28

107 8 0
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas mula ng may mangyari sa amin ni Chase sa Tagaytay. Ngayon ay pareho kaming abala sa trabaho at wala atang araw na hindi siya pumupunta dito sa opisina ko para mang gulo at maglambing.

Abala ako sa pagtipa ng ballpen ko sa lamesa ko ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Danica na may dalang bouquet of flowers.

"Madam, may special delivery po sa inyo." bungad na sabi niya habang nilalapag ang bulaklak sa harap ko.

Pagkalapag niya sa bulaklak ay patakbo siyang lumabas sa opisina ko. Isa-isa kong tinignan ang mga bulaklak at napansin ko ang isang puting envelope roon kaya kinuha ko iyon at tinignan ang laman.

-Call me if you received the flowers.

    ~Hubby

Pagbasa ko sa sulat, napangiti naman ako matapos kong mabasa yun kaya kinuha ko ang telepono ko at tinawagan siya. Nakailang ring pa yun bago niya sagutin.

{Hello?} Bungad niya sa kabilang linya.

"Did I disturb you Mr.?" Nakangiti kong tanong sa kanya habang nakatingin sa mga bulaklak na nasa harap ko.

{No, I'm taking my lunch. Why? What's the matter?} Pagtatanong niya mula sa kabilang linya.

"I received the flowers already." nakangiti kong sagot sa kanya habang hawak ang letter.

{Did you like it?} Pagtatanong niya mula sa kabilang linya.

"What's the occasion? Bakit may pa-bulaklak ka?" Natatawa kong tanong sa kanya.

{Hindi naman kailangan magkaroon ng special occasion para bigyan kita ng ganyan kagandang bulaklak, I just want to make you smile even I'm not around with you.} malambing niyang sagot sa kabilang linya.

"Fine, thank you for this, I really love it! I need to go, I need to finish some papers pa." pagpapaalam ko sa kanya.

{Okay, see you later at house.}  Pagsagot niya, ibababa ko na sana pero may isa pa siyang sinabi bago magpaalam.

{I love you,} malambing niyang sabi sa'kin dahilan para mapangiti ako.

"I love you too."

Ilang oras na akong nakatitig sa papel na nasa harap ko pero hindi pa rin ako matapos tapos dahil masyadong marami. Napatingin ako sa cellphone ko at nakita kong nagtext sa'kin si Chase.

From: Hubby
I'm home, I already ate dinner, I'll wait for you. I love you.

Hindi ko na siya nireplayan pa at niligpit ko na ang mga gamit ko. Paglabas ko ng opisina ko ay binilin ko nalang kay Danica na i-double check ang opisina ko bago siya umuwi.

Nang makababa ako ay naka-park na sa harap ng kompanya ang kotse ko kaya sumakay agad ako. Masyadong mahaba ang traffic kaya late na rin akong nakarating sa bahay.

Pagdating ko ay nakita ko si Chase at Manang na nasa sala habang nanonood ng TV.

"Oh iha, nandito ka na pala, sandali at ipaghahanda kita ng hapunan." Akmang tatayo na siya ng bigla ko siyang pigilan.

"Manang, mamaya nalang po ako kakain. I'm already tired." pagsagot ko sa kanya.

Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi nila sa'kin at dire-diretso lang akong umakyat papunta sa kwarto. Pagpasok ko ay nilapag ko lang sa sahig ang bag ko at hinagis ang heels ko kung saan at naupo ako sa tapat ng vanity table ko.

Abala ako sa pag tanggal ng mga accessories ko ng biglang pumasok si Chase at nilapitan ako.

"Are you okay? You look tired?" Nag-aalala niyang tanong sa'kin.

"I'm fine, masyado lang talagang na-drain yung utak ko sa mga trabaho na kailangan kong tapusin. Actually marami pa akong kailangan tapusing mga papeles bukas." nakapikit kong sagot sa kanya.

"Parang sobrang busy mo naman ata this past few days. Napaka dami mong pinupuntahang site tapos pabalik-balik ka pa dun. I'm worried about you." nag-aalala niyang sagot sa'kin habang nakahawak niya sa magkabilang balikat ko.

"That's my job and my parents are very busy kaya hindi nila maharap yung ibang bagay na yun kaya ako nalang ang pumupunta for them. Don't worry about me, I'm doing well." paniniguro ko sa kanya.

"Do you want me to help you?" Pag-aalok niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"What? No way! You have your own job and you need to prioritize that too. Don't worry too much I'm doing fine." pagsagot ko sa kanya.

"But look, tuwing umuuwi ka nalang lagi ka nalang pagod at puyat. I'm worried, you think kakayanin ko kapag nawala ka sa'kin?" Malungkot na tanong niya sa'kin.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at humarap sa kanya habang hawak ko ang dalawang kamay niya.

"I won't leave you, don't be scared, I'm always here for you." paniniguro ko sa kanya.

"I will get you some food, wait for me here." pagpapaalam niya.

Paglabas niya sa kwarto ay agad akong nagtungo sa banyo para mag shower. Matapos kong mag shower ay ginawa ko ang night routine ko at paglabas ko ay nakabalik na si Chase at inaayos niya ang pagkain sa mini table sa kwarto.

Naglakad ako papunta sa kabilang side para dun maupo at nagsimulang kumain habang siya ay nakatingin lang sa'kin at hinihintay akong matapos kumain.

"Medyo matatagalan pa yung construction sa rest house niyo but I will try my best to beat your deadline for that." pagpapaalam ko sa kanya.

"Don't rush it, my family can wait for that. I will talk to them about that don't worry."

"Pero nakakahiya naman lalo na sa mommy mo. Nag-eexpect pa naman siya na matatapos yun ng mas maaga sa deadline." malungkot kong sagot sa kanya.

"It's fine, don't worry about that. I can talk to my mom about that."

Ilang oras nang matapos akong kumain kaya ngayon ay nandito ako sa harap ng laptop ko at nagtatrabaho pa rin habang si Chase ay nakahiga na sa kama habang abala sa cellphone niya.

"Hindi ba't masyado ng gabi para magtrabaho ka pa dito sa bahay? Sobrang overtime naman yan." pagsita sa'kin ni Chase habang naglalakad palapit sa'kin.

"May kailangan lang akong i-approve na project, kaka-send lang kasi sa'kin ni Danica via email kaya ngayon ko lang nabasa kasi maghapon akong nagpirma ng mga papeles sa opisina." pagsagot ko sa kanya pero nanatili pa rin siyang nakatayo sa likuran ko.

"Let's sleep na," malambing niyang sagot sa'kin habang nakayakap ng mahigpit.

Wala na akong nagawa dahil siya na rin mismo ang nagsara ng laptop ko at siya na rin ang nagligpit ng ibang gamit na nakakalat sa lamesa ko.

Nang pareho kaming nahiga ay narinig ko na ang paghilik niya kaya napatitig ako sa kanya at hinaplos ang mukha niya.

"How I wish we can still do this once you find out about what happened five years ago."



---

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now