48

10 0 0
                                    

"He told you that!?" Rinig kong sigaw ni Abby sa kabilang linya.

"Ang OA naman ng reaction mo." Malumanay na sagot ko

"WTF, Athena??? What do you expect from me? Matuwa? Tumalon sa saya? Maexcite? Nakuha mo pang maging kalmado dyan sa ganyang sitwasyon." Nagpapanic na sagot niya

"May sumunod pa siyang sinabi, hindi ko lang narinig dahil lumabas na ako agad ng kwarto." Malumanay kong sagot sa kanya.

Narinig ko ang pag buntong hininga niya bago siya nagsalita. "Bakit hindi mo pinatapos yung sasabihin niya bago ka umalis? Nakaka overthink tuloy." Panghihinayang na sagot niya.

"Sa sobrang inis ko gusto ko ng makaalis doon agad, kung bakit ba naman kasi dun niya ako hinatid instead na dito sa bahay ko." Naiinis kong sagot

"Sinabi mo ba na dyan ka ihatid?" Nagtatakang tanong niya.

Bigla kong naalala na hindi ko pala nabanggit sa kanya na dito ako ihatid.

"Hindi," pagsagot ko kay Abby

"Lakas din ng tama mo eh, hindi mo naman pala sinabi na dyan ka ihahatid tapos ngayon kumukuda ka na inuwi ka niya sa bahay niya." Natatawang sagot niya

"Magpahinga kana, magpapahinga na rin ako maaga pa ako sa opisina bukas." Pagpapaalam ko

"Okay, take care. Goodnight,"

Pagkababa ko ng tawag ay agad akong nagpalit ng damit at humiga. Hanggang ngayon ay hindi nawawala sa isip ko ang mga sinabi niya kanina.

"End this kind of marriage."  Pag ulit ko sa sinabi ni Chase.

What does that mean?

Hindi ko na inabala ang sarili ko na mag isip ng kung ano ano. Pinikit ko na ang mga mata ko at natulog na ng tuluyan.

~~~~

Nagising ako sa ingay na naririnig ko sa baba kaya agad akong bumangon, hindi pa ako nakakapasok sa cr nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad doon si Abby at Elisse.

"What are you doing here?" Nagtataka kong tanong sa kanila

"Fix yourself, we need to go to the company as soon as possible." Seryosong sagot ni Elisse

"What's happening?" Nagtataka kong tanong

"Just fix yourself and I will be explaining to you later." Walang emosyong sagot ni Elisse.

Napatingin naman ako kay Abby at tinanguan niya lang ako. Sinunod ko nalang ang sinabi ni Elisse at inayos ko na ang sarili ko.

Matapos kong ayusan ang sarili ko ay lumabas na ako at nakita kong wala na sila Abby sa kwarto ko. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at ang gamit ko at tuluyang bumaba. Hindi pa man ako nakakababa pero naririnig ko na ang mga boses nila na para bang nag aaway.

"Anong gagawin natin ngayon?" Rinig kong tanong ni Elisse

"Hindi ko din alam pero kailangan na natin pumunta dun kasama si Athena kung hindi mahuhuli tayo sa lahat." Rinig kong sagot ni Abby.

"Tawagin mo na siya," rinig kong sagot ni Elisse

Nang marinig ko yun ay agad akong bumaba, nasalubong ko pa si Elisse na paakyat sa kwarto ko. Nakita niyang hawak ko ang susi ng kotse ko kaya inagaw niya yun sa'kin at hinatak ako pababa.

"Teka lang, hindi pa ako kumakain ng breakfast." Pagpigil ko kay Abby

"Sa nangyayari ngayon, hindi mo magugustuhan kumain ng kahit na ano." Pagsabat ni Elisse

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now