Haunted
Game
"Excuse me, Miss Fortalejo. Just a quick interview! Is it true that you're already engaged?"
"Are you planning to attend the Met Gala this year?"
"I heard you were invited to France for a fashion week! We're looking forward to your outfit!"
"Your cousin is a well-known model for Calvin Klein. Aren't you planning to become a model too?"
I smiled a little. The flickering lights of the cameras were blinding. Kahit nakasuot ako ng itim na sunglasses, ramdam ko ang sunod-sunod na click at pagdagsa ng mga reporter sa akin.
"My schedules are loaded, but yes, I'll be attending the fashion week in France," I replied and flashed my sexy smile on the camera.
Parang mas naging marahas ang iilang reporters. Sa bawat galaw ko ay kinukunan na yata nila ng picture.
"Your paintings gained so much attention! How did you come up with those ideas? Any inspiration?"
Bawat hakbang ay nakasunod ang mga reporter sa akin. Tiningnan ko ang sasakyang naghihintay. The chauffeur stood behind the door formally. Pinagbuksan niya agad ako habang papasok na. Parang may rampage ng mga zombie sa kalsada dahil sa pagmamadali at pagkatok sa bintana ng aking sasakyan para lang makakuha ng sagot sa akin.
I sighed unbelievably. Mabilis kong hinubad ang suot na glasses at tiningnan ang screen ng aking phone.
I opened my Twitter account to see if I'm still viral. Kagat ang pang-ibabang labi, halos ma-frustrate ako nang makitang gumagawa pa rin ng ingay ang nangyari.
What the hell? What am I supposed to do with this?!
I groaned and shut my eyes closed. Naihiga ko ang aking ulo sa headrest ng inuupuan sa backseat. Wala pa akong pahinga at may event pa akong dadaluhan uli habang nagwawala ang pangalan ko sa social media!
Ngayon ko lang napunto ang mga advice ni Naia sa akin noon pa man. Kung sinunod ko lamang, e, di sana wala akong pinoproblema ngayon!
"Let's fix your face for a while, Miss Cassey." Rinig ko ang tinig ni Pauline, ang assistant ko.
Kumalma ako at medyo na-conscious dahil baka pumaskil na ang stress sa aking mukha at makukunan pa mamaya sa camera na problemado ako. I don't want to look like a miserable woman on the internet! Sa dami kong bashers na naghihintay ng pangit sa akin, dapat ay maganda ako palagi.
I nodded. Hinayaan ko si Pauline na gawin ang gusto niya sa aking mukha.
"Malolosyang na yata ako. Life can't seem to control the urge to fuck with me senselessly. Puro problema, gosh! I get it, masarap ako. Pero puwede bang magpahinga muna?" I sighed with so much frustration.
Pauline chuckled.
"Naku, miss . . . ang ganda n'yo raw po kasi . . ."
Simula noon pa man, pangarap ko nang maging center of attention: the fame, popularity, and the fans.
I love the idea of being in the spotlight. Siguro dahil na rin kilala ako noon pa man na nabibilang sa mga elite, talagang naging madali na mapasok sa mundo ng showbiz kahit hindi ako artista o modelo.
My paintings made a bridge to become one of the hottest socialites in my generation. I gained more opportunities outside the countries. Kabi-kabilang invitations tuwing fashion show at nagiging kaibigan ko pa ang iilan sa mga sikat na tinitingalang fashion designers ngayon.
Napakaperpektong tingnan, ngunit alam kong sa likod ng lahat ng ito ay ang madilim na katotohanang pilit kong binabaon at pinagtatakpan sa pamamagitan ng makinang kong pangalan.

YOU ARE READING
H A U N T E D (NGS #11)
RomanceCassandra Emerald Fortalejo is the sassy "it girl" Roche Dreyden Sevarro wants to forget. Yet every time he tries to, he keeps coming back to the same place he once left. *** Cassandra has built a reputation as the queen of effortless cool. Boys co...
Wattpad Original
There are 15 more free parts