41st Haunted

44.6K 1.6K 574
                                    

Haunted

Ring

Mabilis ang pag-enter ko ng passcode and slammed the door infront of him.

"God... dammit, Cassandra!" I screamed and shut my eyes frustratingly.

Nabitiwan ko ang bulaklak ni Naia habang tinitingnan ang nanginginig kong kamay. Kahit si Roche naman sana iyon, ang takot ay parang namalagi pa rin sa aking katawan. I inhaled and exhaled heavily, almost forcing myself to breathe.

Bakit pa kasi huminto sa harapan ko! I remember his old self doing it. It was a hobby. Ngunit ngayon, halos hindi na pamilyar sa akin dahil may iba nang mas nangibabaw.

Nagtungo ako sa banyo at naghilamos. I can't act like this! I can't just accuse all of these cars stopping infront of me like they might kidnap me!

Tuloy tuloy ang pagbagsak ng mga luha ko sa sobrang frustration. Ilang beses ko pang pinakalma ang sarili at gusto nang tumahan ngunit hindi ko agad magawa. Nagpasya akong tawagan nalang si Mommy, o pumunta sa condo ni Naia ngunit napagtantong wala sa akin ang aking cellphone.

Hawak ko lang iyon kasama ng bulaklak ah? I probably dropped it after panicking! Wala sa sarili akong nagtungo sa may pinto at binuksan iyon, nagbabaka-sakaling baka mahanap ng bodyguard doon nang iba ang bumungad sa akin.

Roche standing infront of the door, his head down, hands on his pocket, made me stiffen for awhile. Umangat agad ang kanyang ulo at napatuwid ng tayo sa pagkakasandal sa pader, deritso ang lapit sa akin.

Mas lalo siyang nagulat nang makita ang namumula kong mga mata kakaiyak. Nilingon ko pa ang tatlong bodyguard na nanatili sa labas dahil pinagsarhan ko rin ng pinto kaso ibinalik agad kay Roche nang magsalita ito.

"Why are you still here..." it was my ego taking over as a front.

"What's wrong, Cassandra?" marahan niyang tanong sa namumungay na mga mata.

My eyes watered. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa doorknob, halos kunin doon ang lakas kahit hindi ko alam kung masasagot ko ba ang tanong na iyon.

His eyes softened more. Isang haplos lang sa aking siko, halos masuyong hilain ang aking katawan palapit sa kanya, doon ko napagtantong hindi ko kayang panindigan ang suot kong katapangan.

Pumikit ako at naiyak. Binitiwan ko ang door knob at hinayaan ang mga palad kong takpan ang aking mukha. He pulled me gently until I felt his body. His chest against the back of my palm. His hot breath on the side of my ear when he crouched and murmured things. His arm around my small waist.

"Who did this? Hmm?" he whispered gently in a controlled voice.

Nanginig ako sa iyak. It was so vivid. And I don't want to experience it again! Akala ko ayos na dahil matagal na rin naman, that maybe I can finally move on and recover from it but I was wrong.

"I'm scared..." bulong ko.

"I'm here," bulong niya pabalik sa namamaos na tinig.

Slowly, he's getting familiar. The comfort I used to call home from the past. The warmth in his arms I missed...

Hindi ko nabilang kung ilang minuto akong ganoon, tahimik na umiiyak sa kanyang bisig habang siya ay tahimik akong niyayakap sa gitna ng dilim na nanggagaling sa loob ng aking kuwarto, at sa liwanag galing sa labas.

Unti-unting huminahon ang nararamdaman ko. Ang takot ay parang pinitik pabalik sa dilim at muling ikinulong doon para hindi na makalabas pa.

"Cassandra!" Mommy's panicked voice echoed in the entire place.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon