42

13 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa liwanag na tumama sa mukha. Bumungad sa'kin ang sikat ng araw.

Agad kong kinapa ang kabilang side ng kama at wala na doon si Chase kaya dahan - dahan akong bumangon. Napansin ko na nakasuot na ako ng robe.

Kinuha ko ang cellphone ko at laking gulat ko na ang dami na palang missed calls nila Elisse at Abby kaya agad ko silang tinawagan.

"Sa wakas naman at nakontak kana rin namin, kagabi pa kami tawag ng tawag." bungad na sagot ni Abby.

"Bakit ba kasi hindi ka sumasagot kagabi, pagka text mo kay Elisse tinawagan ka niya ulit pero hindi kana sumasagot."

"Ano kasi ahm... Naka silent yung phone ko." pagdadahilan ko, saglit pang natahimik ang kabilang linya bago ko ulit narinig magsalita si Abby.

"Naka silent?" Nagtataka niyang tanong.

"Bakit pala kayo tumatawag?" Pag iiba ko sa topic.

"Nakuha na ni Elisse yung information na pinapakuha mo. Pumunta ka dito sa Hotel isesend ko sayo yung address."

"Teka, bakit parang ikaw lang ang nandyan, wala ba si Elisse?" Nagtatakang tanong ko.

"Nakipag kita sa parents mo, pero babalik naman yun dito."

"Bakit daw siya nakipag kita? Para saan?" Sunod sunod na pagtatanong ko.

"Aba malay ko, basta ang sabi niya lang niyaya siyang kumain sa labas. Pumunta kana rito hihintayin kita."

Agad niyang binaba ang telepono habang ako ay natutulala sa salamin na nasa harap ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya ng maalala ko ang nangyari kagabi.

"Ano ba 'yang iniisip mo, Athena..." pagkausap ko sa sarili ko.

Bumangon na ako at nagtungo sa cr para mag - ayos. Ilang oras lang ang tinagal ko sa pag - aayos ng sarili ko at lumabas na rin ako ng kwarto.

Habang pababa ako ng hagdan ay hinahanap ko ang car keys ko pero napukaw ang atensyon ko ng bigla akong tawagin ni James.

Nakangiti akong nag tungo sa dining area pero nawala bigla ang mga ngiti ko ng bigla kong makita si Chase na nakaupo sa tabi ni James habang abala naman sa pagkain ang magulang niya at si Chelsea.

"Good morning, Athena!" Magiliw na bati sa'kin ni James.

Isang ngiti lang sinagot ko sa kanya, dahil narinig ni Chase ang pangalan ko ay bigla siyang nag - angat ng tingin kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya.

"Aalis ka na?" Seryoso niyang tanong sa'kin.

"Tinawagan kasi ako ni Abby, pinapunta nila ako ni Elisse sa Hotel kung saan sila naka check in."

"Galing dito si Elisse," maikling sagot ni James.

Agad nangunot ang noo ko nang marinig ko ang sinabi niya.

"Dumaan siya dito pero umalis agad kasama parents mo." Dagdag na ani niya.

"Kasama nga nila si Cheska eh." pagsabat ni Chelsea.

"Si Cheska?" Nagtataka kong tanong.

"Oo, ang sabi kakain daw sila sa labas. Nagtataka nga ako bakit si Cheska ang sinama bakit hindi ikaw." pagsagot ni Chelsea.

"Don't mind them, just eat here first before you go there." Pagsabat ni Chase.

Wala na rin akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya.

Matapos kong kumain ay nagmamadali akong maglakad papunta sa kotse ko pero bigla akong napahinto ng tawagin ako ni Chase.

"Nagmamadali ka ata,"

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now