45

10 0 0
                                    

"Are you okay now?" Pag aalalang tanong ni Abby.

Nandito kami ngayon sa isang room sa hotel kasama si Elisse, Abby, Kuya at ang pamilya ko at sila Chase.

"She's still shaking," nag aalalang sagot ni Elisse.

Nakita kong may kinakausap sila Kuya at Chase habang si Dad ay abala sa telepono. Samantalang ang pamilya ni Chase ay tahimik lang na nakaupo.

"Here, drink this water first," pag abot ng tubig sa'kin ni Chelsea.

Nanginginig pa rin ako hanggang ngayon dahil muling nagbalik sa mga alaala ko ang lahat ng ginawa ni Miguel. Alam kong hindi ito ang una naming pagkikita ulit pero ngayon ako nakaramdam ng ganitong kaba, takot at galit sa kanya pati sa buong pamilya niya.

"Maybe, you should take a rest first. We will wake you up nalang for the dinner." Pagsabat ni Chelsea

Dahan - dahan akong tumayo at sinamahan ako ni Elisse sa loob ng kwarto ng hotel. Inalalayan niya ako pahiga sa kama at kinumutan.

"Take a rest first, don't worry we will handle this." Nakangiting sambit niya

Iniwan niya ako sa loob ng kwarto at hinayaan akong magpahinga. Hindi ko maiwasan ang maluha sa nangyari ngayong gabi dahil bukod sa gumawa ako ng kahihiyan ay nasira ko din ang party nila Chase. Hindi ko alam kung ano pang mukhang ihaharap ko sa kanila.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung sino ang nagpapakalat ng cheating allegations against sa'kin pero nakasisiguro ako na kaya niya ito ginagawa para siraan ako sa lahat ng tao.

Sa sobrang pagod ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

~~~

"Does everything settled now?"

"Yes Sir, we make sure na hindi na po sila makakabalik dito sa hotel."

"Good, make sure na laging updated ang securities sa bawat lugar na pupuntahan ni Athena,"

"Yes Sir, no problem."

Nagising ako sa mga usapan na naririnig ko sa sala, dahan-dahan akong bumangon at lumabas sa sala. Nakita kong nandun pa din sila Kuya habang si Chase ay may kausap na security.

"You're awake already," pagsalubong ni Abby sa'kin

"Come here, take a sit first, nag order palang kami ng dinner." Pagsabat ng daddy ni Chase.

Sinamahan ako ni Abby na maupo sa sofa at nanatiling tahimik lang.

"Are you okay now, iha?" Pagtatanong ng lola ni Chase.

"I'm sorry," yun lamang ang tanging nasagot ko.

Lahat sila ay nagkatinginan dahil sa sinabi ko.

"Sorry for what, iha?" Nagtatakang tanong ng lola ni Chase.

"For what happened earlier, I know this is a celebration for your company's anniversary but its not went well. I'm really sorry for what happened. I didn't know that this day will be happen." Malungkot na sagot ko

"You should! Nakakahiya sa mga bisita ano na lang ang sasabihin nila sa amin? Na pinakasalan ng anak ko ang babaeng katulad mo!?" Pagalit na sagot ng mama ni Chase.

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now