33

104 5 0
                                    

Nagising ako sa isang kulay putting silid. Agad na bumungad sa'kin si Elisse at si Chelsea.

"Ayos ka na ba? Kamusta ang pakiramdam mo?" Sabay na pagtatanong nila sa'kin.

nakita kong nakasandal si Chase sa pader habang nakatingin sa ibang parte ng kwarto habang ang Mommy at Daddy niya ay parang nagtatalo.

Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili ko.

"Teka, ayos ka na ba? Magpahinga ka pa konti." pagpigil sa'kin ni Chelsea. Magsasalita na sana ako ng biglang magsalita si Elisse.

"Okay na siya, sa bahay na siya magpapahinga. Pasensya na sa abala." pagsagot ni Elisse.

Mabilis niya akong inalalayan pababa hanggang sa makalabas kami ng bahay. Dahan-dahan niya akong pinasakay sa passenger seat. Nang makasakay siya sa kotse ay agad niya akong tinanong.

"Kamusta ang pakiramdam mo? Gusto mo ba dumaan tayo sa Doctor?" Nag-aalalang tanong niya.

"Hindi na, pagod lang siguro 'to." pagtanggi ko.

Hindi na siya umangal pa at nagmaneho na rin siya pauwi.

Ilang linggo ang lumipas matapos ang nangyari sa bahay ni Chase, heto ako ngayon sa loob ng opisina ko at pinag papatuloy ang tambak na trabaho.

Abala ako sa pag pipirma ng mga papeles ng biglang bumukas ang pinto at isang malakas na boses ang sumalubong sa'kin.

"Seriously? After being broken for almost a week, now you're here and working endlessly."

Napa-iling nalang ako sa pagrereklamo ni Elisse at pinag patuloy ko ang ginagawa ko pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagsasalita. "Can you please shut up your mouth." Pagpigil ko kay Elisse.

"I can't believe to this goddamn woman." rinig kong bulong niya.

"Hindi naman ako pwedeng magkulong buong taon sa kwarto ko." maikli kong sagot sa kanya.

"Hindi mo manlang ipapaliwanag kay Chase yung picture?" Hindi makapaniwala niyang tanong sa'kin.

"You think he will listen to my explanations? Ayaw nga akong makita diba." mahinang sagot ko sa kanya.

"This is unbelievable. Sino ba kasi ang naglabas ng picture na yun." pabulong na sagot niya.

Tahimik lang akong nagtatrabaho ng biglang may kumatok sa pinto ng opisina ko.

"Madam, nasa conference room na po yung mga ka-meeting niyo. They are waiting for you there."

"Okay, I'll be there in 5 mins."

Tumango lang siya sa'kin at sinara ulit ang pinto. Mabilis kong inayos ang sarili ko at niligpit ang mga gamit ko sa table at naglakad na palabas. Sabay kaming pumasok ni Elisse sa conference room at agad kong nakita sila Chase pero hindi niya ako pinapansin.

Tahimik na nagsimula ang meeting at seryosong nakikinig ang lahat. Natapos ang meeting ng maayos at tatayo na sana kami ng biglang pumasok si Danica.

"Madam, may naghahanap po sa inyo."

Salubong ang kilay ko habang tinitignan ko siya. "Sino?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"New business partner niyo daw po." nakayukong sagot niya.

Pledges Of PredilectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon