48th Haunted

52.2K 1.7K 589
                                    

Bridge

"This is the last shoot in Paris! Good job everyone! Especially you, Cassey!" the director finally announced.

Ngumiti ako habang nagpapalakpakan ang iba. Nagtungo ako sa cameraman para makita ang iilang nakuhang shoot.

"Let me see," rinig ko ang tinig ni Roche sa aking likuran at pasimple pang hinaplos ang aking baywang.

Tumikhim ako at ipinatili ang tingin sa camera. Roche crouched a bit until the side of his face leveled my peripheral vision.

Nasa camera ang tingin niya nang lumipat iyon at tumingin sa aking gilid nang hindi gumagalaw ang kanyang ulo. Ngumuso ako at nagpigil na mapangiti.

"I'm still mad I want a kiss," rinig ko ang bulong niya.

Kunot-noong napabaling ang cameraman sa kanyang likuran at tiningnan kaming dalawa.

"Sir? Kiss, Sir?" ang gulat at nagtatakang tingin ng cameraman sa amin ni Roche.

Mahirap magpanggap na walang namamagitan sa amin ni Roche sa set lalo na't mukhang wala siyang pakialam minsan kung mahuli man kami o makita ng iba na ang bulgaran niyang pakikitungo sa akin.

Umupo na ako habang abala ang lahat sa pagmemeryenda.

"What do you want to eat?" tanong niya sa malamig na boses, tila ba masama pa rin ang loob sa pag-alis ko ngunit hindi ganoon ka galit para hayaan akong magutom.

"Pizza nalang, Engineer," I said without looking at him.

I tried my best. It was one of those moments that I'm so confident Mommy won't caught me hiding some suspicious activities behind her back.

Kaso bawat minuto, mahirap talagang magpanggap lalo na't si Roche, laging lumalapit at parang nakalimutan ang usapan namin!

"Water," bigay niya sa mineral water sa aking gilid habang kalalapag lamang ng team sa aking harapan ang aking snack.

"Thanks," kuha ko roon at hindi na tumingin sa kanya.

Mommy's eyes were like a cctv. Bawat galaw ay lumalaki ang mga mata niya, kuryosong titingin at parang ilang sigundo pang inaalayze sa isip niya ang nangyayari.

It was hard to keep a secret to her. Kahit noong papabalik na sa hotel at tahimik siya, tila ba may malalim na iniisip, kabado na ako at gusto nalang mapaamin.

"Parang may mali," she said while she's thinking thoroughly.

"Ano ang next sched ko, Pauline?" I tried not to pay attention and pretended I'm busy with other things.

"Pansin mo ang kinikilos ng Engineer, Jaia. Parang... may mali," si Mommy.

"Paanong mali, Madam?" ang Manager ko naman na talagang tsismosa.

Lumapit si Pauline sa akin at nagsimulang i-recite ang aking schedule habang abala ako sa aking gamit sa kama. Bukas ang pinto kaya naririnig ko sila sa sala.

"Hindi umiinit ang ulo pag inaasar ko."

"Ay good mood siguro, Madam?" si Lara na isa na ring sumali.

Pauline's eyes lingered at me expressively. Halos mabasa ko sa titig niya ang mga sagot sa pinoproblema ni Mommy.

"May babae kasi kaya siguro wala nang pakialam sa mga hirit niyo tungkol kay Cassandra, Madam," si Lia.

Tumunog ang nakadapa kong phone sa kama. Naunang tumingin si Pauline doon. Mabilis ang pag-aayos ko sa gamit at pinulot ang phone.

Nakita ko agad ang pagsulyap ni Mommy sa akin. I looked at the phone and answered Roche call while walking towards the balcony.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon