30

115 9 1
                                    

"Do you want to do something today?" Bungad na tanong sa'kin ni Chase pagpasok niya sa kwarto.

Nandito lang kami sa bahay ngayon dahil naisipan naming wag munang pumasok dahil wala naman kaming masyadong gagawin sa opisina.

"I want to rest," mahinang bulong ko sa kanya.

"Then rest, may kailangan lang akong puntahan ngayon."

Akmang tatayo siya sa kama ng bigla ko siyang pigilan.

"Where are you going? I thought you'll gonna rest too." Pagtatanong ko sa kanya.

"I need to do something, don't worry, I'll be back as soon as possible." binigyan niya lang ako ng isang halik sa labi bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Ilang oras ang lumipas at malapit ng mag tanghali pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik si Chase. Sinusubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot ang telepono niya.

Naisipan kong tulungan nalang muna si Manang sa paghahanda ng pagkain habang hinihintay siya.

"Hanggang kailan mo itatago sa kanya ang totoo?" Biglang pagtatanong ni Manang.

"Ano pong totoo, Manang?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

Hininto niya ang paglalagay ng pagkain sa mangkok at nilapag ito sa kitchen counter at seryosong tumingin sa'kin.

"Tungkol sa nangyari sa'yo limang taon ang nakakaraan." Mahina niyang pagsagot sa'kin.

Bumuntong hininga muna ako bago ako muling sumagot sa kanya.

"Manang, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang mga nangyari. Hindi ko alam kung saan at kung paano ko sisimulan." Malungkot na sagot ko kay Manang.

Mabilis niya akong nilapitan at hinawakan ang kamay ko.

"Iha, alam mong nandito lang ako lagi sa tabi mo, kahit na anong mangyari hindi kita iiwan sa oras na malaman nila ang katotohanan." mahinang sagot niya.

Iniwan niya akong mag-isa sa loob ng kusina at bumalik lang ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Chase kaya naglakad ako papalabas sa kusina at sinalubong siya.

"Where have you been? I've been calling you but your not answering your phone." nag-aalala kong salubong sa kanya.

"May importante lang akong inasikaso, is the food ready? Come on, I'm hungry." pagyaya niya sa'kin.

Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa natapos na kami. Sabay kaming umakyat sa kwarto at nauna siyang naligo. Matapos niya ay ako naman ang sumunod. Halos isang oras ang ginugol ko sa pag-aayos ng sarili ko at paglabas ko ng kwarto ay nakita kong nakatingin lang sa labas ng bintana si Chase.

Pareho kaming naagaw ng atensyon ng telepono ko. Mabilis akong naglakad papunta sa side table at kinuha ito pero isang hindi pamilyar na numero ang tumatawag.

Incoming Call..
Unknown Number

Mabilis ko itong sinagot at ni-loud speaker.

"Hello? Sino 'to?" nagtataka kong tanong sa kabilang linya pero isang malakas na halakhak muna ang narinig namin ni Chase bago magsalita ang nasa kabilang linya.

{It's so sad that you didn't remember me.} pagsagot ng nasa kabilang linya.

Nangunot ang noo ko dahil sa sagot niya.

"Who are you?"

{Limang taon lang ang lumipas pero nakalimutan mo na agad ako?} Seryosong sagot ng masa kabilang linya.

"Sino ka ba? Anong kailangan mo sa'kin?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.

{Marami akong kailangan sa'yo pero siyempre hindi ko naman minamadaling makuha lahat 'yon.} seryoso pa rin niyang sagot sa'kin.

{Is your husband knows about what happened five years ago?} Pahabol niyang tanong.

Dahil sa sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ko at agad na napatingin kay Chase, nakita kong nakatingin din siya sa'kin habang naka kunot-noo at parang naghihintay ng sasabihin ko.

Mabilis kong pinatay ang tawag at nakita ko na nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Chase.

"What happened five years ago?" Seryoso niyang tanong sa'kin pero agad akong umiwas ng tingin.

Lalabas na sana ako sa kwarto ng bigla niyang hatakin ang kamay ko.

"Just tell me what happened five years ago." seryoso niyang sabi sa'kin.

Mabilis kong hinatak ang mga kamay ko at tumakbo palabas at sumakay sa kotse ko. Naririnig ko pa ang pagtawag nila sa'kin pero hindi ko sila pinansin.

Agad kong kinontak si Abby para makipag kita sa'kin sa isang club malapit sa unit ko. Ilang oras pa ang minaneho ko at nakarating na ako roon. Pagpasok ko ay agad akong naupo sa isang bakanteng upuan malapit sa may entrance para mabilis akong makita ni Abby.

Ilang minuto lang ang hinintay ko at nakita ko na siya agad mabilis niya akong nilapitan.

"Something's happened?" Bungad na tanong niya sa'kin.

"Someone called me and asked me if Chase knows everything about what happened five years ago." maikli kong sagot sa kanya.

"And who is that person?" Nagtataka niyang tanong sa'kin.

"I don't know, I don't have any idea."

"Abigail, I'm scared." natatakot kong sabi sa kanya.  "He's starting to ask some questions about that." dagdag na sabi ko.

"Athena, he's your husband, he will understand everything because he loves you so much. Karapatan niyang malaman ang tungkol sa nangyari sa'yo." malumanay niyang sagot sa'kin.

"But I'm not yet ready to tell him about that." naiiyak kong sagot sa kanya.

"Ready or not, you need to tell him the truth, wag mong hayaan na sa iba niya malaman ang totoo."

"I will tell him as soon as possible."

Inabot na kami ng gabi sa pag-uusap ni Abby. Sabay kaming lumabas sa bar at ako ang naunang umalis dahil may kailangan daw siyang kitain malapit doon.

Habang nagmamaneho ako pauwi ay hindi mawala-wala ang kaba ko hanggang sa makarating ako sa bahay. Pagpasok ko palang ay sumalubong sa'kin ang madilim na sala kaya dumiretso na ako agad sa kwarto. Pagpasok ko roon ay nakita kong mahimbing na ang tulog ni Chase.

Dahan-dahan akong naglakad papasok sa banyo para magpalit ng damit at paglabas ko sa banyo ay dahan-dahan akong naglakad para hindi makagawa ng ingay. Sandali pa akong natigilan ng makita ko ang maamo niyang mukha. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya at bigla nalang akong nabalik sa reyalidad ng makita ko ang cellphone ko na umilaw.

Kinuha ko iyon at mabilis binasa ang text message at halos kumabog ang dibdib ko sa sobrang kabang nararamdaman ko.

From: Unknown Number
Get ready for tomorrow because I have something very special for you. I have a very very big surprise for you.


---

Pledges Of PredilectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon