29

108 9 0
                                    

"Good morning Wifey! It's time for you to wake up!"

Tanging halinghing niya lang narinig ko kaya naupo ako sa tabi niya at hinaplos ang mukha niya.

"Hey, you need to get up. It's 8:00 AM in the morning, you will be late on your meeting today." malumanay na pag gising ko sa kanya.

Nakita kong dahan-dahan niyang minulat ang mga mata at binigyan ako ng isang magandang ngiti.

"Good morning," malambing na sagot niya sa'kin.

"You need to get up, breakfast is ready, Manang cooked it for you." malumanay kong sagot sa kanya.

Tanging tango lang ang sagot niya sa'kin at bumangon na siya at dumiretso sa banyo. Habang naliligo siya ay niligpit ko na ang kama at binalik yun sa dating ayos habang ang mga gamit niya ay nilagay ko na sa bag niya habang ang mga importanteng papeles na kailangan niya ay nilagay ko sa book shelves niya.

Nang makalabas siya ay nakita kong nakabihis na siya kaya mabilis siyang naupo sa vanity table niya para mag make-up. Nakatayo lang ako sa likod niya habang may tinitignan sa phone ko ng bigla siyang magsalita.

"Wala kang work today?" Pagtatakang tanong niya.

"Wala, nag day off muna ako since may kailangan ipa-adjust sa opisina ko kaya hindi muna ako pumasok ngayon." Pagsagot ko sa kanya, nakita kong nagkibit-balikat lang siya at pinag patuloy niya na ang paglalagay ng lipstick sa labi niya.

Nandito kami ngayon sa dine-in area at sabay kumakain. Abala ako sa pagkain ko habang siya ay abala sa telepono.

"Ano ba 'yang ginagawa mo? Hindi mo na nagagalaw yung pagkain mo." nagtataka kong tanong sa kanya.

"Danica texted me, na-move daw yung meeting sa isang business partner kasi nasa business trip pa daw hindi daw sila naka-abot sa flight pabalik dito." malumanay niyang sagot sa'kin at bumalik sa pagkain.

"Since wala naman akong gagawin ngayong araw, I can be your personal body guard." pagsabi ko kaya agad siyang napatigil sa pagsubo at napatingin sa'kin.

"Seryoso ka ba diyan? Nahihibang ka na ba?" Nagtataka niyang tanong habang ang mga kamay niya ay nasa noo ko.

"Hindi ka naman nilalagnat, anong himala ba ang mer-" bigla siyang napatigil sa sasabihin niya ng bigla kong hawakan ang kamay niya.

"I just want to be with you today,masama ba yun?" Nakangisi kong tanong sa kanya.

Nakangisi kong tanong sa kanya. Nakita kong umirap lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Matapos kaming kumain ay nagpunta na kami sa kotse at hinatid ko siya sa kompanya. Pagdating doon ay inalalayan ko siyang bumaba, maglalakad na sana kami papasok sa loob ng bigla siyang huminto sa paglalakad at tumingin sa'kin.

"What?" Nagtataka kong tanong.

"Diba sabi mo personal body guard kita? Oh, ayan bitbitin mo yung bag ko. Let's go." mataray niyang sabi habang pabatong inabot sa'kin ang bag niya.

So this is what she wants.

Pagdating namin sa tapat ng opisina niya ay wala pa masyadong tao at ang secretary niya lang ang nandun sa table. Napatayo naman siya ng makita niya kami.

"Good morning po Madam and Sir Chase." nakangiting bati niya sa'min.

Hindi siya pinansin ni Athena at luminga-linga siya sa paligid na para bang may hinahanap.

Pledges Of PredilectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon