24

131 19 0
                                    

Maaga akong nagising para maghanda ng almusal. Paggising ko ay masarap pa ang tulog ni Chase kaya dahan-dahan akong umalis sa kama at bumaba sa kusina.

Iniwasan kong makagawa ng ingay habang nagluluto para hindi magising si Chase pero habang nagluluto ako ay may bigla nalang yumakap sa likuran ko.

"What are you doing?" Malambing na bulong niya sa tenga ko.

"I'm just cooking some breakfast for us." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Pwede naman tayong kumain sa hotel restaurant, bakit ka pa nagpapagod."

"Hindi naman nakakapagod 'to. Hindi naman ganun kadami ang niluto ko tsaka isa pa mas gusto kitang pagsilbihan." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Let me help y--" mabilis kong pinutol ang sasabihin niya nang magsalita ako ulit.

"Maupo kana lang dun, hintayin mo nalang ako matapos." pagputol ko sa sasabihin niya.

Wala na siyang nagawa at hindi na umangal pa. Umalis siya mula sa pagkakayakap sa'kin at mabilis na naupo sa upuan.

Nang natapos ako sa pagluluto ay agad kong hinanda sa harap niya yun at nagsimula na siyang kumuha ng mga niluto ko. Nakatayo lang ako sa tabi niya at hinihintay ang magiging reaction niya.

Habang kumakain siya ay napansin niyang nakatayo lang ako sa tabi niya kaya napatingin siya sa gawi ko.

"What are you doing there? Hindi ka ba kakain?" Nagtataka niyang tanong.

"I'm just nervous." kinakabahang sagot ko.   "Saan? May nangyari ba?" Nagtatakang tanong niya.

"Masarap ba?" Pag iiba ko ng usapan. Nakita kong natawa pa siya dahil sa biglang pagtatanong ko.

"Of course, masarap naman yung luto mo wag ka mag-alala. Maupo kana at kumain para makapasyal na tayo after." natatawa niyang sagot sa'kin habang umiiling iling.

Naupo na ako sa katapat niyang upuan at nagsimula na rin akong kumain.

Matapos kaming kumain ay ako na ang nagligpit ng pinag-kainan namin.

"Mauuna na akong magbihis sa'yo. I will wait for you outside later." pagpapaalam niya.

Nang maka-akyat siya sa kwarto namin ay agad akong nagligpit. Nang matapos ako sa ginagawa ko ay dali-dali akong pumunta sa kwarto at nakita ko siyang nagpupunas ng basa niyang buhok at nakabihis na rin siya.

Ngayon ay magkasama kaming naglalakad sa dalampasigan habang nakatingin sa palubog na araw. Bigla akong napahinto sa paglalakad at humarap sa dagat at tinitigan ang magandang tanawin na aking nakikita.

"You're enjoying here a lot?" Seryoso niyang tanong habang nakatayo sa gilid ko at nakatingin sa'kin.

"Since I graduated in college, I never experienced this kind of vacation because I had my own priorities back then." mahinang sagot ko habang nakatingin pa rin sa dagat.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya at hinawakan ko ang magkabila niyang kamay.

"Thank you for fulfilling my dream. Thank you kasi dito mo ako dinala, atleast kahit papano may nagawa ako sa bucket list ko at yun yung makapunta dito." dagdag na sagot ko sa kanya habang nakangiti.

"As long as you're happy, I'm willing to do everything for you." malambing niyang sagot.

"How I wish we can extend are staying here." malungkot na sagot ko sa kanya habang binalik ang mga tingin ko sa magandang tanawin.

"You want to extend our staying here?" Pag-ulit niyang tanong.

"But we need to go back to Manila, marami pa akong kailangang tapusin sa opisina tapos kailangan ko agad mapuntahan yung isang site sa Batangas. I need to check the construction there." pagpapaliwanag ko sa kanya. Nakita kong nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Mula sa nakangiti ay napalitan yun ng ngisi kaya agad ko siyang tinanong.

"Bakit ganyan itsura mo? May nasabi ba akong mali?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"No, it's just like hindi ako sanay na marinig sa'yo yung mga bagay na yan. Well, normal naman na sa'yo ang magpunta sa mga sites since Architect ka. Hindi ko lang maiwasan ang hindi ma-amaze. You're such a talented person." seryoso niyang sagot sa'kin.

"Well, it's my job as a CEO and Architect but I'm not doing this for myself. I'm doing this because I want to prove my self to my Dad and make him proud." nakayukong sagot ko sa kanya.

"Make him proud? Why? He didn't appreciate all your efforts?" Seryoso niyang tanong sa'kin.

Sa halip na sagutin ko ang tanong niya ay nag-isip nalang ako ng ibang dahilan para maiba ang usapan.

"Nagugutom na ako, anong oras na rin. Should we eat our dinner na para makabalik tayo ng maaga sa hotel room natin." pag iiba ko sa usapan.

Alam kong napansin niya na sinadya kong ibahin ang topic pero hindi ito ang tamang oras at tamang lugar para pag-usapan yun.

Hindi na siya umangal pa at niyaya niya akong kumain sa restaurant. Pagpasok namin ay pina-upo niya agad ako sa upuan at sinabing siya nalang daw ang kukuha ng pagkain naming dalawa.

Hinintay ko lang siya dito habang tinitignan siya sa pagkuha ng pagkain. Sinubukan kong ilibot ang paningin ko at namamangha ako sa bawat disenyong nakikita ko. Nabalik lang ang atensyon ko ng biglang may naglapag ng plato sa harap ko. Pagtingin ko sa platong nasa harap ko ay punong-puno iyon ng pagkain.

"Balak mo ba akong patayin?" Natatawa kong tanong kay Chase.

"Why?" Nagtataka niyang sagot sa'kin.

"Ang dami naman nito, parang di ko naman ata kayang ubusin lahat 'to eh." natatawa kong sagot sa kanya.

"Tonight is our last day here so we need to enjoy the last moments kaya dapat sulitin mo na rin yan kasi pagbalik natin sa Manila puro trabaho na naman ang gagawin natin." seryoso niyang sagot.

Sa bagay may punto naman ang mga sinabi niya. Hindi na ako umangal pa sa kanya dahil nagsimula na siyang kumain kaya sinimulan ko na rin ang pagkain ko.

Ilang oras pa kaming nanatili sa labas. Kumuha pa kami ng mga magagandang litrato at sinulit ang mga kaunting oras sa pananatili namin dito.

Bukas pa ng gabi ang flight namin pabalik kaya may konting oras pa kami para makapag-enjoy.

Ilang oras pa ang tinagal namin sa paglalakad at naisipan na namin na bumalik sa hotel room namin.

Pagbalik namin ay siya ang unang nagpalit ng damit at nag shower. Matapos siya ay ako ang sumunod. Hindi naman ako gaanong nagtatagal kaya mabilis akong natapos.

Matapos akong magbihis ay agad kong tinulungan si Chase sa pagliligpit ng mga gamit namin.

Napatigil ako sa pag-aayos ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot yun nang makita kong si Danica ang caller.

"Hello, Danica? What's the matter?" Bungad na pagtatanong ko sa kanya.

{Madam, you need to go back here as soon as possible.} kinakabahan niyang sagot sa'kin.

Agad akong nakaramdam ng kaba kaya mabilis kong tinanong sa kanya kung ano ang nangyari.

"What happened?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

{Madam, someone destroyed your office.}

---

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now