09

192 49 0
                                    

Hanggang ngayon ay nasa daan pa rin kami ni Chase. Dahil sa sinabi niya ay hindi ko siya pinapansin at nanatili lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Diretso at tahimik lang siyang nagmamaneho.

Ilang oras pa ang binaybay namin sa daan dahil sa traffic ay nakarating na kami sa tapat ng parking lot. Sinamahan niya ako hanggang sa floor kung nasaan ang unit ko. Sasama na sana siya papunta sa unit ko ng tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya kaya napahinto siya sa paglalakad.

"Wag mo na ako samahan sa unit ko kaya ko naman na. Umuwi ka na anong oras na rin baka pagod ka na. Salamat sa paghatid." nakangiti kong tugon sa kanya.

"Are you sure?" Paninigurado niyang tanong.

Sa halip na sagutin ko siya ay hinatak ko siya papunta sa elevator at ako na mismo ang pumindot.

"Okay na ako dito, umuwi ka na para makapag pahinga ka ng matagal."

Saktong bumukas ang elevator kaya tinulak ko siya sa loob at binigyan siya ng ngiti. Wala na rin siyang nagawa at nagpaalam na rin sa'kin. Hinintay kong magsara ang elevator bago ako tuluyang naglakad papunta sa unit ko.

Habang naglalakad ako ay hinahanap ko rin ang susi ng unit ko sa loob ng bag ko.

"Nandito lang yun, paniguradong nailagay ko yun dito. Hindi ko naman inaalis yun dito." pagka-usap ko sa sarili ko habang naglalakad.

Nang makarating ako sa tapat ng unit ko ay saktong nakita ko na ang susi. Ipapasok ko na sana ang susi sa door knob ng mapansin kong nakaawang at nakabukas ang pintuan ng unit ko.

Bigla akong kinabahan dahil sa nakita ko kaya lumingon ako sa kaliwa't kanan ng hallway at binalik ang tingin ko sa pintuan ng unit ko. Dahan-dahan kong binuksan yun at naglakad papasok.

Labis ang kaba na nararamdaman ko habang naglalakad ako papasok sa loob. Nakita ko na nakakalat lahat ng gamit ko sa sala pati sa kusina ay nakabukas ang ilaw. Napatingin ako sa taas kung nasaan ang kwarto ko kaya mas lalo akong kinabahan at mabilis na tumakbo paakyat. Naabutan kong nakabukas rin ang pinto ng kwarto ko at pagpasok ko ay gulo-gulo ang mga gamit ko, nakakalat lahat ng mga papel sa study table ko at pati kama ko ay magulo. Pati pinto ng CR at ilaw nito ay nakabukas din.

Mabilis akong tumakbo pababa para kuhanin ang telepono ko at tawagan si Sandra na care taker ng unit ko. Habang nag-riring ang telepono niya ay hindi ako mapakali at mas lalong kinakabahan. Ilang minuto pa ang lumipas at sinagot niya na ang tawag ko.

{Hello Ate Athena?} Bungad niyang tugon.

"Sandra, pumunta ka ba dito sa condo unit ko kanina?"

{Hindi ate, ang sabi mo kasi next week ka pa uuwi diyan kaya hindi muna ako nagpunta.]

Mas lalo akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Bukod sa'kin ay siya lang ang may susi at tanging nakaka-alam ng password ng unit ko.

{Bakit ate? May problema ba?}

"Nandito ako ngayon at mukhang may ibang taong pumasok dito. Pagdating ko dito bubuksan ko sana yung pinto gamit yung susi pero nakita kong nakabukas na tapos pagpasok ko nakakalat lahat ng gamit ko dito pati gamit sa kwarto at sa kusina." natataranta kong tugon.

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now