9th Haunted

31.8K 1K 769
                                    

Haunted

Regret

Nakakadalawa na. Parang utang na nadadagdag sa kanyang listahan kung makahabilin sa akin na dapat ko iyong bayaran.

"I'll pay," hamon ko sa matapang na tinig.

He scoffed again. Kita kong muli ang paghalik ng nakakalokong ngisi sa kanyang labi.

"Anong gusto mo? Ipagkalat ko na mabait ka? Sure! That's easy! Ano pa. Name it," mayabang kong dagdag.

Nailing siya at parang hindi kumbinsido sa aking pinagsasabi. He doesn't trust me?

Naglakad ako patungo sa kanya. I saw how his eyes drifted to me slowly. Ang planong paghithit sa sigarilyo ay nabitin pa sa pagitan ng kanyang labi.

Noong napagtanto niyang lumalapit akong lalo ay pinatay niya ang sindi nito sa pamamagitan ng pagdiin sa kanyang kotse saka niya pinitik sa kung saan.

I took my phone out. Kita ko kung paano niya tiningnan nang maigi ang aking ginagawa.

"Here. Give me your number," sabi ko nang ilahad iyon sa kanya.

His eyes slowly drifted to my phone. Nagtagal ang paninitig niya roon at parang nagdadalawang isip pa.

"You're just drunk," he said and looked at me intently.

"I'm not drunk! Nakakatayo pa nga ako oh!"

He scoffed again.

"Hindi ka nga lasing noong mga panahong 'yon sinadya mo nang kalimutan. Ano pa kaya ngayong lasing ka?"

I rolled my eyes and pulled his left hand impatiently. Inilagay ko sa kanyang palad ang aking phone.

"Type your number!" giit ko.

He nibbled his lowerlip. Ilang sigundo pa iyong tinitigan hanggang kusang gumalaw ang isa niyang kamay. Humalukipkip ako at ngumiti.

"I'll text you and we'll talk about my utang. Baka hindi ka magrereply ha! Snob ka pa naman!" turo ko sa kanyang mukha.

Umahon saglit ang kanyang tingin sa iritadong paraan ngunit ibinalik din agad sa aking cellphone habang tinitipa niya ang kanyang number.

I saw how he check it carefully using his eyes after typing his number. Inilahad niya iyon sa akin.

"When are you planning to text me?" angat ng kanyang kilay.

Ibinalik ko iyon sa loob ng aking bag.

"Tomorrow," sabi ko.

"Tomorrow? What time?"

"Uh... around five? Coz I'm busy? Nagsisimba kami tuwing Sunday. And tomorrow is Sunday," I explained.

"Busy huh..." parang hindi na naman siya kumbinsido.

I saw our familiar car. Mukhang dumating na ang aking sundo. Dahan dahan iyong bumagal at bumusina. I looked at him again. The earring on his left ear sparkled because of the light. Noong lumingon siya sa akin, nakita ko agad ang kulay ng kanyang mga mata.

A hazel eyed badboy huh. Cool!

"Bye!" I playfully waved my hand and smiled at him.

Humalukipkip siya sa kinauupuan, mariin ang paninitig at seryoso lamang akong tiningnan.

Pumasok ako sa kotse at kinapa agad ang kumirot kong ulo. I'm so sleepy!

Hindi ko na alam kung paano ko nakayanan kinabukasan ang mahiga pa sa aking kuwarto lalo na't pagkagising ko, naroon na ako sa aking kama.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon