Wattpad Original
There are 4 more free parts

11th Haunted

63.6K 1.5K 392
                                        


Haunted

Rumor

Hindi ko na nabilang kung ilang beses kong tinipa ang pangalan niya sa search bar at binisita ang profile niyang walang ka laman laman sa Instagram.

I didn't know he has an Instagram account. Well, I never bothered myself searching for his name on the internet because I wasn't that curious about him.

Kaso simula noong nakita ko ang pangalan niya na nagview sa story ni Jason, hindi na maalis alis sa aking isip ang Instagram niya.

I clicked on the side of the screen and it automatically sent me to his message box. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at tumitig nang ilang siguro roon.

Should I say . . . hi? Like hi, this is me Cassey.

But isn't that . . . uh, awkward?

I mean this is my field of expertise. Saying hi won't hurt me, right? I started typing Hi half-heartedly. Tinitigan ko pa iyon nang ilang segundo. Parang kulang. Dinagdagan ko ng wink emoji.

Pumikit ako at pinindot ang send. Noong dumilat, nang makita kong na send iyon, namilog pa ang aking mga mata at medyo nag-panic.

Natataranta akong umalis sa Instagram at lumipat sa Facebook para doon abalahin ang aking sarili. Bumungad agad ang post ni Franca. I read her simple caption like 'Nothing much'.

I smiled and reacted on her photos individually. Naglapag din ako ng comment at pinuri kung gaano siya kaganda sa solo shot niya.

Noong pakiramdam ko, matagal na akong nakababad sa Facebook ay sumilip na akong muli sa Instagram. He didn't reply.

Or maybe he's busy? Pero hindi pa naman nagsisimula ang pasukan, ah?

Hinayaan ko iyon na lumipas. Hindi ko na rin binibisita at kunwari na lang na abala sa pagpasok uli ng pasukan sa Enerong iyon.

He's probably busy. Right. O baka hindi nag-iInstagram masyado? Baka nga. Kaya siguro hindi niya nakita.

Noong una ay naiintindihan ko pa kung ilang araw lang. Ngunit nang pumasok ang Valentine's Day, nang may magtanong sa akin kung may ka date ba ako at naisip ang crush ko, pumasok agad sa aking isip ang message ko kay Roche.

Kakatapos lamang ng aking subject noong inabala ko ang sariling buksan ang Instagram account habang ibinabalik ang aking books sa locker.

Natigilan ako sa hallway at namilog ang mga mata nang wala man lang seen! Inboxzone ba ako?!

Kumalma ako at binisita ang kanyang wall. Maybe he didn't saw it? I clicked the follow button shamelessly and started walking again.

I smirked to myself. Siguro naman makikita niya na! At para sure, nagpalit ako ng mas detalyadong profile picture lalo na't nakatalikod pa ako sa huli kong profile picture suot ang two piece bikini habang nakaharap sa rock formation ng isang Isla sa America.

Siyempre bikini pa rin ang ipinalit ko but this time it showed my whole face. Makikilala niya na ako for sure.

I was confident but when summer came, and I never saw his name on my Instagram notification, my patience knocked me out.

"Ang snob naman ng leche!" I said frustratingly while I'm sitting beside my cousin.

Nasa isang party kami. My Uncle's business is growing. Parte si Daddy at Tito Vince sa negosyong itinayo mismo ni Tito Vincent, ang CEO ng kumpanya at mismong mastermind nito. Ngayong lumalago at nakikilala kahit papaano ang Fortalejo sa larangan ng business world, kabi-kabila na ang party na dinadaluhan namin.

H A U N T E D (NGS #11)Where stories live. Discover now