26

127 14 0
                                    

"Madam, nasa table niyo na po lahat ng mga papeles na kailangan niyang pirmahan."

Hindi ko na pinansin ang sinabi sa'kin ni Danica at dire-diretso lang akong pumasok sa loob ng opisina ko.

Bumungad sa'kin ang patong-patong na mga folder na kulay itim kaya napabuntong hininga na lang ako. Nilapag ko ang bag ko sa isang mini table sa likod ng upuan ko at nagsimula ng magtrabaho.

Napatigil ako sa ginagawa ko ng biglang bumukas ang pinto at pumasok doon si Danica.

"Madam, kailangan po kayo para sa pagpili ng mga materyales na gagamitin sa pagpapatayo po ng resthouse nila Sir Chase." bungad na sabi sa'kin si Danica.

"Bakit kailangan kasama pa ako diyan?" Nagtataka kong tanong sa kanya.   "Kayo daw po kasi yung Architect tsaka request din po ng mommy ni Sir Chase." mahina niyang sagot sa'kin.

"Anong oras ba yun?" Iritang pagtatanong ko sa kanya.   "Mamayang lunch time daw po, Madam."

Pagkalabas niya sa opisina ko ay agad kong sinimulan ang trabaho na kanina pa naghihintay sa'kin.

Sa sobrang abala ko sa pagtatrabaho ay hindi ko na namalayan ang oras. Napa-angat ako ng tingin nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ko.

"Madam, it's already lunch time, naka handa na po yung kotse sa baba tapos naghihintay na daw po si Ma'am Isidra sa meeting place niyo." bungad na sabi niya sa'kin.

Mabilis akong tumayo at kinuha ang bag ko. Hindi ko na siya pinasama sa'kin at pinabantayan ko nalang ang opisina ko. Pagpasok ko sa kotse ay umalis na ito agad. Mabilis ang takbo ng byahe kaya nakarating agad ako sa mall.

Nagmamadali akong naglakad at hinanap ang restaurant kung saan kami magkikita ng mommy ni Chase. Pagpasok ko sa resto ay isang pamilyar na presensya ang nakita ko kaya nagmamadali akong naglakad papunta dun at laking gulat ko ng makitang si Chase ang nakaupo roon.

"Why are you here? Where's your mom?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"She's busy that's why I'm here, ako ang pinapunta niya para makasama mo sa pagbili ng mga materyales at gamit sa resthouse." nakangiting sagot niya sa'kin habang nakapamulsa.

"Sana pina-cancel muna ng mommy mo para sa ibang araw nalang gagawin." seryosong sagot ko sa kanya.

"Do you want to postponed it? Why? Are you busy that much?" Nakataas kilay niyang tanong sa'kin habang nakapamulsa.

"I have many important  papers to do." mataray Kong sagot sa kanya.   "But this is important too, Ms." Nakangising sagot niya sa'kin.

"Stop fooling around with me, let's go, don't waste my time." mataray na pagyaya ko sa kanya at tuluyang umalis sa harap niya.

"Excuse me, Ms. hindi lang oras mo ang nasasayang dito, pati oras ko rin." seryosong sagot niya sa'kin habang sinusundan ako.

"Pwes, bilisan mo 'yang paglalakad mo dahil marami pa akong kailangan tapusin. Ayaw mo naman sigurong matulog mag-isa mamayang gabi diba?" Nakataas kong kilay na tanong sa kanya.

Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinatak ako sa dapat naming puntahan. Siya ang namimili sa lahat at ako lang ang taga-approve. Mabilis natapos ang pamimili naming dalawa kaya lahat ng napili niya ay kinuhanan niya ng pictures at sinend sa mommy niya. Hinintay muna namin ang approval ng mommy niya bago namin yun bayaran.

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now