36

90 6 0
                                    

Tahimik lang akong nakaupo sa loob ng opisina ko habang nakatingin sa labas ng bintana ko.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol kay Cheska. What is her connections to my parents. Bakit ganun nalang sila kalapit sa isa't-isa?

Naghahalo-halo na ang mga katanungan sa utak ko. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko, gulong-gulo na ang utak ko.

Sinandal ko ang ulo ko sa swivel chair ko at dahan-dahang ipinikit ang mga mata ko. Napamulat lang ako ng marinig kong may nagbukas ng pinto sa opisina ko kaya agad kong inikot ang upuan ko at bumungad sa'kin si Elisse.

"Why are you look so stress today? Pumunta ka lang kay Chase pero parang sobrang stress mo. Ayos ka lang ba? Ano yung nangyari kanina? I heard you over the phone." Sunod-sunod niyang tanong sa'kin pero tanging isang malalim na buntong hininga lang ang sinagot ko.

"Parang sobrang lalim naman yata ng pinang hugutan mo ng buntong-hininga na 'yon. Tell me, what happened? I'm ready to listen."

"I saw them in Chase office." maikling sagot ko sa kanya dahilan para makita kong magsalubong ang mga kilay niya.

"Them?" Nagtatak niyang tanong.  "Mom & Dad with Cheska." maikli kong sagot.

Sandali pang nagkaroon ng katahimikan kaya muli akong nagsalita.   "Chase told me that Cheska is so close and clingy to Mom & Dad." buntong-hininga kong dagdag.

"And he thinks that they are known each other back then." malumanay kong sabi.

Tahimik lang siya at naghihintay pa sa susunod kong sasabihin pero isang malalim na buntong-hininga muli ang binitawan ko at sumandal sa kina-uupuan ko.

"Tingin mo b-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at mabilis akong sumagot.

"I think so," maikli kong sagot sa kanya habang seryosong nakatingin sa mga mata niya.

"Well, isa lang ang solusyon sa problema mo, kung hindi ka pinapatahimik ng konsensya mo kakaisip isang paraan lang ang sagot."

Kunot-noo ko siyang tinignan bago ako nagsalita.   "What do you mean?"

"DNA test," maikli niyang sagot.   "DNA lang ang tanging makakasagot sa lahat ng iniisip mo. Yun nalang ang tanging solusyon para malaman mo ang katotohanan." dagdag na paliwanag niya.

Mabilis niyang kinuha ang cellphone ko sa bag ko at inabot agad niya sa'kin.   "Call him," maikiling sabi niya sa'kin habang inaabot ang telepono ko.

Dahan-dahan ko itong kinuha at nagsimula ng mag-dial.

{Hello ma'am? Napatawag po kayo?} Pagsagot niya sa kabilang linya.

"May ipapagawa ako sa'yo."

{Sige ho, ano ho ba yun?}

"Kilala mo naman ang mga magulang ko diba?"

{Opo ma'am, bakit ho?}

"Gusto kong sundan mo sila at kumuha ka ng iilang bagay na ginamit nila. Siguraduhin mong may isa silang kasamang babae at kunin mo rin ang isa sa mga gamit niya."

{Sino pong babae?}

"Magsesend ako ng litrato niya sa'yo. Gusto kong sundan mo silang tatlo, manmanan, kuhanan mo ng mga litrato at ipadala sa'kin."

Pledges Of PredilectionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant