49

7 0 0
                                    

From: Elisse
Enjoy ka dyan sa bahay nang asawa mo. {Wink}

Mukhang napag planuhan ako nitong mga 'to, panigurado inutusan sila ni Chase para iwanan ako sa parking lot para masama niya ako dito sa bahay niya.

Napabuntong hininga nalang ako sa naiisip ko at lumabas sa veranda. Buti nalang mahangin dito para kahit papano nakakapag isip isip ako.

Narinig kong bumukas ang pinto ngunit hindi ako lumingon dahil alam ko naman kung sino ang pumasok. May narinig akong may nilapag sa lamesa sa may veranda kaya napalingon agad ako.

"Manang prepared this for you, you should eat first then we will talk." Bungad ni Chase

Naupo ako at kinain ang mga pagkain na hinanda ni Manang, habang siya ay abala sa laptop niya habang nakaupo sa harapan ko.

Matapos kong kumain ay siya na ang nag baba ng kinainan ko kaya naiwan na naman akong mag isa sa veranda. Nang marinig kong bumukas ang pinto ay sinalubong ko ang pagpasok niya.

"Tungkol saan ang pag uusapan natin?" Bungad na tanong ko sa kanya.

"Since you're not the CEO anymore, maybe we should end this kind of marriage." Pagsagot niya

Napakunot ako ng noo sa sinasabi niyang this kind of marriage, what was that mean?

"This kind of marriage? What do you mean?" Nagtatakang tanong ko

"This kind of contract/ arrange marriage thing." Malumanay niyang sagot

Magsasalita na sana ako ng bigla siyang magsalita ulit.

"Let's make it a real marriage without a contract involved." Dagdag niya

Dahil sa sinabi niya ay napatulala ako, umalis siya sa harapan ko at may kinuha sa drawer. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang maliit na box na kulay red.

"W-what's that?" Halos mautal utal kong tanong

Nagulat ako sa hawak niya pero mas nabigla ako sa sumunod niyang ginawa. Lumuhod siya sa harap ko at binuksan ang hawak niyang box at bumungad sa akin ang isang mamahaling diamond ring.

"Let's make it a real wedding, no contract involved, its just the two of us loving each other." Panimula niya

Nanatili akong nakatulala habang nakatingin sa kanya at sa hindi ko inaasahang pagkakataon narinig ko ang mga salitang matagal kong pinangarap marinig.

"Athena Isabelle, will you marry me?"

Napanganga ako dahil sa sinabi niya, hindi ko alam kung ano dapat ang maging reaction ko pero hindi ki talaga alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko namalayan na tumatango na pala ako.

"Are you saying yes?" Nagtataka niyang tanong

Humugot ako ng malalim na hininga habang nakapikit, pagdilat ko ay napatingin ako agad sa kanya.

"C'mon my knee hurts already." Halos pagmamakaawa niya

"Ask me again," pag iinarte ko

Humugot din siya ng malalim na buntong hininga at nagsalita ulit.

"Athena Isabelle, will you marry me?" Pag ulit niya sa tanong niya

"Yes," maikling sagot ko

Tumayo siya agad at sinuot ang singsing sa daliri ko at bumulong sa'kin.

"This time, I will make this become memorable for you." Mahinang bulong niya sa'kin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now