45th Haunted

54.5K 1.8K 784
                                    

Haunted

Marry

Hindi na maalis si Roche sa isip ko kahit sa aking trip. I can't believe he really bought a yacht for me! Ipinangalan pa agad sa akin!

Bakit nga ba hindi ko naisip na totohanin niya ang mga pinagsasabi niya ngayong may kakahayan siyang bilhin lahat ang naisin niya?

Kahit noong nasa warehouse pa lamang, nahahanapan niya nga ng solusyon ang luho ko, ngayon pa kaya na isa siya sa pinaka kinikilalang car designer sa iba't ibang bansa?

"Buti hindi sumama si Engineer..." rinig ko ang usapan nila habang nasa labas ng bintana ang aking tingin.

"Kasama ang babae niya kasi—"

"Ssh, Lia," iritang sitsit ng aking manager kaya natigil ang bulungan.

Mas gusto ko pa atang may pinagdududahan sila nang matigil tigil ang kakaasar nila sa akin kay Roche. Bukod sa nakumpirma ko naman na... kapatid niya iyon... panatag naman ako.

"Grabe. Trending pa rin si Miss Cassey hanggang ngayon sa twitter," si Lia na lumakas na ang tinig.

Pinagpasa-pasahan nila ang cellphone ni Lia para tingnan ang screen.

"May kumalat kasi na pictures ni Engineer doon sa building ng condo unit ni Miss Cassey. May mga nagkumpirma na buhaghag daw ang buhok, may marka pa ng kuko ng babae sa dibdib, at nakita rin si Miss Cassey na may dalang bulaklak habang magkasama ang dalawa."

"Pero may mga nagsasabi naman na hindi si Engineer ang tinutukoy ni Cassey sa story niya sa instagram dahil si Naia daw madalas ang tinutukoy ni Cassey sa mga bulaklak. Hinihintay lang ng fans na si Naia mismo ang magsalita kaso malabo. Tahimik pa sa tahimik ang social media no'n..." si Lara.

"Kahit ano-anong theories nalang 'yang ginagawa nila at binibigyan ng kahulugan! Ito talagang mga fans," iling ng aking Manager.

"Itanggi mo nalang lahat, Ate Jaia..."

"Ayaw ni Madam na magrelease ako ng statement. Gusto niyang manatiling walang ideya ang fans sa love life ni Cassey."

"Baka naman si Engineer ang tinutukoy ni Madam na fans..." tawa ni Lia na agarang naputol ang galak sa tinig, marahil ay nasaway ulit ng aking Manager.

Hindi ko na kaya pang ipagkasya sa aking utak ang pinag-uusapan nila lalo na't umiikot na ang aking isip sa Burberry.

Dumeritso na kami sa hotel accomodation ng Burberry para sa akin. May bumungad agad na gift na una kong binuksan habang nakikiusyoso ang aking team, si Pauline at Manager na abala pang ipasok ang mga bagahe.

"Woah... ang ganda ng heel!" si Lara nang makita ang binuksan kong gift.

Kinuha ko ang nakatuping letter at nangingiti iyong binuksan.

"Welcome to London, Cassandra! You are personally invited by Burberry to participate in this week's fashion show by joining the models on the runway—Wait... Oh my gosh!" tumili ako at ginawang pamaypay ang letter.

Kumunot ang noo ng Manager at natigil sa ginagawa, si Lara at Lia na nanlalaki ang mga mata, at si Pauline na kuryoso pa ang tingin habang hinihila ang aking bagahe sa sala.

"Oh my gosh! Wait!" halos pakalmahin ko ang sarili at muling binasa ang letter. "It literally says on the runway! On the runway!"

Ang tili ko ay sinundan ng tili ni Lara at Lia. Nagtatalon na ang dalawa habang nalaglag ang panga ng Manager, si Pauline ay natulala.

"Congrats, Miss Cassey!"

Halos maiyak ako sa tuwa habang niyayakap nila. Tumawa ang aking Manager at nakisali sa kaguluhan. Hinila ko pa si Pauline at niyakap habang tumatawa.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon