Wattpad Original
Mayroong 13 pang mga libreng parte

2nd Haunted

85.9K 1.6K 737
                                        


Haunted

Paranoid

Naglakad siya patungo sa akin. Hindi man lang nagawang sumulyap sa akin ngunit dere-deretso ang hakbang patungo sa kinauupuan ko.

My eyes scanned him silently. At mas lalo pang naging obvious na tinitingnan ko siya nang tumigil siya sa aking gilid at yumuko para hawakan ang mga gamit na naroon.

Oh . . . it's his things?

I looked at his angled jaw, his parted lips, his serious face, and the way his thick brows furrowed while he was busy with his things. The water made him look more sensual, hotter, and more attractive.

He doesn't look like he's my age. Baka naman Grade 12? O baka magka-edad lang pala talaga kami? He's not familiar. Kahit anong halungkat ko sa utak ko, talagang hindi pamilyar sa akin.

He slowly glanced at me when he noticed I was shamelessly watching his stomach. I smiled. His brows furrowed more.

"Swimmer ka?" Obviously, Cassandra! Nakita mo bang nag-sho-shoot ng bola sa pool para mapagkamalan mong basketball player?

Ibinalik niya ang atensiyon sa binubuksan niyang bag at pinagliligpit na iyon.

"What school are you?"

Hindi pa rin siya sumagot.

"Uh, you have a girlfriend kaya . . . ayaw mong makipag-usap?" Jesus! I sounded so thirsty! Kaya ako napagkakamalang uhaw sa lalaki, eh!

Tumayo siya ng tuwid at mukhang handa nang umalis. My eyes drifted to his thighs. Ngayon ay marahas na ang tingin niya nang mahuli kung saan ako tumingin.

"Kids nowadays," he blurted out and turned his back.

Kids? Did he just . . . oh . . . so he's old?

Napansin ko ang pag-ahon ni Hunter na inaalis na rin ang goggles at ang rubber swim cap sa kanyang ulo. Nakangiti siyang naglakad papalapit sa akin. Nilingon ko ang lalaking lumakad na papalayo.

"Hey!" nangingiti niyang lapit at yumuko.

"You're dripping wet, Hunter!" saway ko at tinulak siya lalo na't nag-aambang humalik.

Humalakhak siya at umatras ng bahagya. Muli kong nilingon ang lalaking nakakalayo na. Kuryosong sinundan ni Hunter ang aking tingin.

"Who's that?" tanong ko at ibinalik ang tingin kay Hunter.

Hunter's brow shot up.

"Si Dreyden?"

Dreyden? His name is not even familiar.

"Isa sa magagaling na member dito sa gym," aniya habang hinahaplos at ginugulo ang basang buhok.

"He's a snob." Ngumiwi ako.

"He's not friendly. Mahirap kaibiganin 'yon."

Marami akong kilalang snob na lalaki. Sa mga Delafuente pa lang, halos nangunguna na sila sa may ganoong ugali.

There's Toshi, Grey, and Hiro! Sukdulan ang pagiging snob ng mga lalaking iyon. Idagdag pa si Wayt na akala mo kung sino!

Almira's so fond of him, and I don't understand why she likes him so much!

Oh, you fool . . . you know the reason why she's fond of him!

Dumeretso kami pauwi ni Hunter sa araw na 'yon. I introduced him to my parents on that day. Doon din siya nag-dinner sa gabing iyon. Kuryoso sila kung anong klaseng relasyon ang namamagitan sa aming dalawa, and Hunter told them he's willing to court me.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon