryosong sagot ko

"Ano yun?"

"Kung pwede sana, kung sakali man na hanapin nila ako at magtanong sila wag niyong sasabihin ang tungkol sa kalagayan ni Natasha. Sabihin mo lang na may inasikaso lang akong mga papeles sa America." Malumanay kong sagot

"Oo naman, akong bahala sayo," nakangiting sagot ni Abby.

Tinulungan niya akong ayusin ang natitira kong gamit at tinulungan niya rin akong magbuhat. Hinatid nila ako ni James sa airport at walang kaalam alam ang kahit na sino sa pamilya ko.

"Salamat sa inyo, babawi ako pag balik ko. Pasensya na sa abala."

"Ano ka ba, maliit na bagay, wag ka mag alala kami na bahala kila tito at tita pati na rin sa asawa mo." Nakangiting sagot ni James

"Sige na pumasok kana baka mahuli ka pa sa flight mo. Mag ingat ka ha, text or call me if nandun kana." Pagsabat ni Abby

"Iyakap mo nalang kami kay Tasha," dagdag ni James

Niyakap ko lang silang dalawa at nagpaalam na ako. Pumasok ako sa airport at saktong paalis na rin ang eroplanong sasakyan ko kaya agad akong nag check in.

Hindi ko na naisipan na gamitin ang private jet or plane namin dahil paniguradong makakarating sa kanila na umalis ako ng Pilipinas.

Mas mabuti na rin na si James at Abby lang ang nakakaalam.

Ilang oras ang byahe at pagkalabas ko ng airport ay nandun na agad ang driver ko.

Agad akong dumiretso sa hospital kung saan naka confine si Natasha at pagdating ko doon ay agad akong inasikaso at tinawag si Jess.

Nakaupo lang ako sa waiting area dahil may pasyente pa daw si Jess kaya hinihintay ko siyang matapos.

Napatayo nalang ako ng bigla kong marinig ang boses niya.

"Athena, I'm glad that you're here already." Nakangiting salubong niya sa'kin.

"Let's go to her room." Pag aya niya sa'kin

Tanging tango lang ang naisagot ko.

Alam kong matagal kong hinintay ang araw na ito, ang muling makausap, mayakap at makitang nakangiti ang anak ko pero hindi pa rin naaalis sa akin ang kabang nararamdaman ko.

Habang papalapit kami sa kwarto niya ay mas lalo akong kinabahan at nakita kong biglang huminto sa isang private room si Jessica at nakita ko ang pangalan niya.

Patient's name:
Natasha Isabella Ramirez

Humugot ako ng malalim na buntong hininga kaya biglang hinawakan ni Jessica ang kamay ko.

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now