16th Haunted

33.1K 1K 528
                                    

Haunted

Victim

Hindi ko na niyaya pang magjogging si Naia pagkatapos ng aking nalaman. At ang pinsan kong ito, tikom pa rin ang bibig tungkol doon sa lalakeng nakita ng aming driver na hinila niya.

Ito na siguro ang sinasabi nilang tigang? Kasi parang tigang na ako kaya ganito ako ka tsismosa kahit sa lovelife ni Naia?

"Baka kaibigan lang," si Chey nang makwento ko sa kanya iyong nakita ko sa nagdaang mga linggo.

"Sumakay daw sila sa isang kotse sabi ng driver! Chey that's Naia! She doesn't show interest when it comes to boys tapos ganoon bigla ang malalaman ko! What if fuckboy?! What if ma brokenheart siya?! Seryoso siya masyado. Paano kung seryosohin niya agad tapos pinapaasa lang pala siya?!" halos magpanic ako sa aking hinaing.

Chey sighed and shook her head like she's so done with me.

"Maybe she's keeping it for a reason? O baka kaya hindi niya sinasabi kasi wala lang naman 'yon?" ani Chey na tiningnan na ang screen sa cellphone.

Pilit kong kinalma ang aking sarili. Pag nalaman ko talagang nasa circle lang ni Ken magwawala talaga ako! Turn off agad! Napapabalita pa naman na close na raw sila.

"What's with your glares, Cassey? First day na first day of school..." natatawang si Ken nang makasalubong ko siya sa hallway.

Tingnan mo na ang babaerong 'to. Ngiti pa lang nambibihag na. Gets ko na guwapo si Ken, napaka charming, at mabait pa kaya daming nagkakagusto dahil full package kaso tarantado ito! At naiirita ako sa naiisip na baka binubugaw niya si Naia sa kung sino sino lang diyan.

Umirap agad ako at umalis para pumasok na sa mga subjects ko.

"Hi Cassey!" ang blockmates kong si Coleen pagkapasok ko sa isang room.

Natuwa ako nang siya agad ang makita. Tumabi ako sa kanya at nakipag-usap tungkol sa Summer. Nagkwento lamang ako na bukod sa business parties ng aming pamilya, house party at kung ano ano lang naman ang pinagkaabalahan ko.

"Sino 'yung tinutukoy nilang transferee?" si Coleen sa mga sumunod na araw.

Napapabalita iyon at isang Law student daw. I'm not sure though. Hindi ko pa naman nakikita. At base rin kay Naia, maganda raw. She even rate it eleven out of ten. Which means she's not just an average. Iyon pa na pihikan sa compliment.

Nagkibit ako habang inaayos ang gamit ko sa locker room. Lumilipad pa ang aking isip sa gagamiting subject sa aking susunod na plate.

"Pinopormahan daw kasi agad ng mga Delafuente?"

Umismid ako. S'yempre ano pa bang bago! Kahit sino naman atang babae popormahan ng mga playboy na 'yon! Diyan na ako mawiwindang kung pati si Red, lumandi!

"They're playboys and jerks. What do you expect?" I murmured to myself.

Hindi lang ata sa bibig ni Coleen nanggaling ang balitang iyon dahil halos buong estudyante ay pinag-uusapan na ang transferee.

Jesus the hype! Maraming magaganda sa school na ito. The Fortalejos, Buenaventura and the Delafuentes.

When it comes to foreign features, kaming mga Fortalejo ang talagang kilalang kilala pagdating doon. Ang mga Buenaventura naman ay kapansin pansin dahil sa kanilang mga mata lalo na't masisingkit at may dugong Chinese. Nananalaytay naman sa mga Delafuente ang dugong Espanyol nila kaya minsan para nang mga Greek god at goddess ang kanilang genes.

Kung magaganda lang, marami naman. As a supportive cousin, I'll choose Naia as the most pretty girl in this school. Ngunit bilang supportive friend din, si Franca ang masasabi kong isa sa may pinaka magandang mukha rito.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon