4th Haunted

38K 1.1K 519
                                    

Haunted

Distracted

I sipped on my coffee slowly. Nakahalukipkip pa rin si Dreyden, mukhang may ikinakagalit dahil masyadong seryoso.

He's indeed mysterious. Mahirap siyang basahin na lalake. O siguro dahil sa tunog ng pananalita niya, halatang malaki ang agwat ng edad namin.

He's probably eighteen? Nineteen? Twenty? Ang tanda niya naman!

"Ugh. Evan is such an asshole! A fucking playboy!" daldal ko pagkatapos ilapag ang tasa.

"He's just seventeen," ani Dreyden na kinuha ang kutsarita at ginalaw ang sariling kape.

"So what if he's seventeen? Purket bata understandable na kaya playboy?!"

"Hindi bagay sa'yo ang mga kaedaran mo o malapit ang edad sa'yo. Halatang mauuto mo lang sila," ani Dreyden at dinampot ang tasa niya para sumimsim.

"Kaya sino ang bagay sa'kin?"

Nagkibit siya at muling binigyan ng pansin ang kape.

"Ano ba kasing naririnig mo? May kumakalat din bang balita tungkol sa'kin? I think it's fake news. Hindi ako nang-uuto ng lalake."

He sipped on his coffee and eyed me seriously. Inilapag niya iyon at binasa ang pang-ibabang labi.

"I've seen it in my eyes you silly kid. Madalas ka sa gym. Kung hindi swimmer, basketball player."

Nalaglag ang aking panga. I'm offended.

"Kulang ah! Meron din akong crush na tennis player!"

"See? You're a playgirl." Sabay haplos sa kanyang buhok at humilig sa lamesa.

"Bakit ikaw, hindi ka ba mahilig sa babae?" I asked carefully.

He looked at me and slowly shook his head. Kumurap ako at napangiti.

"Good! I hate playboys. Nakaka turn off sila. Look at Evan! That motherfucker is a playboy!" I rolled my eyes dramatically.

"Ayoko rin sa mga badboy. Masama ang ugali nila," I added.

Hindi siya nagsasalita ngunit parang nakikinig naman kaya nagpatuloy ako.

"You don't looked like a badboy. Parang ano ka lang... snob na mysterious. At hindi ka pa mahilig sa babae. Alam mo ba nakaka turn-on 'yang ganyang boys! Ganyan halos ang mga crush ko."

Tamad siyang tumingin ulit sa labas lalo na't transparent lamang ang wall at makikita mo ang kalaliman ng gabi sa kabila ng buhay na buhay na paligid dahil sa mga liwanag sa ibang establisyemento.

"Nakakakulo talaga ng dugo si Evan! I wanna teach him a lesson. I swear to God magsisisi siya! Fucking playboy!" irita kong kinuha ang aking phone at binuksan ang camera.

Tumapat iyon sa coffee at nakuha ng kaonti ang wallet ni Dreyden. I looked at him. Nakahilig siya sa kanyang palad at ang isang kamay ay namamahinga sa lamesa. Inabot ko iyon at hinila ng kaonti para masali sa camera.

Dreyden looked at me, half annoyed. Hindi ko na pinansin ang pagsusungit niya at pinindot ang click.

I smiled confidently. Nakita ang maugat niyang kamay sa table! Obviously it wasn't Evan. Iisipin niya talagang hindi naman siya ang kasama ko ngayong gabi! Hah.

I put it on my story. May kasama iyong text na 'snob' para mas lalong maisip ni Evan na hindi siya iyon! Bakit snob ba siya? Hindi ah!

"Look... we're like dating. Everyone's speculating I have a boyfriend," natatawa kong ipinakita sa kanya ang story.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon