15th Haunted

34.7K 1K 254
                                    

Haunted

Girlfriend

Palaisipan sa akin ang naging usapan namin ni Mommy. I never cried for a man. Hindi ko rin alam kung na inlove na ba ako. All of those feelings are shallow and short-lived.

Most of my experience in boys aren't the serious type of relationship. Kung may seryoso man, siguro si Hunter? Naging kami.

But being heart broken to the extent that I need to cry my eyes out is never my cup of tea. Lalaki, iiyakan?! Sayang ang skin care ko kung iiyak lang pala ako.

My list of crushes are just my past time, for a distraction. Ang mga lalake sa aking buhay ay para lamang makatakas ako sa stress sa school. Kaya kung pati sa lalake ay mai-stress lang din pala ako at sakit sa ulo, then why would I even pursue that feeling?! I'd drop him on the spot. I don't want those kind of headaches!

Unless it's my cousin's relationships. I crouched a bit and arch my brow while looking at the man infront of me intently.

"Bakit panay ang titig mo sa kasama ko?" prangka kong tanong lalo na't hindi nakaligtas sa akin ang bawat sulyap niya kay Naia.

Guwapo siya ngunit masyadong badboy. Pero guwapo pa rin!

He didn't answer and look at the screen of his phone. Noong may mabasa roon ay tumayo na siya. I glared at his back.

Yes Naia is pretty but I don't like the way he stares at her! Malay natin minamanyak niya na sa isip niya.

Hindi ako handa kung si Naia ang magboboyfriend. Gusto ko naman siyang sumaya talaga lalo na't ang tahimik ng kanyang buhay at ako lang ang nanggugulo sa kanya ngunit ayokong mapunta siya sa kung sino sino lang. Tapos sasaktan lang siya?

Naging palaisipan pa iyon sa akin. Ni hindi man lang nagkwento si Naia!

Kinuha ko ang aking inumin at nilagok ng buo. Ngumiwi ako saglit dahil sa hapding dumaan sa aking lalamunan.

"Look! Almira posted a picture of her and her boyfriend!" pakita bigla ni Louisse sa akin habang nasa isang house party na naman kami sa Linggong iyon.

Nakisilip ako. She's kissing his cheek while the familiar guy was sticking his tongue out. They both looked happy.

"They look good together!" ngiti ko at nakita ang sumunod na story kaya humalakhak ako. "Ang pangit tingnan!"

It was Jason and his butt while he's planking.

"Mukhang pwet!" dagdag ko pa at nagkagulo kaming dalawa ni Louisse sa picture.

Dumaplis sa aking tingin ang isa sa kaibigan ni Almira. Hindi ko iyon pinagbigyan ng atensyon at sinaway si Louisse lalo na't nagtatawanan kaming dalawa sa picture ni Jason.

"Mukha talagang pwet! Proud pang p-in-ost sa social media!"

Hindi ata kami makamove-on ni Louisse sa picture na talagang bukambibig ko buong gabi. Kasabay pa noon ang sunod sunod kong shot.

"Bottom's up, Cassey!" my girl friends shouted.

Natatawa ko iyong inubos. The blinding lights inside the Club made me dizzy for awhile. Hindi ko na nabilang kung pang-ilang shot na 'yon.

Hinila ako nila sa dance floor at doon kami sunod na nagwala. I slowly unbuttoned my top while we're dancing clumsily.

"What the!" natatawang si Vanessa.

"I feel so hot!" lapit ko sa kanyang mukha at natatawa iyong sinabi habang inaalis ang top ko.

"Come on! Take this off!" hamon ko sa iba kong mga babaeng kaibigan na natatawang umiling at sumigaw.

H A U N T E D (NGS #11)Where stories live. Discover now