18

143 27 0
                                    

Maaga akong nagising dahil marami akong trabahong dapat gawin. Nandito ako ngayon sa unit ko at pagbaba ko ay agad kong nakita si Sandra na nagliligpit.

"How did you know that I'm here?" Bungad na tanong ko sa kanya.

"Hindi ko nga alam na nandito ka Ate, pumunta lang ako dito incase na kailangan maglinis at pagpasok ko hindi ako nagkamali sa pagpunta." natatawa niyang sagot sa'kin.

"Nagluto na ako ng almusal, kumain na rin ako. Dun may natira pang ulam kumain ka muna bago ka umalis." dagdag niyang sabi.

Umalis siya sa harap ko para ipagpatuloy ang paglilinis sa unit ko kaya nagpunta na ako sa dining at nakita kong nakahanda na ang breakfast ko pati na rin ang mga gagamitin ko.

Naupo na ako at nagsimulang kumain habang si Sandra ay patuloy pa rin sa pagliligpit sa loob ng unit ko. Natapos akong kumain at hinugasan ko na rin ang kinainan ko para hindi na dagdag sa gawain niya.

Matapos kong ayusin ang kusina ay bumalik na ako sa sala at nakita siyang nakaupo sa sofa at nagpapahinga.

"Sandra," pagpukaw ko sa atensyon niya dahilan para mapatingin siya sa'kin.

Naupo ako sa harap niya at nagsimulang magsalita.

"Ilang araw nalang bago ang kasal ko, naisip ko na pag kinasal ako dun na ako titira sa bahay ng magiging asawa ko. Balak ko sanang ibilin sa'yo 'tong unit ko. Gusto ko sana na habang hindi ako dito titira sa mga susunod na araw gusto kong ikaw muna ang tumira dito." mahabang paliwanag ko.

"Gusto mong dito ako tumira?" Pag-uulit niyang tanong sa'kin.

"Ikaw lang ang tanging tao na sobra kong pinagkaka tiwalaan pagdating sa pag-handle dito sa unit ko kaya mas gusto kong ibigay sa'yo 'to kesa ibenta ko." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Wala namang problema sa'kin yun Ate." nakangiti niyang sagot sa'kin.

Matapos ang usapan namin ay inayos ko na ang sarili ko at nagpunta na ako sa opisina. Pagdating ko roon ay agad bumungad sa'kin si Danica.

"Madam, buti nalang nandito na kayo. Kanina pa po kayo hinihintay ng daddy niyo sa conference room." Bungad na sabi niya habang hingal na hingal akong hinahabol.

"Nandun na ba lahat ng ka-meeting natin?" Pagtatanong ko sa kanya ng makapasok kami sa elevator.

"W-wala pa po Madam, ma-lalate daw po sila." Nakayuko niyang sagot sa'kin.

Hindi ko na siya sinagot at bumuntong hininga na lang ako sa mga sinabi niya. Pagbukas ng elevator ay nauna akong naglakad kaya hinahabol na naman niya ako. Pagdating namin sa tapat ng conference room ay mabilis niyang binuksan ang pinto at bumungad sa'kin ang pamilya ni Chase.

"Akala ko ba nandito sila dad?" Nagtataka kong tanong kay Danica.

"K-kanina po nandito sila eh." Hingal niyang sagot sa'kin habang lumilinga linga.

"May tumawag sa Daddy mo, may kailangan silang puntahan kaya kami lang ang naabutan mo dito." nakangising sabat ni Chase.

"I'm not talking to you." mataray na sagot ko sa kanya.

Nakita kong napatingin siya sa'kin at nagtaas ng kilay pero hindi ko siya pinansin.

Ilang oras pa ang hinintay namin bago magsimula ang meeting. Mabilis din naman itong natapos kaya nauna na akong lumabas.

"Danica, what's my other schedule for today?" Pagtatanong ko kay Danica.

Dali-dali niyang binuklat ang notebook na hawak niya at tinignan ang nakasulat dito.

"Sa ngayon po Madam wala naman po kayong masyadong meeting. Yung meeting po kanina yun na po yung first and last meeting niyo for today." mabilis na sagot niya sa'kin.

"By the way, lahat ba ng papeles na hinihingi ko sa'yo ay nasa lamesa ko na?" Pagtatanong ko muli sa kanya.

"Opo Madam, nasa table niyo na po."

Tumango lang ako sa kanya at pumasok na ako sa opisina ko. Halos kakaupo ko palang ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Chase.

"What are you doing here again? Hindi tambayan ang opisina ko Mr. Dela Vega," mataray kong sabi sa kanya.

"I'm here to talk about something Ms. Ramirez," nakangisi niyang sagot sa'kin habang nakaupo sa katapat na upuan ng mesa ko.

"Talk now, I'm busy." Maikli kong sagot sa kanya.

"Gusto ni Mommy ikaw ang mag design ng rest house namin sa Tagaytay." pagsisimula niya.

"Me? Why me?" Maikli kong tanong sa kanya.

"Because she trusted you a lot. Mula nung makita niya yung sketch mo dito sa opisina mo she wants you to take over our rest house in Tagaytay."

"Marami pa akong trabah-" mabilis naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang sumabat.

"Tinatanggihan mo ba ang Mommy ko?" Nakangisi niyang tanong sa'kin.

"No, not like that. Masyado akong maraming tatapusin na trabaho kaya baka hindi ko matututukan yung project lalo na't sa Tagaytay pa. May project pa kami sa Rizal." pagsagot ko sa kanya.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nilapitan ako at pinaharap ako sa kanya.

Ito na naman siya. Maglalambing na naman siya gaya sa ginawa niya kahapon.

"I can help you by that just please do it for my mom." malumanay niyang sagot sa'kin.

"Nicholas, I'm very busy right now." mahina kong sagot sa kanya.

"Please," paglalambing na pagmamakaawa niya sa'kin.

My god! I can't even imagine na ang isang Nicholas Chase Dela Vega ay ganito. Hindi ko akalaing may ganitong side siya.

"Fine, I will do it." maikli kong sagot sa kanya dahilan para mapangiti siya.

"Thank you," malambing na sagot niya sa'kin.

"As if I have a choice to say no to that face of yours." natatawa kong sagot sa kanya.

"Babalik na ako sa office ko, I will tell to my mom that you agree with it. No backing out." pagsagot niya sa'kin.

Tanging tango nalang ang sinagot ko sa kanya. Lalabas na sana siya sa pinto ng bigla siyang bumalik sa tabi ko.

"Did you forgot something?" Pagtatanong ko sa kanya.

Sa halip na sagutin ako ay lumapit siya sa'kin at binigyan ako ng isang halik sa labi.

"I forgot to give you a goodbye kiss."

---

Pledges Of PredilectionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora