32nd Haunted

31.9K 1.1K 265
                                    

Haunted

Trigger Warning: Violence

Hold

I watched them silently while eating. Nahuli pa ng isa sa kanila ang paninitig ko lalo na't tinitingnan ko kung may madadaanan ba agad kung sakaling doon ako nagpasyang tumakbo.

"Magtino ka, miss. Isang maling kilos mo..." sabay hawi ng lalakeng may malaking tiyan ang dulo ng kanyang tshirt hanggang sumilip ang nakasiksik na baril sa gilid.

I gulped. It wasn't my first time seeing guns since my bodyguards got those weapons too. Ngunit ito ang unang beses na ginamit iyon hindi bilang pamprotekta sa akin kundi bilang panakot.

I ate the food they offered silently. Wala rin akong reklamo kahit ang baho talaga ng paligid. Nasa labas silang tatlo at nag-uusap. Palingon lingon ang isa sa akin at nakikita ko kung gaano ka lagkit ang kanyang tingin. I rolled my eyes and chewed my food annoyingly.

Muli kong iginala ang tingin nang muling malihis ang atensyon nila sa pinag-uusapan. Maraming pwedeng daanan kung tatakas man. But the place outside is so open and I think it's too obvious for me to sneak out. O baka dahil masyado ring maliwanag lalo na't hindi pa kumakagat ang dilim.

Pinuntahan ako ng isang lalake pagkatapos kong kumain. He looked at me maliciously. Kita ko ang tumakas na ngisi sa kanyang labi nang sulyapan niya ang aking dibdib.

Yumuko ako at napagtantong nakasleeveless dress pa rin ako, katulad ng aking suot kagabi. It's an olive green satin dress and it revealed not just my colarbone but also the valley of my cleavage.

"Half ka 'no?" he asked while getting my plate and utensils.

Palihim kong isiniksik sa gilid ang tinidor habang nawiwili siyang tumingin sa akin at pagmasdan ang aking dibdib. He didn't even notice that he only got the spoon I used.

"American," tipid kong sagot para lang hindi malihis ang kanyang paninitig.

"Oh! Kaya pala mukha kang Amerikana! Maganda ang lahi natin kung sakali! Baka kung ikaw ang asawa ko... aaraw-arawin kita," at mas lumawak ang kanyang ngisi habang bumababa na naman ang tingin sa aking dibdib.

I was torn. Torn between stabbing him using the fork I hid, or just let it pass. Ngunit alam kong ang magandang ideya ay ang huli. Kailangan kong tiisin ang pambabastos kung gusto kong makaalis nang buhay rito.

"Arturo! Talian mo na 'yan ulit! Pupunta raw si boss mayamaya!" sigaw ng lalakeng nasa labas at naninigarilyo.

Isinara ko ang aking mga hita kung saan ko inipit ang at isiniksik ang tinidor. Hindi ko alam kung may tulong ba iyon ngunit kailangan kong may magamit bilang depensa.

Hindi na nila tinakpan pa ang aking mga mata kaya nakikita ko ang bawat kilos nila. Ang bawat ngisi ng makahulugan at bawat lagkit ng paninitig sa akin.

"Alas sais na. Anong oras daw ba dadating si boss?" tanong ng isa sa kanila.

The place is starting to dark. Iyon din ang hudyat para sa akin na simulan ang plano. Mas nanaig sa akin ang tapang kaysa ang takot lalo na't pansin kong hindi nila ako kayang saktan, na mahalaga ako at hindi nila pwedeng gasgasan.

"I need to use the comfort room," reklamo ko na ikinalingon nilang tatlo.

Hindi pa ganoon ka dilim para hindi ko sila maaninag sa labas. Ngunit kung babagalan ko, sa tumatakbong oras, baka dumating na ang hinihintay nila at mas lalo lamang akong mapahamak.

"Walang cr dito! Tiisin mo 'yan!" sigaw ng lalake sabay hithit ng kanyang sigarilyo.

"Kailangan kong umihi! At masakit ang tiyan ko! I need it or else magkakasakit ako!"

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon