25

127 20 2
                                    

Nang makarating kami sa harap ng kompanya namin ay mabilis akong tumakbo paakyat sa opisina ko. Nang marating ko ang floor ng opisina ko ay agad bumungad sa'kin si Danica.

Patakbo akong nagpunta sa harap ng opisina ko at mabilis niyang binuksan ang pinto. Pagbukas niya sa pinto ay agad bumungad sa'kin ang mga mahahalagang papeles sa sahig habang lukot-lukot na tapos ang lamesa at upuan ay nakatumba sa sahig.

"Who did this?" Bungad na tanong ko sa kanya.

"Madam, walang nakakita sa mga pumasok dito." nakayukong sagot niya sa'kin.

"Anong wala?! Anong silbi ng mga CCTV na nakadikit sa buong kompanya at sa bawat sulok!?" Pagsigaw ko sa kanya.

"Madam, masyadong matalino ang master mind nang gumawa niyan. Lahat ng CCTV cameras ay tinakpan." Nakayukong sagot niya sa'kin.

Sasagutin ko na sana siya ng biglang dumating si Chase.

"What happened here? Who did this?" Sunod-sunod niyang tanong.  "We don't have any idea. All of the CCTV cameras are covered kaya walang nakakita sa mga pumasok dito." pagpapaliwanag ko sa kanya.

Makalipas ang isang oras ay may mga pulis na dumating. Sinubukan nilang kuhanan ng mga finger prints ang mga tela na ginamit pantakip sa mga CCTV camera pero wala silang na-trace dun. Sinubukan din nilang hanapan ang mga nalukot na papel pero wala din silang nahanap.

Tinawagan ko si Abby para ipaayos sa kanila ang opisina ko. Nasa malapit lang naman daw siya kaya mabilis siyang nakarating dito. Nagpadagdag na rin ako ng security lock para sa safety at magpapalagay ako ng dagdag na CCTV cameras sa paligid.

"Sigurado ka bang wala kang idea kung sino ang gumawa nito sa opisina mo?" Pagtatanong ni Abby sa'kin habang nililibot ang paningin niya sa opisina kong sobrang gulo.

"Wala naman kasi akong naka-away kaya wala rin naman akong idea kung sino ang gagawa nang ganitong bagay sa'kin." Mahabang sagot ko sa kanya.

"Hindi kaya siya ang gumawa nito." nagtataka niyang tanong sa sarili niya.    "Sinong siya?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

Dahan-dahan siyang humarap sa'kin at tinignan ako. "That woman," maikli niyang sagot sa'kin. Agad kong nakuha ang idea na sinasabi niya kaya mabilis akong umiling sa kanya.   "Bakit naman siya babalik dito kung alam niyang may posibilidad na ipakulong ko siya."

"Athena, siya lang naman ang nagbubukod tanging may malaking galit sayo." mahinang sagot niya sa'kin.

"That's impossible, Abigail." Maikli kong sagot sa kanya. Hindi na siya nakasagot at binalik na niya ang paglilibot sa opisina ko ng biglang pumasok si Chase.

"Nakausap ko na ang mga pulis, susubukan pa rin daw nilang makahanap ng mga ebidensya para malaman kung sino ang may gawa nito." bungad na sabi niya sa'kin.

"Athena, tatawagan ko lang si Jason, manghihiram lang ako ng mga tao niya na pwedeng tumulong sa pag-aayos dito. Hindi naman masyadong na-damage ang opisina mo kaya within this day matatapos rin agad 'to. Sa ngayon umuwi ka na muna para makapag pahinga kayo, masyadong malayo at matagal ang binyahe niyo. Ako nalang muna ang bahala dito babalitaan nalang kita." mahabang paliwanag ni Abby.

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now