10th Haunted

35.7K 1.1K 274
                                    

Haunted

Drunk

"What happened to Nana?" tanong ko kay Chey nang mawindang sa videos na kumakalat sa social media.

She's viral! I know Aries Sebastian because some of my friends knows him. Sikat siya. He's a soloist and a composer.

Tulala si Chey, hindi halos makausap nang matino. She looked so bothered.

Those videos were taken down after an hour ngunit kumalat pa rin. The original video was uploaded by a fan of Aries. Ang daming galit kay Nana na fans niya at tinatawag ito nang kung ano ano.

"Hindi ko nga alam..." si Chey na lito sa nangyari.

Sumulyap ako kay Naia. Nakahalukipkip siya ngunit seryosong seryoso. Umiling siya sa akin, tila ba pinaparating na hindi rin buo ang alam niya.

Tumayo ako sa kinauupuan at sumilip sa ibaba kung saan nag-uusap sina Mommy kasama sila Tita Cheyenne. They're all worried for Nana.

"Mukhang nagbabalak si Abbegail na dalhin si Nana sa Canada at doon nalang muna ito," I heard Tita Cheyenne said.

My eyes widened. She's... leaving?! Bakit siya ang kailangang mag-adjust eh siya naman ang biktima?

My shoulder loosened. Dismayadong dismayado ako. Tiningnan ko sa twitter at trending si Aries. Some fans are showing sympathy for the idol but neither for Nana.

Why are they putting the blame on the woman everytime there's a scandal? Why not blame it on Aries? Bakit hindi siya ang inaatake nila?

I srolled down some tweets at talagang kumulo ang dugo ko sa mga nabasa lalo na sa isang fan account ni Aries dahil sa pangalan nitong AriesBaby. I read what she tweeted.

Yuck! Ang desperada ni girl. Fan na fan kaya hindi pinalampas ang opportunity.

Nagtagis ang aking bagang habang nagtitipa ng reply sa kanya. This girl!

Ako:

Oh please! If you were on her position you'd probably do the worst! Look at your username! Halatang ikaw ang mas uhaw sa atensyon ni Aries! And don't fucking call her desperate because you know nothing!

At may mga iilan pang tweets na talagang sinagot ko.

Ako:

Purket nagrelease ng statement si Aries babaliwalain niyo na ang side ng babae! She's a victim! Nakakadiri kayo! Mga uhaw sa lalake! You are willing to ruin the girl's life just to favor him just because he's a man!

Ako:

I've known Nana for years! She's not a bitch you freak! Stop calling her names! You're the one who's being a bitch here! Tingnan mo 'yang username mong KissMeAries! Uhaw masyado, girl? Kiss my ass!

I reported some of the tweets. May mga nagrereply sa comment ko at inaaway ako. Ganado akong nakipag-away doon ng ilang oras at talagang hindi ako nagpaawat.

Pumasok lamang si Nana para mag-exam. Lagi kong binabalak na lapitan ito ngunit masyadong mailap na sinusundo agad ng kanyang mga pinsan.

I know she's not okay. Everyone's blaming her. That it was her fault because she purposely put herself on that situation without thinking. Mga baliw ba sila? Instead of showing sympathy, instead of siding the victim, they're blaming her!

Hindi lamang iyon ang gumulat sa akin dahil pati pala sila South at North, lumipat na ng school. Why?

"Girls," si Mommy sa sumunod na mga araw. "Baka gusto niyong puntahan si Nana bago umalis."

H A U N T E D (NGS #11)Where stories live. Discover now