12

172 37 0
                                    

Nandito pa rin ako sa sala nila Athena at hinihintay siyang matapos sa pagbibihis. Abala ako sa paghihintay sa kanya ng bigla siyang bumaba.

"Let's go, we're gonna be late." mabilis na pagyaya niya sa'kin.

Mabilis kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya sa paglalakad dahilan para mapatingin siya sa'kin.

"What?" Mataray niyang pagtatanong.

"Bakit ganyan suot mo?" Pagtatanong ko sa kanya.

She's wearing a denim short above her knees and off shoulder with some laces around.

"What? Anong masama dito?" Pagtataray niyang tanong sa'kin.

"Makikipag meeting ka ng ganyan ang suot mo? Are you serious? Sa tingin mo ba yan ang tamang suot ng isang CEO ng isang kilalang kompanya sa buong bansa tuwing makikipag meeting?" Pabalik kong tanong sa kanya.

Nakita ko ang pagtataas ng kilay niya habang nakatingin sa'kin.

"Hindi naman business partners ang kikitain natin diba? Wedding planner naman diba? Kaya tara na." paghatak niya ulit sa'kin pero hinatak ko siya pabalik.

"Change your clothes or else bubuhatin kita at ako ang magpapalit niyang suot mo." seryoso kong sabi sa kanya.

Nakita kong mas lalo siyang sumimangot at pabalibag na binitawan ang kamay ko sa ere at padabog na umakyat pabalik sa kwarto niya.

"Wear proper clothes!" Pagsigaw ko sa kanya pero isang padabog na pagsara lang ng pintuan ang narinig ko.

Babalik na sana ako sa pagkakaupo ko ng makita ko ang care taker nilang matanda na na pailing-iling habang naglalakad papunta sa'kin.

"Magandang araw po,manang." magalang na bati ko sa kanya ng makalapit siya sa'kin.

"Pagpasensyahan mo na si Isabelle iho, ganyan talaga ang batang iyan." pailing-iling niyang pagtugon sa'kin.

"It's fine manang, mukhang kailangan ko na rin talaga siyang pagpasensyahan mula ngayon." natatawa kong pagtugon sa kanya.

Narinig ko ang buntong hininga niya bago siya ulit magsalita.

"Iho, may ipapakiusap ako sa'yo." Malumanay niyang sagot sa'kin.

"Sige ho, ano po ba yun?"

"Kung ano man ang malaman mo tungkol kay Athena sana ay wag mo siyang iwanan." may halong lungkot na pagsabi niya.

Hindi na ako nakasagot dahil bigla nalang niya akong tinalikuran at naglakad pabalik sa loob ng kusina.

What did she just say? What is the meaning behind those words?

Nabalik lang ako sa reyalidad ng makita kong pababa na si Athena at nakasuot na siya ng T-shirt at pants.

"Okay na ba ito?" Mataray niyang pagtatanong sa'kin.

"Yeah, let's go." Malamig na tugon ko sa kanya tsaka unang lumabas.

Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at napalitan yun ng pagtataka.

Nang makapasok kaming dalawa sa kotse ko ay nagsimula na akong magmaneho. Napapansin kong panay tingin niya sa'kin pero hindi ko siya pinapansin at naka focus lang ako sa daan.

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now