35

100 3 0
                                    

"Are you okay? Do you want to go home?" Bungad at nag aalalang tanong ni Elisse ng makapasok siya sa opisina ko.

Napaupo ako sa upuan ko bago sumagot sa kanya.
"I'm tired being accused." maluha-luha kong sagot sa kanya.

Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa'kin at hinawakan ang kamay ko. "You should tell him the truth."

"How? Ayaw niya akong pakinggan. What should I do?" Malungkot kong tanong sa kanya. "Sabihin mo sa kanya na may mahalaga kang sasabihin, panigurado namang makikinig sa'yo yun."

"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ipaliwanag lahat. Hindi ko alam kung saan magsisimula."

"Athena, mas maganda kung sasabihin mo sa kanya ng mas maaga bago ka pa maunahan ni Cheska, alam mo naman yung babaeng yun kayang-kaya niyang baliktarin ang sitwasyon."

Dahil sa sinabi niya ay napabuntong hininga nalang ako, sandali pa akong nanatili sa upuan ko at inayos ang gamit ko. Hindi pa ako nakakatayo ng biglang pumasok si Danica sa opisina ko na hinahabol ang hininga niya.

"Madam! Hindi ka maniniwala sa nakita ko." hinihingal niyang salubong sa'kin.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit hingal na hingal ka?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Y-yung parents niyo po tsaka si ma'am Cheska nakita ko." hinihingal niyang sagot sa'kin.

Nagkatinginan kami ni Elisse at napabalik ang tingin namin kay Danica na ngayon ay nakaupo na sa upuan na kaharap ko.

"Ganito po kasi yun Madam, tinawagan po kasi ako ng nanay ko na kailangan niya ng pambili ng gamot kaya lumabas po ako saglit, pasensya na po hindi na po ako nakapag paalam. Paglabas ko po sa pawnshop kung saan ako nagpadala ng pera nakita ko po si Sir Carlo tsaka si Ma'am Carmen kasama si Ma'am Cheska tapos parang may pinag-uusapan sila." pagkwento niya.

"Baka naman tungkol lang sa negosyo yun." pagsagot sa kanya ni Elisse.

"Parang may something sa kanila Ma'am Eli." seryosong sagot niya dahilan para magka-tinginan ulit kami.

"Paanong something?" Nagtataka kong tanong. "P-parang matagal na silang hindi nagkikita tapos nung nagkita parang naexcite sa isa't-isa. Sobrang higpit ng yakapan nila. Para bang nawawalang anak nila si Ma'am Cheska tapos ngayon lang nila nakilala." tuloy-tuloy na pagkwento ni Danica.

Dahil sa sinabi niya ay bigla akong natigilan.

"May naaalala ako." maikli kong sabi dahilan para sabay silang mapatingin. "Ano naman yun?" Nagtatakang tanong ni Elisse.

"Hindi ba sabi mo sa'kin meron pa tayong bunsong kapatid na pina-ampon ni Mom and Dad nung nasa America sila?" Pag-alala ko sa sinabi sa'kin ni Elisse.

Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at tila ba napaisip din.

"Hindi kaya magkapatid kayo ni Ma'am Cheska, Madam?" Nagtatakang tanong ni Danica.

"I think, we need to investigate about this one." nakangising sagot ni Elisse.

"Bumalik na kayo sa mga trabaho niyo, pupuntahan ko pa si Chase." malumanay kong sabi sa kanila.

Sabay-sabay kaming lumabas ng opisina ko at dire-diretsong naglakad papunta sa elevator. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Danica.

Pledges Of PredilectionOnde histórias criam vida. Descubra agora