15

155 33 0
                                    

Hanggang ngayon ay nandito ako sa bahay ni Chase. Nandito ako sa loob ng kwarto niya habang nakahiga at nanonood ng TV.

Natigil ako sa panonood ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at nakita kong pumasok siya roon.

"Akala ko umuwi ka na." Bungad niya sa'kin.

"Kasi naman eh, magpapasundo sana ako sa driver ko kaso kasama pala siya nila Mommy sa site sa Rizal." nakanguso kong tugon sa kanya.

"Saan ka ba uuwi? Ihahatid na kita." pagtatanong niya sa'kin.

"Sa condo ko sana pero medyo malayo yun kaya magbobook nalang siguro ako sa grab." pagsagot ko sa kanya.

Mabilis akong tumayo at kukunin sana ang cellphone ko ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Tingin mo ba papayagan kitang mag-commute?" Pagtatanong niya sa'kin.

"Pagod ka na tsaka anong oras na ri-" mabilis niyang pinutol ang sasabihin ko ng bigla siya ulit nagsalita.

"Exactly my point. Anong oras na, tingin mo safe pa sa isang babaeng gaya mo ang mag-commute mag-isa?" Pagtatanong niya muli sa'kin.

"Ihahatid na kita."

Hindi na ako nakasagot pa dahil bigla niyang hinatak ang kamay ko pababa at papunta sa kotse niya. Nang makalabas kami ay pinapasok niya ako sa kotse niya at siya ay nagtungo sa driver seat at nagsimulang magmaneho.

May kalayuan ang Condominium ko sa bahay niya kaya ilang oras ang lumipas bago kami makarating sa condo ko.

Pipigilan ko na sana siyang sumama sa taas pero nagpumilit pa rin siya kaya hinayaan ko nalang siyang samahan ako hanggang sa unit ko.

"Naku! Pasensya ka na sa kalat ha. Hindi pa kasi pumupunta dito yung care taker ko." pagsabi ko sa habang nagliligpit.

Nakita kong natawa lang siya at tinulungan akong magligpit kaya napatakbo ako sa kanya para pigilan siya.

"Hey! Wag mo na galawin yan, ako na'ng bahala diyan sa mga yan." Pagpigil ko sa kanya.

"It's fine, I want to help you." Malumanay niyang sagot.

Ilang minuto ang lumipas at natapos na kami sa pagliligpit.

"I'm sorry, you saw my unit like that."

"It's fine, actually kapag wala si Manang at si Grace sa bahay ko baka mas makalat pa ako sa'yo." natatawang sagot niya.

"Sorry nga pala about sa kanina." paghingi ko ng tawad habang nakayuko.

"Sorry for what?"

"Kasi bigla na lang akong pumupunta sa bahay mo." mahinang sagot ko.

Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin at hinawakan ang magkabilaang pisngi ko.

"It's fine, I'm not mad at you because of that." malumanay niyang sagot.

"Per-" mabilis niyang pinutol ang sasabihin ko ng bigyan niya ako ng isang halik sa labi.

"You don't need to worry about that, I'm not mad at you and I will never be mad at you whatever happens." malumanay niyang sabi kasabay ng paghalik niya sa noo ko.

"You should rest, I will go now. Have a good rest. Goodnight." pagpapaalam niya.

Hinatid ko siya hanggang sa pinto at ng makaalis siya ay mabilis akong nag shower at nahiga sa kama ko.

Maaga akong nagising dahil tumawag sa'kin si Abby at tapos na raw ang renovation sa office ko kaya maaga akong naghanda para maaga akong makapunta roon.

Patakbo akong nagtungo sa parking lot at sumakay sa kotse ko at nagmaneho papunta sa kompanya.

Pagdating ko roon ay magiliw akong binati ng mga empleyado. Hindi ko sila magawang batiin pabalik dahil kanina pa naghihintay sa'kin sila Abby. Pagkadating ko sa floor kung nasaan ang magiging opisina ko ay mabilis akong sinalubong ni Abby.

"The finishing touch is done, nagawa naman namin lahat ng nasa sketch plan mo. Tignan mo nalang kung may gusto ka pang idagdag. Let's go." Paghatak niya sa'kin.

Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa'kin ang isang kulay itim na pintura na may halong brown.

"Do you like the color? Medyo dark kasi ang napili namin ni Jason pero okay lang ba sa'yo? Bagay naman daw kasi dito sabi ni Jason eh." Sunod-sunod niyang tanong.

"Don't worry, I really really loved it. Thank you for doing this for me." Natutuwa kong sagot sa kanya habang nakayakap sa kanya.

"No worries my dear, goodluck on your new journey. Hopefully maging successful lahat ng magiging projects mo dito as an Architect and syempre as a CEO." Natutuwa niyang sabi sa'kin.

"By the way, tuloy pa ba yung arrange marriage mo with Nicholas Dela Vega?" Dagdag niyang tanong.

"Unfortunately, yes. Next month na." pagsagot ko sa kanya.

Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon sa mukha niya.

"Omoo!" So this is the last days and weeks na magiging Ramirez ka because next month you will be called as Mrs. Athena Isabelle Ramirez-Dela Vega, Omoo!" Natutuwa niyang sagot habang tumatalon sa harap ko.

"Napaka gandang pakinggan ng pangalan mo pag ganun. Well are you excited?" Natutuwa niyang tanong.

"A little bit." maikling sagot ko.

"I'm excited to see you walking down the aisle while wearing your beautiful and elegant wedding gown." natutuwa niya pa ring sagot sa'kin.

"I'm so happy for you, I hope your happy too." nakangiting sabi niya sa'kin habang hawak ang dalawang kamay ko.

"Thank you for always been here by my side." nakangiting sagot ko sa kanya.

"Sige na, I need to go. I have another appointment pa. See you next month on your wedding day." nakangiti niyang pagpapaalam sa'kin.

Ngayon ay ako na lang mag-isa sa loob ng opisina ko. Naupo ako sa swivel chair ko at hinarap ang window glass sa opisina ko.

Seryoso lang akong nakatingin sa bintana ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya mabilis kong kinuha sa bag ko at tinignan kung sino ang nag text pero unknown number ang nakalagay.

Hindi ko man kilala kung kanino galing yun pero binasa ko pa rin at halos mabitawan ko ang cellphone ko dahil sa nabasa ko.

Get ready yourself because someone from your past is coming back to ruin your life again.

---

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now