Wattpad Original
There are 14 more free parts

1st Haunted

120K 2.1K 552
                                        


Haunted

Expert Devil

Kian and Juaquin apologized to each other after the tension. It's a petty fight. Parehas na ngang seventeen, parehas din namang hindi ako girlfriend!

Lumulutang iyon sa isip ko sa sumunod na mga araw. Nakakaganda namang pag-awayan ka ng boys kaso minsan nakakahiya rin pala. Tawang-tawa lamang si Hunter dahil alam niyang siya ngayon ang crush ko at mutual pa kami.

"Ayusin mo naman, Cassandra!" Almira's voice boomed when I failed to hit the ball.

I gasped and tried to control my temper. Pawisan ako at talagang gusto ko nang tumakbo sa shower room ng school para makapagpalit lalo na't hindi ko na gusto ang pagiging malagkit ko.

"I tried, alright!" sabi ko ngunit dismayado nang umiiling si Almira at umaabante na para sa change position.

Umusog ako sa likuran para makaalis sa harapan. Some of our classmates are looking at us curiously.

"You tried pero hindi pa rin napalo! Palibhasa magaling ka lang sa lalaki!" she shouted angrily.

My eyes widened. Mabilis siyang sinaway ng mga kaklase kong babae habang ang mga boys na nanonood ay napa-'ohhh'.

I gasped miserably and swallowed the lump in my throat. This isn't the first time she's accused me of things. Oo, magaling nga ako, pero kailangan bang ipangalandakan?! Hindi ko naman itatanggi!

Pumito ang aming P.E. teacher kaya medyo naging alerto na uli ang iilan. Yumuko ako at sa gilid ng aking mga mata ay kita ko pa rin ang inis na mukha ni Almira sa akin.

My shoulder loosened. Kung ibang tao pa ito, baka nakipagsigawan na ako at napatawag uli sa guidance dahil sa rumble na nangyari, ngunit isa lamang ang nakakagawa niyon sa akin. It's her.

"Almira is always mean to you," tawa ni Janina habang naglalakad na kami sa shower room.

Dala ko ang uniporme kong pamalit at malinis na towel na kinuha ko pa sa aking locker room pagkatapos ng volleyball na activity namin.

"Masyado kasing perfectionist," ngiwi ko habang ang aking utak ay lumilipad na sa nakaraan.

Her warm smile. Her hugs and giggles. Her sweet voice . . .

"Sabi ni Alissa, close daw kayo noon, ah? Halos mag-best friend daw?"

Nagkibit ako. I don't want to talk about my past. I don't want to confront it again and go through another pain. Ayoko nang maulit ang sakit na 'yon.

"Sa lahat ng tatarayan ka, si Almira 'yung hindi mo masyadong pinapatulan," ani Janina habang papasok na kami sa shower room.

Naghanap ako ng bakanteng cubicle at hindi na sinagot pa si Janina. Pumapaibabaw ang tunog ng shower at makikita sa harapan ng malaking salamin habang may iilang estudyante roon na nag-aayos sa sarili.

Pumasok ako sa cubicle at isinabit ang iilan kong gamit. Almira's temper worsened. At alam ko kung sino ang may kasalanan.

Nag-blower muna ako ng aking buhok habang nakatapis lamang ng puting tuwalya. Noong matapos ay paglalagay naman ng lotion ang inabala ko saka rin nagbihis ng malinis at komportableng uniporme.

I put on some light makeup just to enhance my features. Nagkalat sa sink ang mga gamit ko, such as perfume, makeup, and a box of tissue.

"Cassey, bilis na! Mali-late na tayo sa sunod na subject!" Janina shouted when she looked at me.

"Mauna ka na!" senyas ko habang nakatingin sa kanya sa salamin at abala pang magpahid ng sunscreen sa mukha.

She groaned and walked away. Alam niyang kapag hihintayin niya pa ako ay dalawa kaming mali-late. Eh, ako, hindi ako nagmamadali lagi. Kaya kong pumasok kahit late. Siya, hindi.

H A U N T E D (NGS #11)Where stories live. Discover now