13th Haunted

30.5K 939 404
                                    

Haunted

Team

I swear to God, kung ano man ang rason kung bakit lagi kaming nagkikita, hindi ko na nagugustuhan!

Hindi ako nakatakbo. Ni hindi na nakaalis. Kalmado akong lumingon kay David na nag jog na patungo sa akin.

Hindi ko mapuri puri sa aking isip ang kabuuan niya lalo na't naninimbang ang insultong tingin ni Roche nang makita ako kanina. At ang nakakaloko niyang ngisi, na para bang alam niya agad kung bakit ako nandito, ay nakadikit na rin sa aking isip.

"Where are you going? Nandito kana pala," nangingiting si David at hinawakan ang aking siko.

"Uh, akala ko wala ka kaya..." I chuckled smoothly.

"I'm sorry. Medyo na-distract lang sa game. Thirty minutes. Give me thirty minutes," aniya at iginiya ako pabalik sa upuan.

"Ayos lang. I'll cheer for you. Take your time and enjoy your game," nangingiti kong sabi.

I should stop doing indecisive decisions. Pumunta ako rito para panoorin ang laro ni David, hindi para mahiya kay Roche.

Bakit ba ako mahihiya sa kanya? Bahala siya kung ano ang iisipin niya sa akin!

Nagsimula ang kanilang game. Hindi ko masyadong gets ang larong football ngunit para lang din naman siyang basketball. Ang aim lang din ay maka score at ma shoot sa ring ang bola ngunit sa larong ito, sa pamamagitan ng kanilang pagsipa.

I saw David's smooth game. Nangingiti kong sinundan ng tjngin ang kanyang kilos at pumapalakpak. But then again, Roche suddenly appeared and kicked the ball roughly. Halos mawala sa balanse si David sa biglaan nitong pagsulpot at marahas na galaw.

Isa sa mga player ang umalalay agad bago pa ito masubsob sa sahig. Tinapik niya ang balikat nito at iritang nilingon si Roche.

"Dahan dahan, Roche!" sigaw niya.

What's his problem? Irita kong tiningnan si Roche na patuloy nang tumakbo at walang pakialam sa sinabi noong player.

Maliksi itong gumalaw at marahas ang bawat atake. Isang malakas na sipa ay lumipad agad sa net ang bola at naghiyawan ang mga nanonood. He made a point.

Ang sabi ni David ay friendly game lang naman. Ngunit sa ngisi na suot ni Roche at kaangasang taglay, hindi ko alam kung galit ba itong naglalaro o ano. He doesn't look friendly at all.

Humalukipkip ako at kakaiba na ang nararamdaman sa kanilang game. Their play was so rough. Nagsisigawan na ang ibang players at sinisita ang isa't isa.

Anong laro ba 'to, paangasan? Painitan ng ulo? Nakita ko kung paano mabilis na tumalon si Roche at sinipa ang bola pagkatapos matumba ng dalawang player   kasama si David na pinagtatangkang sipain iyon ngunit nagkabuhol buhol sa isa't isa.

Napakapit sa ulo si David at mabilis na tumayo. Pinigilan agad siya ng mga players nang nag-ambang sumugod kay Roche.

He raised his both hands playfully while wearing his mocking smile. Umatras ito habang papasugod na si David.

"Gago Roche! Kita mong natumba sisipa ka! Kamuntik mong matamaan ang ulo ko!" turo ni David.

"Magpasalamat ka at hindi ang ulo mo ang sinipa ko!" maangas na sagot ni Roche at natatawang naglakad paalis.

Oh this frigging troublemaker!

David clenched his jaw and pushed the other players infront of him. Nagpatuloy ang kanilang laro. Lumunok ako lalo na't kita ko kung paano sumusunod ang tingin ni David kay Roche. At si Roche naman, lagi siyang tinatapunan ng tingin.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon