27th Haunted

41.6K 1.3K 332
                                    

Haunted

Warning: SPG
——————
Status

Impake agad ang aking ginawa pag-uwi. Kaonting gamit lang naman ang gusto kong dalhin na kasya lang lahat sa aking backpack.

Ako:

See you! :*

Iyon ang tinipa ko kina Hailey saka rin ako nagtipa ng mensahe para kay Roche.

Ako:

Thank you so much!

Ilang sigundo lang ay nagreply ito.

Dreyden:

You're welcome. Have fun.

Gosh! Hindi na ata nabura ang ngiti ko hanggang sa airport. Fifty thousand! Iyon ang pocket money na pinadala ni Roche sa akin!

I was so hype when I started thinking about him during our moments in the Warehouse.

But... wait. A realization hit me when I remembered his last client. He sold the car for this reason?! Iyon ba?!

Oh my gosh... I didn't think about it thoroughly because I was so excited! Nakalimutan ko na ang ibang bagay dahil sa surpresa niya.

"Tagal nila Louisse!" si Hailey habang nakaupo kami at hinihintay ang iba.

Ito ba ang rason kaya pumayag siya noong tumawad ang kliyente? Para rito? Para makabenta agad siya? I suddenly feel bad. Natanaw ko ang pagdating ng iba naming friends. Hinila ako ni Hailey patayo.

"Let's go, Cass!" si Louisse nang umugat ako sa kinatatayuan.

Umiling ako. "I... can't."

"What do you mean?" litong si Vanessa.

Nilingon ni Hailey ang iilang pumapasok na habang kami ay nasa labas pa rin.

"Maybe next time?"

"Cassey what do you mean?"

Umatras ako at muling umiling. Ayokong umalis. I know how much he work hard to afford my lifestyle but I don't like it.

"I promise babawi ako next time. Hindi ko kayang umalis!" pag-amin ko.

Their jaw dropped.

"Magkukwento ako! At ipapakilala ko I promise!" kaway ko habang nagmamadaling umalis.

"You bitch! Are you inlove, Cassandra?!" Vanessa shouted.

"Sino 'yan para ipagpalit mo sa The Weeknd! No way!" si Louisse na nakasimangot na.

"You're confusing us!" si Hailey na magkasalubong ang kilay.

"Believe me, for the first time I'm not confused!" I shouted back.

Namilog ang kanilang mga mata. Humalakhak ako at deri-deritso na ang paglabas sa airport. I got carried away! Oo at masaya ako na binilhan niya ako nito ngunit hindi na importante sa akin ang mga ganito! I'd rather spend time with him!

Nagtaxi ako at mabilis na nagpahatid sa Warehouse. Kumakalabog ang dibdib ko. Hindi na mabura ang ngiti sa labi ko. The anticipation to hug him, to kiss him, and to tell him that I'm inlove with him is unbearable.

Imagine it, Cassandra. Tumanggi siyang sumama hindi dahil hindi niya maiwan-iwanan ang kanyang trabaho kundi dahil inubos niya lahat sa'yo ang tanging kinita niya!

Damn it. Ngayon ay nagpapakapagod ulit siyang magtrabaho ng triple para sa mga kliyenteng tatawad lang dahil ano, may nililigawan siyang magarbo ang pamumuhay?

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon