44

8 0 0
                                    

Abala ako sa mga paperworks na ginagawa ko ng biglang napukaw ang atensyon ko sa kumatok. Bigla itong bumukas at pumasok doon si Chelsea.

"Chelsea, napadaan ka?" Nagtataka kong tanong

"Nag meet up kasi kami ng friend ko malapit dito kaya naisip ko na dumaan, ito nga pala may pastries akong dala for you," tugon niya sabay abot sa akin ng isang paper bag.

"Naku, nag abala ka pa pero salamat. I love pastries." Nakangiting sagot ko

"Siya nga pala nabanggit sa akin ni Chase na meron kang friend na may alam ng hotel venue na pwedeng gawing venue for the company's party?"

"Ahm yes but she told me na hindi daw natuloy yung meeting niya with your Mom and Chase."

"May kakilala din kasi si Mama kaya yun muna yung inuna nilang kitain pero I don't think okay sa kanila yung venue na suggestions nung kilala niya. Kilala mo naman si Mama, gusto niya maraming choices." Natatawang sagot niya

"No worries, I can call her again para makapag set ulit ng meeting sa inyo." Nakangiting sagot ko

"Really? Oh thanks! Atleast kahit papano baka maka discount pa," natatawang sagot niya.

"Sige, I have to go na, ingat ka sa pag uwi and don't overwork yourself." Pagpapaalam niya

"Thank you for this pastries, take care!" Nakangiting sagot ko.

Paglabas niya ng opisina ko ay pinagpatuloy ko na ang trabaho ko. Sa sobrang pagka busy ay hindi ko na namalayan ang oras at napansin kong gabi na pala.

Tinigil ko ang ginagawa ko at kinuha ang phone ko para tawagan si Kristine.

Sandali pa itong nagring at sinagot niya rin ito.

{Athena, napatawag ka?} Bungad niya sa kabilang linya.

"Are you busy tomorrow?"

{Hindi naman, bakit?}

"Let's meet tomorrow about the hotel venue,"

{Sure, text me the address of our meeting place. Sasabihan ko na rin yung sister ko and husband niya para if ever mapuntahan natin yung venue if okay.}

"Thank you, Kristine." Nakangiting sagot ko

{No worries, see you!}

"See you!"

Pagkababa ko ng telepono ay inayos ko na ang gamit ko at lumabas ng opisina ko. Nakita ko na unti - unti ng nauubos ang mga tao kaya dumiretso ako sa parking lot.

Pagdating ko sa bahay ay agad bumungad sa'kin ang Mommy ni Chase.

"You're late" maikling salubong niya sa'kin.

Akmang bebeso ako sa kanya pero bigla niya akong iniwasan.  "Marami lang pong tinapos na paper works sa opisina,"

Nagkibit balikat lang siya at naupo sa sofa, aakyat na sana ako sa kwarto ng biglang lumabas si Chase sa dining area.

"You're here, have you eaten already?"

"Hindi pa, magpapalit lang ako ng damit." Maikling sagot ko.

Matapos akong magpalit ng pantulog ay bumaba ako at nag punta sa dining area at naabutan ko silang kumakain.

Tahimik akong naupo sa tabi ni Chase at tahimik na kumain. Sobrang tahimik sa dining area kaya agad akong nagsalita.

"Siya nga pala, dumaan si Chelsea kanina sa office ko. Ang sabi niya naghahanap pa kayo ng venue, nakausap ko na yung friend ko, available ba kayo for tomorrow? Nag set kasi ako ng meeting sa kanya bukas ng umaga day off ko kasi." Pagpapaliwanag ko

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now