33rd Haunted

35.9K 1.1K 231
                                    

Haunted

Peace

Wala akong tulog. I was waiting for my cousins. Kahit may parte sa akin ang ayaw nang maghintay at gusto nalang magpahinga, ngunit may katiting pa ring nananalangin na kahit makita lamang sila, may makasama, ay tatanggapin ko.

Ang unang dumating ay si Chey. Her tired face welcomed me.

"Brokenhearted?" she assumed when she saw my puffy eyes.

I nodded and made a sad face. Kung ano man ang nagpipigil sa aking magkwento, hindi ko alam.

"Naka move-on kana kay Roche at ibang lalake na ang iniiyakan mo?" hula niya habang hinuhubad ang suot niyang designer na bag.

Inabot ko ang kanyang kamay at niyakap siya. Tumili siya nang mawalan ng balanse at mapahiga sa aking kama.

"Amoy pawis pa ako, Cassey!" nagpupumilit siyang humiwalay.

I chuckled but the tears in my eyes betrayed me. Nanliit ang kanyang mga mata sa akin.

"Baka naman nalaman niyang hindi ka pa nakakamove-on kay Roche kaya ka hiniwalayan? Teka... do you even have a boyfriend?" she asked suspiciously while fixing her disheveled hair.

Humingos ako at pinanood ang kilos niya sa loob ng aking kuwarto. Nakikita ko ang pag bukas ng pinto at pagsilip ni Manang. She looked so desperate for an answer. Umiling ako dahil parang bumabara lamang sa aking lalamunan ang mga nangyari. Hindi ko kayang isuka palabas lalo na't masyado na rin akong nanghihina.

Mga bandang twelve na noong si Naia naman ang dumating. Mabilis ko siyang nilapitan at niyakap. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg at hindi ko na napigilang umiyak.

"Brokenhearted ata. I don't know if it's still Roche or..." si Chey.

Niyakap ko nang mahigpit si Naia. Dumagsa agad sa aking isip kung paano ko naisip na maaaaring huling sandali na iyon ng aking buhay. Nakakatakot pala. Napagtanto kong hindi pa ako handa. Ayoko pa.

My cousins are aware how crybaby I am and clingy when it comes to them. Kaya ngayong ganito ako, alam ko na hindi na bago iyon sa kanila.

"Anong nangyari?" Naia's serious voice made me cry even more.

I was so scared! Idinaan ko lang sa tapang ang pagtakas ngunit takot na takot ako! Paano kung naabutan nila ako roon? Paano kung hindi napadaan si Casen doon? Paano kung hindi ako nakatakas? Anong mangyayari sa akin kasama sila? Will I even make it alive? I bet not!

"I just missed you guys! Group hug!" naiiyak kong tawa at hinila rin si Chey para magyakapan kami.

Chey looked so confused. Naia looked at me meaningfully. Kapwa ko hinawakan ang mga baywang nila para mayakap silang dalawa. Chey sighed and hugged me back. Naia didn't flinch but I felt how she snaked her arms around my waist to hug me too.

Manang was so frustrated when I told her I didn't inform my cousins about what really happened. Hindi ko alam kung paano siya ikukwento sa totoo lang. I don't want to cause more trouble since what happened with our other cousin made us so worry. Kaya kung nalaman nilang pati ako... sigurado akong mangangamba lamang sila.

And hearing it might traumatized them too. Besides, I survived. Nothing bad happened to me. They didn't torture me to death. They only fired words but those were bearable.

Really, Cassey? Bearable? You couldn't sleep thinking about it! You feel anxious! You're getting paranoid! And yet you're saying that... it's bearable?!

"Miss you, Mom..." bulong ko sa sumunod na mga araw.

"Is there a problem? Is this about him again?" si Mommy na nagsususpetsya.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon