32

105 5 0
                                    

"Kanino naman nanggaling yun?"

"Hindi ko alam, wala akong idea kung kanino." malumanay kong sagot sa kanya.

"Anong gagawin mo ngayon? Sasabihin mo na ba sa kanya yung totoo?" Nag-aalalang tanong sa'kin ni Elisse

"Ayaw niya akong makita." Malungkot na sagot ko.

"Ako nalang ang kukuha ng mga gamit mo dun panigurado hindi ka rin papapasukin." malumanay niyang sagot.

Napayuko nalang ako at naramdaman kong unti-unti na naman tumutulo ang mga luha ko.

"I know it's hard but you need to give him some more time."

Tahimik lang kaming dalawa habang magkayakap pero bigla kaming nakarinig ng kalampag galing sa labas kaya mabilis kaming tumayo, bubuksan na sana namin ang pinto nang bigla itong bumukas at bumungad sa amin sila Mommy and Daddy.

"Mom? Dad? What are you doing here?" Nagtatakang tanong ni Elisse

Sa halip na sagutin si Elisse ay bigla akong nilapitan ni Dad at isang malakas na sampal ang tumama sa'kin dahilan para parehong matigilan si Mommy at Nathalia.

"I heard about what happened between you and Chase and I saw the photos!" Pagsigaw niya sa'kin.

"You already saw that five years ago remember?" Seryosong sagot sa kanya ni Elisse.

"Wag kang mangingialam dito!" Pagduro niya kay Elisse.

Muli siyang lumapit sa'kin at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"How can you do that to him! Alam mo bang malaking kawalan siya sa'yo sa oras na makipag hiwalay siya! Mawawalan ng saysay ang mga pinag hirapan ko sa negosyo para maging kasosyo sila at ang reputasyon ko!" Pagsigaw niya at muli akong binigyan ng isang sampal.

"Yan nalang ba talaga ang mahalaga para sa'yo!? Negosyo? Paano naman ako? Tinanong mo ba ako kung ano ang mga mahahalaga para sa'kin!? Pumayag akong ipakasal mo sa isang taong hindi ko kilala at kailanman ay hindi ko inasahan na mapapamahal ako sa taong yun pero hindi ko hinangad na ganituhin niyo ako dahil lang sa pagkakamaling nangyari mula sa nakaraan!" Pag-iyak na sigaw ko.

"Pinilit kong gawin lahat ng trabahong pinasa mo sa'kin dahil gusto kong patunayan sa'yo na kahit papano ay kaya ko pero kahit kailan hindi pa rin pala naging sapat sa'yo yun." naiiyak kong sagot.

"Simula nung bata ako naghahangad na ako ng pagmamahal mula sa'yo pero kahit minsan hindi mo naramdaman yung pangangailangan ko sa'yo kasi mas inuuna mo yung reputasyon mo sa negosyo! Ilang beses ko pa bang dapat patunayan ang sarili ko sa'yo para naman alam ko kasi pagod na pagod na ako! Pagod na pagod na akong maging sunud-sunuran sa'yo pero kahit minsan hindi ko naramdaman yung pag-aalala mo para sa'kin." hagulgol na sumbat ko sa kanya.

"Lahat naman ginawa ko para patunayan ang sarili ko sa inyong lahat pero bakit hindi pa rin sapat." nanlulumo kong sabi.

Nanatili lang silang nakatayo sa harap ko samantalang si Elisse ay inaalo ako.

"Hindi ko na alam kung saan pa ba ako dapat lumugar sa buhay niyo."

Matapos kong sabihin yun ay umakyat na ako at nagpunta sa kwarto ko. Narinig ko pang may sinabi si Elisse sa kanila pero hindi ko na sila pinansin at dire-diretso lang akong umakyat.

Pledges Of PredilectionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora