Haunted
Snake
Nagising ako kinabukasan na nasa sofa ng aming bahay. Dumilat ako at napahawak sa ulo kong kumikirot.
"What happened?" ang pamilyar na tinig ni Mommy ang narinig ko.
Blurry pa ang aking paningin noong nilingon ko siyang naglalapag ng tray sa center table. Umupo ako at hinawakan ang aking ulo.
"Nag-condom ba kayo?"
My eyes widened and looked at her.
"Mom wala!" deretso kong paliwanag.
Umangat ang kanyang kilay habang binibigay sa akin ang isang tsaa. Tiningnan ko ang bowl na may soup. Sa gilid ay isang gamot at sigurado akong para sa hang over.
Sinong naghatid sa akin? Si Hailey? Vanessa?
Tumabi siya sa akin habang sinisimsim ko ang kanyang bigay. Bihis na bihis na siya. Napaisip tuloy ako kung bakit nandito pa rin siya lalo na't alam ko namang sumasama siya lagi kay Dad sa kumpanya.
"Are you sure?" tanong niya habang sinusuklay ang buhaghag kong buhok.
Tumango ako nang may biglang umatake na memorya kagabi sa aking isip. Halos matigilan ako nang makita ang senswal na mga halik ng kung sino.
Shit! Mariin akong napapikit at gustong umungol sa kahihiyan. I'm not even sure if it was Dreyden or . . . I'm just overthinking things.
"Spit, Cassandra." Mommy's demanding voice thundered.
"Mom I said wala!" dilat ko nang tingnan siya.
She looked at my ears and arched her brow.
"Namumula ang tainga mo you liar . . ."
Oh damn it. Bakit ba kailangang pumula noon kapag hindi ako honest? Ano 'to may lahi kaming Pinocchio? Bawal magsinungaling?!
"I kissed someone familiar. Someone I used to like . . ." deretso kong pag-amin at naibaba ang tsaa na hawak.
"Oh? Was it . . ."
"Hindi!" agap ko.
She smiled playfully.
"Mom hindi nga," giit ko.
Tumawa siya at tumango.
"So . . . what happened?"
"I'm not sure. He's different. Biglang naging bad boy na playboy na ewan. And his name . . . parang iba na rin? His personality, his image . . . it wasn't him."
"Baka naman nagbago lang. Or his brother?"
Napaisip ako. I don't really know Dreyden. Pero alam ko hindi siya mahilig sa babae. Hindi siya ganoon. That's probably not Dreyden. But why did he stop when he saw me? Which means . . . he recognized me too?
At ang galit sa mga mata niya, talagang katulad sa mga matang huli kong nakita noong nakaraang taon. It resembled Dreyden's eyes . . .
"If he hates you then how come he kissed you?" si Mommy na napapaisip.
Right. But I have a valid explanation for that. Maybe he didn't recognize me. Bukod sa nag-iba ang aking buhok, medyo naging tan-skin pa ako. That's the reason why he didn't notice it was me.
But fuck it! What kind of kiss was that? That's very different from those kiss I experienced. Kabado ako ngunit na-eexcite. Nagiging sabik sa bawat hagod ng labi niya. Siguro kung hindi lang tumigil iyon, baka mas higit pa ang nangyari!

YOU ARE READING
H A U N T E D (NGS #11)
RomanceCassandra Emerald Fortalejo is the sassy "it girl" Roche Dreyden Sevarro wants to forget. Yet every time he tries to, he keeps coming back to the same place he once left. *** Cassandra has built a reputation as the queen of effortless cool. Boys co...
Wattpad Original
There are 9 more free parts