Wattpad Original
There are 12 more free parts

3rd Haunted

68.4K 1.9K 841
                                        


Haunted

Fault

The preparation for my party has started earlier than usual. I am planning to invite Evan so I can introduce him to my parents.

"Seventeen," ani Evan habang nasa mall kami at bumibili ng maisusuot ko sa party.

Isang taon lamang ang pagitan naming dalawa. He's a Grade 12 student at kilalang-kilala bilang athlete.

"Bakit? Masyado pang bata?" tanong ko habang namimili ng dress.

"Your body looked mature for your age," si Evan na nakasunod at kuryosong tinitingnan ang mga hinahawakan ko.

I'm tall. I'm five feet six. Mas matangkad kina Naia at Chey. Mas maputi nga lang si Chey sa aming tatlo.

Bumaling ako sa nakasunod na saleslady at may itinurong napiling dress. Evan wrapped his arm around me.

"Where do you want to eat after this?" he asked softly.

"China Blue?"

Evan nodded and crouched for a swift kiss. I licked my lower lip and looked at the saleslady. Inalis ni Evan ang nakapulupot niyang kamay at nagtungo sa counter habang kumukuha na ng card sa pitaka.

Bumili rin ako ng heels nang may madaanan kami. Ako na sana ang magbabayad ngunit nagdeklara si Evan na card ang kanyang gamitin kaya hinayaan ko na lang.

Kumain din naman kami pagkatapos. Evan's busy munching on his food while I'm taking pictures to post on my Instagram.

"Eat, Cassandra," aniya nang makitang abala pa rin ako.

Itinapat ko sa kanya ang camera. He smiled. Isang click lang sa camera ay guwapo agad ang kinalabasan. I smirked and put some text like 'hi love' on his photo to post it on my story.

"You should dress as Hercules on my birthday," sabi ko habang kumakain na kami at topic ang papalapit kong birthday.

"Hmm . . . so you're Megara?"

Tumango ako at ngumiti. "Yes."

Doon umikot ang aming topic hanggang hinatid niya ako pauwi. Pinatuloy ko siya sa bahay. Tanging kasambahay ang naroon lalo na't mamayang gabi pa uuwi ang aking parents.

"Pakihatid lang ang meryenda sa kuwarto, Manang," sabi ko habang hawak-hawak ang kamay ni Evan at umaakyat kami sa hagdan.

Pinihit ko ang pinto at kakapasok pa lang ay inatake agad ni Evan ng sunod-sunod na halik ang aking labi.

Natatawa ko iyong tinugunan at pinulupot ang aking kamay sa kanyang batok. Nakayuko siya, ang magkabilang kamay ay nakahawak sa aking hita na agaran niyang inangat.

Bumagsak siya paupo sa aking kama. I angled my head so I could kiss him deeply.

"Be my girlfriend, Cassandra . . ." he whispered breathily.

I stopped. Nang mapansing hindi na ako humalik pabalik ay bumaba ang kanyang halik sa aking panga. Pumikit ako at tumingala nang kaunti para bigyan siya ng access sa aking leeg.

"Court me first," I said.

"That's what I'm doing, silly girl . . ." And he sucked my neck.

Kung hindi lamang kumatok si Manang para maghatid ng meryenda ay hindi mapuputol ang halikan namin. Nasa kama ang tray habang nakahiga si Evan, topless at niyayakap ang aking teddy bear. Kakatapos ko lang maligo nang madatnan ko siya sa ganoong ayos.

Tumingin siya sa akin. Dumeretso ako sa gilid ng kama at inabot ang lotion. Hinila ni Evan ang aking baywang kaya tumili ako.

"No! Mamaya na!" kinurot ko ang kanyang braso.

H A U N T E D (NGS #11)Where stories live. Discover now